Share

KABANATA 29.1 — REVELATION

Sinamahan ni Kevin si Aaron sa condo unit nito upang uminom ng alak. Tinignan ni Kevin ang kaniyang relo at nakita niyang alas 10 na ng gabi. Kanina pa silang 6PM nag-iinom pagkauwi na pagkauwi galing sa konprontasyon ni Aaron at Spencer. Dahil kanina pa ang dalawa ay may tama na rin ang mga ito sa alak. Ngunit si Kevin ay hindi makatanggi sa kaibigan dahil nasaksihan niya mismo kung papaano ito hiwalayan ni Spencer at kung paano ito labis na nasaktan.

Sa totoo lang hindi makapaniwala si Kevin na hihiwalayan ng ganon ganon na lang ni Spencer ang kaibigan niya. Hindi makapaniwala kagaya ng una niyang marinig mula kay Aaron na may kakaiba itong nararamdaman kay Spencer, at noong sinabi na talaga nitong silang dalawa na. Matagal na niyang kasama ang kaibigan ngunit hindi niya naisip na magmamahal ito ng lalaki at iiyak pa talaga ito dahil dito. Naisip niya, siguro nga ay walang limitasyon ang pag-ibig, walang kasiguraduhan at dumarating ng hindi in

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status