Share

Chapter 81

"Dalahin mo ako sa kanila. Gusto kong puntahan kung saan nagtatago ang babaeng 'yon," utos ni Lalaine sa kaniyang tagasunod.

Nakalipas na ang ilang segundo ngunit hindi kumilos ang lalaki na kaniyang pinagsabihan.

"Ano pang tinatanga-tanga mo riyan?! Sabi ko dalahin mo ako sa kanila?" asik niya.

"Nangangamba ako sa maaaring mangyari kung susundin kita, Miss Montenegro . . . Alam na ni Boss Tristan ang mga plano mo."

Pabagsak siyang sumandal sa upuan at saka hinilot ang kaniyang noo. Kahit kailan ay ito talagang si Tristan ang sagabal sa lahat ng kaniyang plano.

"Ihatid mo na ako sa mansiyon. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kaniya."

Kaagad naman pinaandar ng alalay ang sasakyan. Narating nila ang mansiyon na kanilang tinutuluyan makalipas ang kalahating oras.

Pagpasok pa lamang ay bumungad na sa kaniya ang galit na mukha ni Tristan. Hinablot nito ang kaniyang braso at saka hinawakan nang mahigpit.

"Saan ka nanggaling, ha?!" Dama niya sa paraan ng paghawak ni Tristan ang tinitimpin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status