Share

Chapter 28

Nakakapaso ang mga matang nakapukol sa kanya. Ramdam niya iyon. Dumating kasi si Miss Coleen na nagdadabog kanina. Hindi niya alam kung bakit.

Umalis siya para umihi. Walang tao sa CR kaya yung cubicle sa dulo ang pinili niya. Matagal siyang umihi simula nung magbuntis siya. Buti hindi siya nagsusuka sa opisina.

Narinig niya ang pagpasok ng ibang babae sa loob, at ang mga walanghiya, pinag uusapan siya.

"Sabi ni Miss Coleen, mukhang dumaan daw sa training si Jillian upang matutong managot ng ganun ganun na lang," hindi niya maulinigan kung kaninong boses iyon.

"Bigla daw lumakas sa management si Jillian, baka daw dahil boyfriend niya si sir Elmer."

"Buti na lang, hindi natin binubully si Jillian, kundi baka mapaalis tayo."

"Wala namang kabully bully dun, masyado lang namihasa nina Arcelli na ginagawang utusan yung tao."

"Ang yabang mo naman.. noon naman, makapag utos ka dun bumili ng kape, akala mo alila mo."

"Nung sinabi ni sir na nasa kontrata natin ang anti-bully, hindi na ako nak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status