Vincent lang sakalam HAHA
"S-Sandali ... Bakit ka ba sumisigaw? Bakit ka ba nagagalit kay Vincent?" awat ni Romana sa kapatid.Napansin niya ang pagguhit ng nakaloloko na ngisi sa labi ni Lalaine na tila nasisiyahan habang nakatago sa likuran ni Roman."Itong asawa mo kasi! Sinabi ko na gumising nang maaga para makaalis tayo kaagad pero heto't kagigising lang din! Sinabi ko na sasakay tayo sa yate para mamasyal sa laot," nakangisi nang sabi nito.Napahilot sa sintido si Romana. "Akala ko pa naman ay nag-aaway na kayo kaya nagmamadali akong bunangon. Pasaway ka talaga kahit kailan."Pagak itong tumawa sabay akbay kay Vincent. "Ano naman ang ikagagalit ko sa bayaw kong ito? Bukod sa napakabait na ay mahal na mahal ka pa! Anyway, magpapalaot pa ba tayo o hindi na? Sayang, ang ganda pa naman ng panahon ngayon.""Sumama na kayo! Tahimik at presko ang hangin sa gitna ng dagat. Marerelax ang isip at katawan niyong dalawa lalo pa't magiging abala na naman kayo sa inyong mga trabaho pagbalik natin sa city," sulsol nama
"Kumusta naman kayo ni Vincent?" pagbubukas ni Lalaine nang usapan. Sila lang dalawa ni Romana ang magkasama. Nagpaalam ang dalawang lalaki na aalis para mamingwit ng isda para raw pagkain nila mamayang gabi. Nasa cabin sila habang umiinom ng wine. Mas maganda iyon para mabilis malasing ang babae. Mas madali niyang maisagawa ang kaniyang mga plano."Okay naman kami. We are planning to have a baby na."Mapait na napangiti si Lalaine pagkarinig sa sinabi nito. Muli niyang naalala ang kaniyang anak na namatay."Kayo ni Roman? Wala pa ba kayong plano na magpakasal o bumuo ng pamilya? You know ... Hindi na kasi pabata ang kapatid ko. Gusto ko rin naman makita ang mga magiging anak niya.""Hinihintay ko lang na si Roman ang magbukas ng topic na 'yan. Nakakahiya naman kasi kung ako ang mag-initiate, 'di ba? Paano kung hindi naman pala ako ang gusto niyang makasama for the rest of his life?" tugon niya kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang balak na pakasalan ang lalaki.Mabait si Roma
"Mommy!" muling sigaw ni Vincent."V-Vincent! T-Tulungan mo ako!" nahihirapan na usal ni Romana. Swerteng mabilis siyang nakahawak sa railings ng yate kaya naman hindi siya nahulog. "Kumapit ka nang mahigpit, Mommy! Aangatin kita paakyat!"Inabot ni Vincent ang kaniyang kamay. Mabilis din na umalalay si Roman para tulungan siyang makaakyat.Nang tagumpay siyang maisampa ng dalawa ay doon lamang siya umiyak nang malakas. Ang buong akala niya ay mahuhulog na siya at tatangayin ng malakas na alon."Lalaine! Why did you do that?!" galit na tanong niya sa babae. "A-Ate R-Romana ... I-I didn't mean to –""Shut up! Sinadya mong itulak ako!" mariin niyang pahayag.Niyakap siya ni Vincent upang kalmahin ang kaniyang galit na nararamdaman."Romana, calm down. We saw everything. Na-out balance siya kaya hindi sinasadyang naitulak ka niya," depensa ni Roman sa kasintahan."Bvllsh!t, Roman! Huwag mong sabihin naniniwala ka sa kadramahan ng babaeng 'yan?! Muntik na akong malaglag sa dagat dahil
R-Roman ... L-Let me explain," nagbubuhol ang mga dila niyang usal. Nangangamba siya na baka mabuko nito ang kaniyang masasama na balak lalo pa't naroon si Tristan na anumang oras ay puwede siyang ilaglag."Talagang kailangan mong magpaliwanag. Sino ang lalaking ito?" kompronta nito sa kaniya. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Tristan."S-Siya ... S-Siya ang ama ng baby ko, Roman." Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Pinilit niyang umiyak dahil iyon ang kahinaan ni Roman. Lumalambot ito sa tuwing nakikita siyang lumuluha."B-Baby?! M-May anak ka na?! K-Kung ganoon ay niloloko mo lang ako?!"Luhaan ang mga matang nag-angat siya ng tingin."H-Hindi, Babe! H-Hindi kita niloloko. M-Matagal na kaming hiwalay ng lalaking 'to at ang naging anak namin ... N-Namatay na ang anak namin noong nasa sinapupunan ko pa lang ito. H-Hindi na nasilayan ng anak ko ang mundo."Ilang segundo ang lumipas bago nakapagsalita si Roman."Kung ganoon ay bakit hindi mo sa akin sinabi ang totoo? Ba
Pagkauwi nila sa siyudad, ang akala ni Vincent ay tuluyan nang malalayo sa kaniya si Lalaine. Ngunit akala niya lang lahat 'yon. Sa bahay pa rin nila tumuloy ang magkasintahan."Bakit narito pa rin sila? Kailan ba sila uuwi?" pabulong na tanong niya kay Romana nang makarating sila sa bahay.Bukod sa wala silang privacy kapag naroon ang mga ito, isa pa sa mga dahilan niya ay siguradong patuloy siyang matutukso kay Lalaine kung malapit ito sa kaniya.Hinawakan siya nito sa braso saka pasimple na bumulong. "Nakiusap si Roman na mag-stay pa sila rito ng one month. Gusto niya raw kasi tayong makasama nang matagal bago siya bumalik sa States."Hindi siya tumugon. Para sa kaniya ay napakatagal ng one month. Napakaraming maaari na mangyari sa loob ng isang buwan.Napansin ni Romana ang pananahimik at paghaba ng kaniyang mukha kaya naman pasimpleng inabot nito ang kamay niya at saka pinagsiklop ang kanilang mga palad."One month lang naman, Baby. Hindi ko kasi siya nakasama noong mga bata pa ka
Nasa isang maayos na silid na si Romana nang dumating si Vincent sa ospital. Nabawasan ang kaniyang pag-aalala nang makitang may malay na ang kaniyang asawa."B-Baby ..." Kaagad siyang lumapit para tabihan ito. Samantala, nasa isang kanto lang naman si Roman at si Lalaine na nakamasid sa kanila."Kumusta ka? Ano ang sabi ng doktor? Bakit ka raw nawalan ng malay? Sinabi ko na kasi sa'yo na huwag kang magpagod."Kinuha niya ang isang kamay nito saka marahan na pinisil-pisil."Huwag ka nang magalit. Okay na ako ... ""Bakit kasi ayaw mo pang kumuha ng maids, Ate Romana? Risky na para sa'yo ang paglilinis ng bahay lalo pa at tumatanda ka na," walang preno ang bibig na sabat ni Lalaine. Napahi ang magandang ngiti ni Romana sa sinabi nito. Parang ipinamumukha nito na sobrang tanda na niya.Pasimpleng hinawakan naman ni Roman ang isang hita ni Lalaine para awatin ito sa pagsasalita. Napansin marahil ng kaniyang kapatid na na-offend siya sa sinabi ng girlfriend nito."Sinong tumatanda ang si
"Lower your voice, Lalaine! Nandito ka sa pamamahay namin! Akala ko ba malinaw na sa'yo ang lahat?! Matagal nang tapos 'yong sa'tin noon?! Bakit ibinabalik mo na naman?!" pabulong ngunit mariin na sabi ni Vincent kay Lalaine.Patuloy ang paglagaslas ng sagana nitong mga luha mula sa namumula nitong mga mata. "Hindi ito tungkol sa atin, Vincent. Tungkol ito sa magiging anak sana natin na hindi mo binigyan ng halaga ang buhay!""Anak mo lang, Laila! Anak niyo ng lalaki mo!" pagtutuwid niya sa mga kasinungalingan nito."Napaniwala ka na talaga ng matandang asawa mo sa mga kasinungalingan niya! Nilason na niya ang isip mo! Gawa-gawa niya lang ang ideyang 'yan para tuluyan tayong maghiwalay!"Napatawa na lang siya ng sarkastiko. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang umaakto na biktima kahit na huling-huli na ito."Mayroon kayong video, Lailaine. Hindi ka makakapag sinungaling sa akin! At saka ano pa ba ang ipinupunto nitong usapan natin?! Ang anak mong namatay?! Bakit hindi ka na lang magpabun
Sa labas ng village hinintay ni Lalaine ang paparating na rider. Ngayon nakatakdang i-deliver ang kaniyang gamot na binili mula sa illegal site online kaya naman palihim siyang lumabas para salubungin ang magdadala."Peste naman oh! Bakit ba ang tagal ng letseng delivery rider na 'yon?! Sunog na ang balat ko kakahintay!" reklamo niya habang kinukuskos ang balat na bahagyang namumula na dahil sa sobrang init.Ilang sulyap na rin ang kaniyang ginawa sa relo pambisig. Thirty minutes na siyang naroon ngunit maski anino ng rider ay wala siyang makita."Tsk! Balak ba talagang ubusin ng taong 'yon ang pasensya ko?" Hinugot niya ang kaniyang cell phone mula sa kaniyang bulsa para sana magtipa ng mensahe ngunit napahinto siya nang may tumigil na motorsiklo sa kaniyang harapan. Balot na balot ang rider nito mula ulo hanggang paa. Maski buhok o kuko nito ay hindi niya makita ang itsura."Lalaine Montenegro?" Sumimangot siya."Ikaw ba ang may dala ng inorder ko?" yamot niyang tanong.Kinuha nito