Share

Chapter 48

Matapos kumain ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga kuwarto. Bago makapasok ay mayroong pasimpleng inabot si Lalaine kay Vincent.

"Ihalo mo sa inumin ng gurang mong asawa para mabilis siyang makatulog," bulong nito.

"Safe ba 'to? Baka mapahamak siya," nag-aalangan niyang sabi.

Hindi naging masama sa kaniya si Romana kaya naman mahalaga pa rin sa kaniya ang kaligtasan nito. Inalagaan siya nito at minahal nang lubos kaya naman hindi niya kayang ipahamak ang asawa.

"Don't worry, walang side effects 'yan. Sleeping pill lang 'yan."

Tinanggap niya iyon at mabilis na itinago sa kaniyang bulsa.

"Vincent? Hindi ka pa ba papasok?" tawag ni Romana sa kaniya.

"Mamaya na lang tayo magkita," bulong ni Vincent bago tuluyan na pumasok sa loob.

"Ano pa ang ginawa mo sa labas?"

Inaayos na nito ang kanilang higaan. Nakapagpalit na rin ito ng pantulog.

"May sinabi lang sa akin si Lalaine. Gusto niya raw na mamasyal tayo sa laot bukas gamit ang yate ni Roman. Sasama ba tayo o gusto mong dito na l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status