Share

Chapter 39: READ AT YOUR OWN RISK !!! SPG CONTENT!!!

"Sinabi ko na kasi sa'yo na hayaan mo na siya. Tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo," sermon ni Vincent kay Romana habang ginagamot nito ang natamo niyang kalmot sa mukha.

Kumibot ang kaniyang labi.

"Wala lang ang mga sugat na 'to sa natamo ni Laila," pasaring niya.

Pinag-aralan niya ang reaksiyon ni Vincent ngunit mistulang hindi ito apektado sa kaniyang sinabi.

"Hindi ka ba nag-aalala sa asawa mo?" muli niyang tanong.

Nais niyang tiyakin kung totoong wala na nga itong natitirang pagmamahal sa babae. Ibinaba nito ang hawak na bulak na may alcohol at saka seryoso na tumingin sa kaniya.

"Puwede ba na huwag na natin siyang pag-usapan? Umiinit lang ang ulo ko kapag nakaririnig ako ng tungkol sa kaniya."

"Bakit naman? Dahil ba niloko ka niya? Naapakan niya ba ang ego mo? O nasaktan ka dahil mahal mo pa siya?"

Diretso lang ang kaniyang tingin sa mga mata nito. Nais niyang saliksikin ang kaloob-looban ng puso ng lalaki.

"Wala sa mga iyon ang sagot ko. Nagagalit ako kasi desidido na akong iwa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status