Share

Chapter 41

"Stable na po ang vital signs ng pasyente. Hintayin na lang natin na magkamalay siya."

Pabagsak na napaupo sa bakanteng upuan na naroon si Tristan. Nakapikit na tumingala siya sa itaas at saka tahimik na nagdasal.

"Diyos ko, marami pong salamat. Hindi mo pinabayaan si Laila."

"Mabuti na lang dahil naroon ka! Pinabayaan na kasi siya ng hayop na asawa niya! Nakahanap lang ng mayaman na sugar mommy ay hindi na binalikan si Laila! Napakademonyo talaga ng Vincent na 'yon!"

Nasa tabi niya lang si Aling Cora. Kanina pa naghihimutok ang matanda dahil sa nangyari. Wala itong ibang sinisisi kundi si Vincent. Kulang na lang ay isumpa nito ang lalaki dahil sa ginawa kay Laila.

Pumasok siya sa loob ng silid na kinaroroonan ni Laila. Wala pa rin itong malay.

"Suki ka na ng ospital. Sana ito na ang huling pagkakataon na makita kitang nakaratay sa higaan na 'yan. Labis akong nasasaktan at nahihirapan sa tuwing nakikita kong nasisira ang buhay mo. Sana paggising mo ay burahin mo na sa isip mo ang mapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status