---"Kakilala mo rin pala si Mr. Villanuevo?" tanong ko kay Ate ng matapos kaming makapang hugas ng mga plato. Sila Cita kasama niya yung mga Pulis dun sa sala. Ako tinulungan ko na lang si Ate. Naupo muna ako doon sa upuan habang si Ate nag simula namang punasan ang lamesa. "Oo. Diba nga kaklase ko si Dylan, si Matias naman yung pinsan niya naging kaklase ko rin.""Nung college ka, Pakalat kalat ka?" sabi ko habang nakapalungbaba sa kanya. Natawa siya. "Oo. Kailangan e. Wala akong choice kundi maging irreg noon kasi wala kang kasama dito sa bahay. Kaya lahat ng subjects. ko non kasabay rin nung pasok mo nung elementary ka para sabay tayong uuwi."Napangiti naman ako. "Salamat, Ate.." alam kong napakahirap para kay Ate yung iadjust niya yung buhay niya sa kung paano ako nabubuhay noon. Palagi ko siyang kasama nun wala ata akong maisip na hindi ako nasamahan ni Ate. Pwera lang siguro nung minsan na iniwan niya ako kay Ate Ningning nung nag umpisa na siyang mag ojt. Ginantihan naman
---"Totoo ba, Charlene?" agad na tanong ni Ate sa akin pagkatapos ipaalam sa kanya ni Rogerr yung tungkol sa akin. Maingat niyang hinawakan ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Nakita ko naman sa mukha ni Ate ang naramdaman ko kanina.Takot. At pag aalala. Sa tingin ko nga mas matindi pa ang nakikita ko sa kanya kaysa sa naging reaksyon ko kanina. Sa totoo lang, nung sinabi ni Rogerr sa akin iyon kanina ay natakot ako syempre.Sobrang takot.Na gusto kong sarilinin. Ayokong may makaalam pa na iba, ayokong maramdaman nila yung takot na ramdam ko ngayon. Tsaka isa pa, hindi pa naman ganun kasigurado na magagawa nga sa akin yun ng adik na yun, kung masasaktan ba niya ako o hindi. Kahit papaano ay nabawasan ang takot sa dibdib ko ng sabihin ni Rogerr na gagawin nila ang lahat para mahuli iyon. Tsaka nakakaawa na rin ang pamilya ni Sir Diaz, pag hindi pa rin nahuli ang adik at kriminal na iyon.Tinignan ko si Rogerr na naakupo sa kabilang sofa bago tumango kay Ate."Ano?!" napahawak
-Lunes ngayon, at kagigising ko lang. 6:30 na ng umaga pero nakahiga pa rin ako sa kama ko. Maaga ako nagising dahil sa totoo lang hindi naman ako gaano nakatulog. Tsaka nagising din ako kalagitnaan ng tulog ko ng maramdaman ko si Ate na tumabi sa akin. Nung tinanong ko siya kung bakit siya nandito sa kwarto, hindi naman niya ako sinagot at nginitian lang ako. Tapos pagkagising ko ng mga 4:00 wala na siya sa tabi ko. Lumipat na siguro.Biglang sumagi sa isip ko si Cita. Naalala ko yung nangyari kagabi. Napabangon ako ng wala sa oras. Agad kong hinanap yung cell phone ko.Tinawagan ko siya. Nakalimutan ko siyang tawagan kagabi. Jusko! Nakaka tulala naman kasi yung mga nalaman ko kagabi kaya, hindi ko na naalala yung kaibigan ko.Mag isa lang siyang umuwi. Sa totoo lang nag tataka na ako kung ano ba talaga yung nangyari sa kanya? Bakit galit na galit siya kay Mr. Villanuevo. Alam mo yung galit na labas ang ugat? Ganun kasi si Cita kagabi. "Hello, Cita?" sabi ko ng sinagot na niya ang
"Oh, ano na? Hihintayin mo siya?" tanong sa akin ni Cita nang matapos yung klase namin. Tinext ko naman si Ate para tanungin tungkol doon pero hindi naman siya nag rereply. Kaya hindi ako sigurado. Pero kung iisipin, malapit siya kay Ate, may posibilidad nga na nakiusap si Ate sa kanya.Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Cita. "Samahan mo na lang ako mag hintay sa kanya..""Sige.. Tsaka, gusto ko rin naman siyang makita." nakangiting sabi niya."Bakit naman?""Gusto ko lang siyang makita, bakit?" "Pero may boyfriend ka na diba?" tanong ko."oh,e, ano naman? Porket may lalaki ako, bawal na ba mag ka gusto sa iba?" mataray pang sabi niya sa akin. Parang hindi niya narerealize yung mga sinasabi niya."Cita, ang landi mo..""Ay, nag comeback na si Mother Abigail?" "Ewan ko sayo.." nauna na akong naglakad palabas ng room. Ang dami pang sinasabi ni Cita pero wala naman akong maintindihan. Nasa iba pa yung focus ko ngayon.Sa may Guard house ako nag hintay. 4:47 pm pa lang naman. Gusto
"Ate, gaano mo kakilala si Rogerr?" tanong ko kay Ate habang nag hahapunan kami. Napatigil siya sa tanong ko. Naisip ko lang kasi kanina habang kumakain kami sa labas ni Rogerr. Hindi ko pa talaga siya kakilala. Oo, nakakausap ko siya pero bilang tao lang. Yung wala namang koneksyon, dalawang tao lang na nagkakausap. Yun lang."Kakilala ko siya." ani ni Ate at sumubo ng pagkain.Napanguso ako. Hindi naman kasi niya sinagot yung tanong ko. "Alam ko Ate.. Pero.. ibig kong sabihin.. Alam mo ba yung pagkatao niya?""Ha? Oo naman.. Kaibigan ko si Rogerr pati yung pinsan niya na si Matias. Simula college hanggang ngayon. Bakit mo naitanong?""Napansin ko lang kasi na masyado mo siyamg pinagkakatiwalaan..""Aahh! Yun ba?" aniya "Pinag kakatiwalaan ko talaga siya. Parang kapatid ko na kasi talaga siya. Kaysa pa nga ata kay Cita..""Ate naman.." kawawa naman yung kaibigan kong iyon."Biro lang. Pero seryoso Charlene, alam mo.. Kung iisipin ko ngayong mabuti, hindi ko rin alam kung bakit tum
--"Ayoko nga lumabas.." paulit ulit na sabi ko kay Cita. Para siyang crab na nakakapit sa akin ngayon. Pinipilit na naman niya kasi akong pumunta ng mall, para lang lakad lakad doon at ayoko ngang sumama sa kanya. May plano na ako ngayong araw na ito at ang pag punta ng mall ay hindi naka lista. "Ano ba naman kasing gagawin mo dito sa bahay niyo? Mag lilinis at kakausapin yung hangin? Nako! Samahan mo na kasi ako ng makalanghap naman ng sariwang hangin yang katawan mo. Para na rin maarawan ka at hindi ganyan na namumutla ka!"Napapikit na ako dahil sa frustration.Ang mga plinano ko kagabi para ngayong araw ay naglaho na. Ang pagbabasa ng paborito kong libro ay natunaw na. Kanina ng sumugod siya rito at nag sisigaw sa may gate ay alam ko na, na ganito ang mangyayari. Minsan iniisip ko kung tama ba na nakipag kaibigan ako kay Cita. Na iistress na rin kasi ako sa kanya minsan. Ang dami niya laging gustong gawin. samantalang ako maupo lang sa harap ng tv ay solve na."Ayoko talaga Cita
---Dumiretso ako sa foodcourt at siya naman ay nakasunod lang sa akin. Nakaka ilang pa nga kanina habang nakasakay kami sa escalator ay nasa likod ko pa rin siya."Dito ka na umupo.." turo ko sa upuan sa pinaka likod.Tinitigan pa niya ako na parang mali yung sinabi ko. Hindi niya yata alam kung bakit ko sinabi iyon"Mag oorder na ako ng food natin." pakiramdam ko ay aangal pa siya kaya umalis na ako kaagad.Ayoko na kasi ng maraming pagtatalo.. baka kasi humaba pa. Nakalimutan ko pa ngang tanungin kung ano ang gusto niyang pagkain. Ay nako, bahala na.Nag iisip pa ako ng pagkain habang naglalakad. May nadadaanan akong stalls ng mga pizza at fries at marami pa, pero may umagaw sa pang amoy ko.Yung Sizzling sisig. Ang bango naman..Pumila ako at tamang tama naman na walang pila iyon kaya mabilis lang akong nakakuha. Nag order ako ng dalawang sisig at 2 cup of rice. Ang masarap pa nito ay maanghang pa ang sisig! Maraming sili kaya siguradong nakadagdag iyon sa sarap. Isa ang sisig s
Chapter 15"Ay, yung cookies 'n cream na lang.." Turo ko doon sa naka display sa istante. Nandito kasi kami ngayon sa Milktea shop. At nagkasundo kami na mag palamig muna habang nag kukwentuhan. Ayoko ng Milk tea ngayon kaya shake ang itinuro ko. Si Rogerr naman ang magbabayad ngayon. Pumayag na ako dahil sabi niya, ay ako naman daw ang nag bayad ng lunch namin kanina."Hahanap lang ako ng table natin." sabi ko. Nag 'okay naman siya at nag order na. Ako naman ay tumingin tingin na. Nakakita ako ng bakanteng upuan dun sa malapit sa may bintana. Dalawang bilog na upuan iyon at maliit na parisukat na lamesa na makulay. Naupo na ako don. May staff pa nga na dumating at saglit na pinunasan ang lamesa. "Thank you.." nakangiting sabi ko doon sa staff. Wala naman sa sariling napatingin ako sa pwesto ni Rogerr sa pila. Nakita ko siyang kausap na ang cashier at may tinuturo na, siguro yung order namin. Napatingin ako sa cellphone na hawak ko ng tumunog iyon. Alas quatro na pala. Di ko nam