Chapter 38Nanatili lang akong nakayakap kay ate kanina pa. Nang umiyak ako kanina ay niyakap ko na lang siya at ayoko ng magsalita pa ng kung ano. At isa pa hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, dahil masyasong natunaw yung puso ko ng tinanong niya ako kung may problema ba ako. Grabe lang..Imagine.. masyado kong dinamdam yung sama ng loob ko, samantalang si ate, ako pa rin yung inaalala..Kaya ngayon habang yakap niya ako ay sobrang nahihiya talaga ako. Ito na ata yung malaking away namin ni ate sa buong buhay ko."Huy, ano ba kasing nangyayari sayo?" tanong pa rin ni ate. Pilit niya akong inilalayo niya sa kanya pero hinihigpitan ko lalo ang yakap ko. "Huy, ano ba? Isa! Hindi ka aayos?" Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang umayos na lang ng upo. Mukhang galit na kasi ang boses ni ate. At ayoko ng dagdagan ang galit niya ngayon.Pinunasan ko ang pisngi ko. At nanatili pa ring nakatungo. Buti na nga lang at hindi na ako ganoon umiiyak tulad kanina, kahit papaano ay kumal
Pagpapakilala"ANO BA Charlene?! Malilate ka na bumangon ka na diyan!"Ang galing talaga ng alarm clock ko. Isip isip ko habang nakapikit at nag kukunwaring tulog. Pinapakinggan ko lamang ang ate dahil napaka ingay nito at dumadaldal na naman. Dahil sa totoo lang ay gising naman na ako kanina pa at tinatamad lang na bumangon. "Charlene Abigail ano ba?!" hiyaw ulit ni Ate at hinila hila na yung braso ko. Nanunot naman ang sakit sa kalamnan ko. "Aray Ate, bitaw! A-ray, aray!""Babangon ka ba o hindi?""Ate, babangon na! Bitaw na kasi masakit!" laking pasalamat ko sa Diyos nang binitawan niya yung kamay ko. Grabe talaga siya sa akin. Namilipit ata yung mga ugat ko sa braso dahil sa ginawa niya."Maligo ka na at malilate ka na! Hindi ko pinupulot ang perang pinang aaral sayo ha! Lagi ka na lang ganito tuwing umaga.."Ayan nanaman siya. Samantalang ngayon lang naman ako nahuli ng gising dahil napuyat ako kagabi kakagawa ng project namin. Mabilis kong dinampot yung tuwalya ko at pumaso
Bakit"Bakit pa kasi kailangan mong lumapit at mangielam dun?!" sigaw ko kay Cita nung nakapag palit na kami ng damit. Nag palit din siya dahil natalamsikan din ng dugo konti yung manggas ng damit niya.Nandito kami ngayon sa mabaho at mapanghi na public cr. Dahil hindi kami pinapasok sa mall man lang o kahit sa anong fast food. Akala yata nila mga kriminal kami dahil lang sa mantsa sa damit namin. "Eh naawa nga ako dun sa lalaki!" giit pa niya."Hindi mo man lang inisip na baka madamay tayo don? Grabe ka!" di mapaniwalang sabi ko. Kanina habang inambaan ako ng kutsilyo nung lalaki akala ko talaga katapusan ko na. Biglang pumasok sa isip ko si Ate. Paano na lang siya? Ni hindi niya malalaman na napatay na pala ako kanina. Buti na lang talaga at inunahan ng lalaking may tattoo yung lalaking adik na yun."Pasensya na okay?" aniya pero inirapan ko lang siya. "Pasok na tayo Abi, malapit na tayong malate..""Oh ayan na! Hindi na tayo nakapasok sa programming tapos malilate pa tayo sa
Peace/AdikHANGGANG sa makauwi kami sa kanya kanya naming bahay ni Cita ay dala ko pa rin ang kaba. Pero yung kaba ko nag a-upgrade at hindi pa rin nawawala. Sumakit na nga lang yung mata ko kakairap kay Cita habang sinsabi niya kung gaano daw ka exciting yung nangyari sa amin ngayong araw.Hindi ko maintindihan kung saan yung exciting don? Exciting ba yun? Hind! Muntik na kaming mapahamak ng totoo, tapos tawag niya doon, exciting? Aatakihin ako sa puso dahil sa kaibigan ko na yun.Pakiramdam ko nga kahit nasa bahay na ako may nag hahabol pa rin sa akin. Grabe lang talaga yung kaba ko kanina. Mabuti hindi lumabas yung puso ko. Buong akala ko talaga ayun na yung katapusan namin ni Cita. Pero ako lang pala yung nag akala nun, para sa kanya pala exciting yun. Aruy ko po.Laking gulat ko rin nung wala siyang ginawa sa amin kanina. I mean, muka siyang masama na tao kaya expected ko na sasaktan niya kami or anything. Na corner niya na nga kami dun sa abandonadong palengke. pero 'yun nga hin
SirNaisipan ko na maagang pumasok ngayon sa school dahil isa lang naman yung klase ko ngayon. It Capstone. Sa totoo lang nahihirapan ako dito sa subject ko na to e. Buti na lang kamo hindi ko kaklase si Cita ngayon. "Aga mo ata ngayon, Abi?" tanong ni Cathy. Seatmate ko. Nginitian ko siya. "Maaga kasi akong nagising." Lumingon ako corridor wala pa masyadong studyante. Maaga pa kasi talaga. Six thirty pa lang. Karamihan kasi seven am nag uumpisa ang klase. Isa rin sa mga dahilan e, wala rin akong kasama sa bahay. Hindi kasi umuwi si Ate. Nag text lang siya na mag o-overtime daw siya. Pumikit ako saglit. Ninanamnam ang katahimikan dulot ng hindi ko kasama si Cita. Mas gusto ko yung ganito. Mapayapa. Yung tipong hindi ako nagsasalita. Tahimik lang."Grabe talaga yung nangyari kahapon no? Nabalitaan mo ba yun, Abi."Nilingon ko siya at umiling na lang."May holdapan kasi.. Tapos sa harap pa mismo ng school nangyari."Inignora ko na lang siya. Ayoko kasi talagang makipag usap ngayon.
"Ito oh, magandang model to, Cita." turo ko doon sa isang laptop na binusisi ko kanina pa. Hindi siya ganun kalaki tulad ng ibang laptop at manipis din siya. Magaan dalhin."Mag kano po yung ganito, Sir?" tanong ko dun sa salesman."36,999 po maam."Tinignan ko si Cita."Cita.. Ito na yung kun--""Grabe no? Akalain mo pulis pala siya?" daldal ni Cita sa akin. Hindi pinansin ang sinabi ko. Hindi pa rin siya nakaka get over sa pagkakakita namin dun sa lalaking may rosas na tatto kanina. "Tapos pinagbintangan pa natin siya na adik.."Hindi ko na siya pinansin. Malapit na akong maasar sa kanya. Kanina pa kasi niya bukang bibig yung lalaki na yun. Nandito nga kami sa mall para bumili ng laptop niya pero nakailang store na kami at wala pa rin siyang napipili. Imbes na mag komento siya sa mga tinitignan namin na laptop, hindi. Bukambibig niya yung pulis! "Tapos Dylan Rogerr pala yung name niya. Tingin mo nasa school kaya ulit siya bukas?" magiliw pa rin na daldal nito. Hindi niya ata napa
"Pero bakit kailangan namin madamay! ni hindi nga namin kilala yung lalaki na yun!" napatayo na sigaw ni Cita. Nandito kasi kami ngayon sa office ng Dean. Pinatawag kami kasi nahagip at nakita sa cctv yung ginawa namin na pag tulong doon sa lalaki na siyang sumaksak kay Sir Diaz. "Pero bakit niyo nga tinulungan?" napatingin ako dun sa isang nakatayong police na nagtanong. Medyo bata bata pa siyang tignan. Mga ka-edad lang siguro namin siya. Ang bata naman niyang Police, isip isip ko."Akala kasi namin, pinagtitripan lang siya. Hindi namin alam na police pala si Rogerr at hinuhuli lang yung lalaki." paliwanag ulit ni Cita. This time hinawakan ko na siya at pinaupo. Yung kamalditahan at katapangan kasi ni Cita, natatanaw ko na. Buti na lang wala dito si Dean. Jusko po! Baka pumutok na ang ugat nun sa stress dahil sa inaasal ni Cita, ngayon. Apat lang kasi kami na nandirito. Ako at si Cita at yung police na naka uniporme na nakaupo lang n para bang walang anngyayari na sagutan sa hara
---"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko pa ulit ng isang beses kay Cita, kahit pa ilang beses ko na siyang natanong. Hindi ko kasi maiwasan na mag alala para sa kanya. Ayaw niya rin kaksing sabihin kung ano ba yung napag usapan nila sa loob."Ay nako! Oo nga, ayos lang ako. Pa ulit ulit ka naman, Abi.."Hinalo ko yung sphagetti sa harap ko. Nandito kasi kami sa isang fast food sa harap ng school. Dito kami dumiretso after nung nangyari sa office ng Dean. Dapat nga magpapalamig lang kami dito, pero nakaramdam na rin kami ng gutom.Tinignan ko pa ulit ng isang beses si Cita, habang hinahalo niya yung sundae niya. Nag alala talaga ako sa kanya kanina ng pinaiwan siya ni Mr. Villanuevo. "Uy!" nasabi ko bigla ng may naalala ako. Naalala ko kasi yung mga pinagsasabi niya kanina doon sa loob. "Ikaw kung ano- anong pinag sasasabi mo doon sa harap ng pulis kanina, sigurado ka ba doon?" "Leche! hindi naman pulis yung gunggong na yun!" tukoy niya doon sa lalaking kasama ng dalawa."Pero kahit