Share

Chapter 31

"Jillian," si Coleen iyon, animo ay mabait na tupa,"may sasabihin daw sayo itong dalawa, bago sila masuspend ng isang linggo. Sabihin niyo na."

"Uhm.. Jillian, pasensiya ka na pala sa mga nagawa namin, siguro dahil naiinsecure lang kami sayo kaya kami ganun," pauna ni Eunice. Napatingin pa ito kay Coleen habang nagsasalita.

"Oo nga naman," si Arcelli, " pasensiya ka na talaga, wag kang mag alala, hindi na yun mauulit."

"Okay," matipid niyang sagot sa mga ito.

"Anong okay? okay lang ang masasabi mo sa kanila?" tanong ni Coleen sa kanya.

"Yun lang ang pwede kong isagot sa kanila ma'am.." sagot niya.

"Anyway, kumusta naman kayo ni sir Elmer?" nakangiti ito ng tanungin siya.

"Okay naman po kami ni sir, bakit?" hindi niya ito nililingon, pero kita niya sa sulok ng mga mata niya, ang pagpapalitan ng mga ito ng makahulugang tingin.

"Ah, wala naman, napansin kasi namin na masyado kayong close. May relasyon ba kayo?" tanong pa nito.

"Wala nga po eh, may iba kasi siyang gusto dito, nagkukunwari
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status