Share

Chapter 33

"M-Miss, hindi ho kayo puwedeng pumasok dito!" tinig mula sa labas ng kaniyang opisina.

"Wala akong pakialam! Palabasin mo ang malanding babaeng 'yan! Romana! Lumabas kang puta ka!"

Napaangat mula sa pagkakaupo si Romana kasunod ang pagsilay ng isang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi.

"Katulad nang inaasahan, dumating siya," bulong niya.

Taas-noo siyang lumakad papalabas ng pintuan. Ang totoo ay siya rin ang nagpakalat ng video scandal nila ni Vincent sa parking lot para inisin si Laila para ito na mismo ang kusang makipaghiwalay kay Vincent.

"Ano ang nangyayari rito?" mababa ang boses niyang tanong sa sekretarya sabay hagod ng tingin kay Laila na hindi maipinta ang mukha.

"Paumanhin, Miss Lichauco. Nagpupumilit ho kasi siyang pumasok," nakayukong sambit ng kaniyang empleyado.

Hindi naman umimik si Laila. Kuyom nito ang mga kamao na tila nais siyang saktan. Matatalim din ang ipinupukol nitong tingin sa kaniya.

"It's okay. Iwan mo na muna kami."

Yumuko ang sekretarya bago umalis. Nan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
ColaPrinsesa
Haha oo nga eh. Gusto ko na rin sabunutan ...
goodnovel comment avatar
Dhez Rivera
Best Actress tlga itong si Romana haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status