Share

I fell inlove with the Wrong man
I fell inlove with the Wrong man
Author: Betchay

chapter: 1

Eloisa Macaraeg POV:

March 29 alas siyete ng gabi, naghahanda na ako ng aking mga gamit na dadalhin, dahil bukas na ang araw ng alis ko. Kaunting damit lamang ang aking dadalhin, dahil kaunti lang naman talaga ang mga damit ko. At Sanay naman talaga akong maglaba dahil, palagi akong isinasama noon ng aking ina sa paglalabada kapag wala akong pasok sa eskwela.

At isa pa mga importanteng document ang need kong dalhin, dahil kailangan kong makapag trabaho kaagad pag dating ko sa maynila.

Kailangan parin kasi uminom ni inay ng gamot araw araw, para tuloyan siyang gumaling sa sakit niyang kanser sa matris. Nakuha ito ni inay ng bata pa lamang ako Dahil siguro sa palagi siyang nagbubuhat ng mabigat, lalo na kapag nagsa sideline siyang maglako ng mga gulay sa bahay bahay.

Kapag wala siyang tanggap na labada. Binubuhat lang kase ni inay ang mga gulay gamit ang dalawang timba habang nag iikot sa mga bahay bahay.

Habang naglalagay ako ng mga dadalhin ko sa maliit kung bag na backpack, dahil bag ko pa ito sa school at wala akong ibang mapag lagyan. Kailangan kong ayusin ng mabuti ang pagkakasalansan upang magkasya lahat ang dapat kung dalhin papuntang maynila.

Nang pumasok sa kwarto si inay Wala kasing pinto ang aking kwarto dahil tanging kurtina lamang ang nakaharang dito. Kung kaya't hindi ko kaagad namalayang nakapasok na si inay at nangingilid na ang kanyang mga luha.

"O inay nandiyan ka pala! Hindi kita napansin kaagad dahil busy ako sa paglalagay netong mga dadalhin ko bukas.."

Tumayo ako at hinawakan sa dalawang kamay si inay.. Naluha na din ako ng makita kung tuloyan na siyang umiiyak.. Umiyak na din ako at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit..

"Huwag kana umiyak inay.. Diba nag usap na tayo noong nakaraang linggo pa na need ko na talaga magpunta ng maynila, at makapag trabaho ng medyo malaki naman ang kinikita, dahil kung dito lamang sa probinsiya natin ako makakapag trabaho ay sobrang baba ng sweldo dito. Hindi tayo makakapag ipon para maipaayos ko itong sira sirang bahay natin.. Lalo na kapag umuulan halos hindi na tayo makatulog dahil, puro tulo na yung bubong.. Huwag kana malungkot inay.. Hayaan mo kapag maganda ang napasokan ko at medyo malaki ang sahod ko inay' pangako kukunin kita dito at dadalhin kita sa maynila.. "

"Anak mamimis kita.. At isa pa nag aalala ako sa maaring mangyari saiyo sa maynila. Wala tayong kakilala doon kahit isa. Paano nalang kung pagsamantalahan nila ang pagiging inosente mo."

"walang mangyayari sa aking masama inay.. Kilala mo naman ako diba, kahit mahirap lang tayo lumaki akong matapang na bata.. Hindi ako mapapahamak doon inay dahil mas lalo pa akong magiging matapang para sa inyo. Palagi akong makikitawag kay aling pasing' upang kamustahin ang kalagayan ninyo.. "

Si aling pasing kase ay may ari ng kalapit naming bahay na may tindahan at tanging siya lang ang mayroong landline dito sa aming street. Kung kaya't marami din ang nakikitawag sa kanya sa tuwing may kapit bahay kami dito na magtatrabaho sa malayo at kailangang maki balita sa mga kapag anak na naiwan dito sa aming baryo.

" inay tahan na ho.. Kailangan pa nating maging matapang pa inay.. Huwag mo ako masyado isipin doon ha.. Walang mangyayaring masama sa akin doon, dahil palagi ho akong magdarasal at ganoon din ho kayo, alam ko naman na palagi ninyo akong ipagdarasal.."

"sige anak.. Pa tuloy akong magtitiwala sa diyos na walang mangyayari sa iyong masama. Mabuti kang bata at alam ko na hindi ka niya pababayaan."

"Magpapa galing po kayo ng tuloyan inay ha. Huwag niyo po pababayaan ang sarili ninyo. Magpapadala naman po ako tuwing sasahod ako."

"ikaw din anak huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo.. O siya sige na. Matulog ka na at maaga pa ang gising mo bukas. Kailangan bago mag alasais ng umaga eh makaalis kana at ng hindi ka maiwanan ng jeep na dumaraan.."

Tumango ako. At muling niyakap ng mahigpit si inay.. Hinalikan ko rin siya sa magkabilaang pisngi. Mahal na mahal ko si inay dahil nakita ko kung paano siya gumapang sa hirap, mairaos lamang ang aming araw araw na pamumuhay.

Nang lumabas na si inay ng aking kwarto ay nagpasya na akong humiga sa aking papag na pang isahan lamang. At tanging kumot na makapal lamang ang nagsisilbing sapin.

Habang nakahiga at nagpapaantok. Hindi ko maiwasan magbalik tanaw sa mga pinagdaanan ko mula noong ako'y magka isip. Sobrang hirap naman talaga ng aming naging buhay. Maagang nawalan ng magulang ang aking inay at naaksidente pang nabulag ng matalsikan ng matalas na bato ang dalawa niyang mata, habang nagtatanim sa bukid.

Hindi na naipagamot pa ni inay ang kanyang mga mata, dahilan narin sa kahirapan at kawalan ng pinag aralan. Kung kaya't ipinagwalang bahala nalamang ni inay ang kanyang karamdaman. Hanggang sa tuluyan na siyang nabulag. At sa kasamaang palad pa, nagahasa siya ng isang adik at ako ang naging bunga.

Kung kaya't sa pag alis ko dito sa aming bayan ng quezon ay kailangang makahanap ako ng magandang trabaho at gagawin ko ang lahat para maiahon si inay sa hirap, at maipagamot ko sa mas malaking ospital ang kanyang karamdaman.

Ganap na Alas kwatro ng madaling araw ng mag alarm ang aking de keypad na selpon. Na minana ko pa sa pinag lumaang gamit nang isa sa mga naging amo na pinaglalabahan ni inay. Pupungas pungas pa ako habang palabas ng aking kwarto.. Dahil sa maliit lang naman ang aming bahay, pagkalabas ko palang ng aking kwarto ay natanaw ko na mula sa aking kinatatayuan ang nagluluto ng aking ina sa maliit naming kusina. Agad ako napansin ni inay, dahil sa kahit bulag siya ay napakatalas naman talaga ng kanyang pandinig.

"magandang umaga anak! Halika na dito at maupo.. kumain ka na muna, bago maligo.. Paluto na itong sinagag.."

"Magandang umaga din po inay!" balik na bati ko dito at ngumiti ako kahit na hindi niya ako nakikita.

"Pasensya kana at tanging tuyo lang ang ulam natin.. Alam ko namang sawa' kana sa puro tuyo' anak.. Naniniwala akong papalarin ka sa maynila.."

Kumuha muna ako ng dalawang pinggan at kutsara bago, Nagpatuloy sa pag upo sa upoan namin na tanging kahoy na pahaba at walang sandalan.

" sabayan mo ako sa pagkain ha inay.. Mamimis ko itong magkasabay tayong kumain, at kahit na anong ulam pa yan inay kakainin ko parin, basta ang nanay ko ang nagluto.."

"aysus! Ang anak ko pa binola nanaman ako.. o siya akin na yang pinggan.. Kain na tayo! "

Habang kumakain kami ni inay patuloy ko siyang tinititigan ng hindi niya alam. Sa totoo lang lungkot na lungkot talaga ako, dahil maiiwan ko si inay ng mag isa At tanging sa anak ni aling pasing ko lamang ipinasuyo na paki tingnan tingnan ang aking inay habang nasa malayo ako at naghahanapbuhay.

Mabait si ella na anak ni aling pasing. Tulad ko nag iisa din itong anak ni aling pasing at mang cardo. Halos kaidaran ko lang din si ella. Matanda lang ito sa akin ng dalawang taon. Pero dahil sa gifted ako sa pagiging matalino, nahabol ko siya sa eskwela.. Dalawang beses kase ako na accelerate isa sa elementarya at isa sa high school.

Kung kaya't ganun nalang din ang panghihinayang ng pamilya nila ni ella sa akin. Pero ano pa nga bang magagawa ko. Need ko talaga na maghanap ng mas malaking pagkakakitaan. Kung dito lamang sa province namin ay walang mangyayaring pag asenso. Bukod sa mababa na ang minimum wage. Kaunti lang din ang maaari mong pagpilian na trabaho.

Kahit na hindi ako nakapag tapos ng kolehiyo, buo parin ang loob ko na makapag hanap ng mataas na pagkakakitaan. At umaasa akong sa maynila ko ito matatagpuan.

Tapos na kaming kumain ni inay

" nay, ako na ho ang maghuhugas ng mga pinag kainan natin.."

"o siya sige anak bahala ka. Bilisan mo lamang upang hindi ka mahuli sa pag daan ng jeep ni mang isko.."

Mahirap kase makasakay ng jeep dito sa amin papuntang maynila. Once a day lamang kung may bumiyahe dito sa amin na jeep, dahil bukod na sa lib-lib ang aming lugar ay kaunti lamang din ang mga nakatira.

Natapos na akong maghugas nang mga pinagkainan namin ni inay at isinama ko na rin sa pag huhugas ang mga kaldero at kawali na pinag gamitan niya sa pag luluto. Tumingin ako sa maliit na orasan na nakasabit sa aming munting sala at alas kwatro kwarentay singko pa lamang, kung kaya't nag decide ako na magwalis saglit sa aming kabahayan. Sa sobrang liit lamang ng aming bahay ay may sampung minuto lang naman ang mababawas sa oras ko. At ala sais pa naman ang oras ng daan ng jeep ni mang isko. Pero kailangan bago mag ala sais ay naka tayo na ako doon sa kalsada sa labasan. Dahil malamang hindi mag aatubili si mang isko na hintayin ako. Lalo na ang mga pasahero na pabalik ng maynila, upang doon din magtrabaho.

Tapos na akong mag walis, sumilip ako sa bakuran at nakita ko si nanay na nag didilig ng mga halaman. Nakakatuwa talaga ang inay Kahit na bulag siya para parin siyang normal kung kumilos.. Paano gamay na niya ang lahat ng sulok ng aming bahay Dito na kase siya lumaki sa bahay na ito bago pa man siya mabulag. Kung kaya't talagang lumang luma na ito at puro tulo na ang bubungan.

Pumasok na ako sa aming bahay at hinila ko ang aking towel na nakasabit sa pako malapit sa may pintuan ng aking kwarto. At tumuloy na naglakad papasok ng banyo.

Mabilis lamang akong naligo, dahil naligo din ako kagabi bago nag empake ng mga gamit ko na dadalhin sa aking pag alis. Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko si inay na nakaupo sa may pintuan na malapit sa may pinto.

"Eloisa anak, tapos ka nabang maligo? Bilisan mo anak at baka mapaaga ang daan ng jeep papuntang maynila.."

"ay sige ho inay, magbibihis na ho ako.. Mabilis lang naman ho ako mag bihis.."

Pagkapasok ko ng aking kwarto, ay dali dali kong kinuha ang naka hanger ko ng susuotin, dahil inihanda ko na rin kagabi pa ang mga damit na aking susuotin ngayon. Nagsuot ako ng kulay brown na mahabang saya na halos abot hanggang sakong ng aking paa. Tinernohan ko ito ng polo blouse na kulay orange.. At naka flat na doll shoes lamang ako.. Inilugay ko lamang ang hanggang dibdib kung buhok dahil sa ito'y basa pa at isinuot ko ang bonnet na bigay sa akin ni inay. Lumabas ako ng aking kwarto na bit-bit na ang aking backpack at hawak ang maliit na shoulder bag na binigay sa akin ni inay na bigay pa kamo ng dati niyang amo sa kanya.

"nay.. Tapos na po ako.." Lumapit ako sa aking inay na nakaupo parin sa may tabi ng pinto. Umupo ako upang mag pantay ang aming mga mukha.. "nay.. Aalis na ho ako.. Huwag na huwag niyo po pababayaan ang sarili ninyo. Pangako ko ho sa inyo, gagawin ko ho ang lahat makapag hanap lamang ng magandang trabaho at malaking sahod inay.. Ipapagamot ko ho kayo sa mas malaking ospital sa maynila.. Mag-iingat ho kayo palagi ha. Mahal na mahal ko ho kayo inay.. Palagi din ho akong tatawag kay aling pasing upang kamustahin kayo.. "

" sige anak.. Maghihintay ako sayo anak.. "

Hindi na napigilan ni inay ang pag luha. At pati ako ay tuloyan na ring umiyak. Tumayo si inay at tumayo na rin ako.. Nagyakapan kami ng sobrang higpit.

" mag iingat ka doon anak ha. Kapag may nang api sayo roon, umuwi ka nalang dito sa atin anak ha. Ayoko ng may mang aapi sayo anak.." tumango ako kay nanay na parang nakikita niya ako

"pangako ho inay, magpapakatatag po ako doon para sa inyo.. Magtiwala lamang po kayo sa akin.." hinalikan ko si inay sa magkabilang pisnge bago kumawala sa pagkakayakap sa kanya.

Nang biglang dumating si ella na may bit-bit na maliit na plastic.

" magandang umaga po aling sonya loisa! Loisa, aalis kana talaga.. Hindi kana mapipigilan pa.. At nakita kung handang handa kana.."

" magandang umaga din ella! Balik na bati ni inay. "

halika samahan mo ako at ihatid natin sa sakayan ng jeep itong si Eloisa ko.."

"ah sige ho aling sonya hatid na po natin si loisa.." habang hawak ko si inay sa braso upang alalayan sa paglalakad palabas

"ella, huwag mo pababayaan si inay ha. Pakisilip siya palagi ha.. Alam mo naman ikaw lang ang maari kung asahan na tumingin tingin sa kanya.."

"walang problema loisa.. Malapit kayo ni aling sonya sa akin.. Lalo na kay inay itinuring ng kapatid ni inay si aling sonya.. Basta loisa, mag iingat ka doon ha.. At palagi kang tumawag ha.. Para naman hindi kami mag alala sayo ni aling sonya.."

"oo, ella promise madalas akong tatawag lalo na kapag kumikita na ako at nakakapag ipon.. Makakabili na ako palagi ng pang load.." sabay ngumiti ako dito.

"o eto pala loisa, pabaon ko sayo pag pasensyahan mo na ha. Yan lang mabibigay ko sayo.. Mga pictures natin yan noong nag aaral tayo.. Kahapon ko lang nabilhan ng photo album kaya now ko lang naiabot sayo.."

"wow! Sobrang na appreciate ko to ella! Maraming salamat! Hindi ko akalain na nagpa print ka pala ng mga pictures natin, galing diyan sa cellphone mo.. Pag dating ko sa maynila ito ang palaging titingnan ko bago ako matulog.. Alam mo naman ang cellphone ko diba high tech! Hahaa..! Hayaan mo kapag nakabili din ako ng cellphone na may camera, palagi din ako mag pipicture at isesend ko sayo, para updated tayo sa isat isa! "

" sige ha loisa, aasahan ko yan.." sabay ngiti ng malapad

" oo promise ko yan sayo! Mamimis kita ella.. Alam mo naman na ikaw lang ang malapit kung kaibigan dito sa atin.. Ah basta, kapag nakapag ipon ako doon ng malaki, pagbabakasyunin ko kayo ni inay doon sa maynila.."

"naku, gusto ko yan loisa..! Matagal ko na din pangarap na makapunta ng maynila.. Kapag nakapag tapos na ako sa kolehiyo, sa maynila ko din balak mag trabaho.."

Malapit na kami sa labasan ng mag salita si inay.

"anak hintayin na lamang natin dito ang jeep.. Mamaya lamang dadaan na yun dito.. Basta mag iingat ka doon anak ha. Huwag mo kami alalahanin dito.. Palagi kang magdarasal anak ha. Mahal na mahal kita anak.."

Nagyakapan ulit kami ni inay at niyakap ko na rin si ella. Maya maya pa ay dumating na ang jeep na maghahatid sa akin patungong maynila.

" uy eloisa iha, halika na at sumakay.. At baka ma traffic tayo papuntang maynila. Lunes ngayon at maraming lumuluwas ng maynila kapag ganitong araw.." tumingin ako kanila inay at ella.

"sige ho mang isko sasakay na ho.. Nay, aalis na ho ako ha.. Ella ikaw na bahala kay inay ko ha.." ngumiti ako ng hindi abot sa tenga dahil mabigat talaga ang loob ko na iwan si inay.

"sige anak.. Ingat ka.. Yung mga pinag usapan natin ha huwag mong kalimutan.." at sumampa na ako sa jeep. Idinungaw ko pa ang aking ulo sa bintana ng jeep pagka sakay ko. At kumaway.

" ba bye inay!.." Hindi ko nanaman napigilan na maluha. Sabay buntong hininga.

Isinandal ko ang aking ulo sa jeep at ipinikit ang aking mga mata. Umusal ako ng panalangin na sana palarin ako kaagad pag dating ko ng maynila. Hindi ko namalayan na naka idlip pala ako.. Pag gising ko medyo lumuwang na ang jeep dahil mayroong mga naunang bumaba na pala.

"mang isko malayo pa ho ba ang alabang..? Pasensya na ho at first time ko lang makapunta ng maynila at wala ho akong kakilala doon.." ngumiti ako ng bahagya at tumingin si mang isko sa akin mula sa salamin sa harapan niya.

"ay ganun ba iha.. Naku mag iingat ka sa maynila ha. Maraming snatcher at holdaper doon.. Kailangan alerto ka. Medyo malapit na tayo sa alabang nandito na tayo sa bayan ng sta. Rosa laguna. Palabas na tayo ng laguna.." patuloy sa pag sasalita si mang isko habang nagda drive. At muli siyang sumulyap sa akin.

"salamat ho mang isko sa paalala.." at ngumiti ako ng bahagya sabay buga ng hangin.

Bahagya kung idinungaw ang aking ulo sa bintana ng jeep at Maya maya pa ay nakita kung dumarami na ang taong aking nakikita sa kalsada.

Matapos ng kalahating oras ay huminto na ang jeep sa may gilid ng isang mall. Star Mall ang nakasulat sa mall na iyon. Wala akong idea sa mga mall dahil never pa akong nakapasok sa mga ito. Wala kaseng mall na malapit sa aming lugar.

Pagka hinto ng jeep sa terminal, nag sibabaan na ang mga sakay na pasahero. Tumingin sa akin si mang isko. "eloisa, dito na ang alabang.. Basta huwag mo kalilimutan ang paalala ko sayo na maging alerto ka. Magulo dito sa maynila.."

"oho mang isko, maraming salamat ho sa paalala.. Tatandaan ko ho lahat ng mga sinabi ninyo.." sabay ngiti sa kanya. At bumaba na ako.. Kumaway pa ako sa kanya bago naglakad palayo.

Palinga linga ako sa paligid. Kailangan ko maging alerto dahil sa dami ng tao dito sa maynila.. Ganito pala karami ang populasyon dito. Halos magka banggaan na sa kalsada ang mga naglalakad at madami rin vendor sa gilid ng kalsada na nag titinda ng kung ano ano.

Matindi ang sikat ng araw dahil tanghali na at summer pa ngayon. Tumingin ako sa oras na nakalagay sa aking keypad na cellphone. Ala una na ng tanghali. Hindi ko na nagawang magpayong pa dahil mas mahihirapan akong makita ang mga karatula ng mga paupahang bahay kung meron man akong madaanan.

Nag patuloy ako sa paglalakad nang may lumapit sa akin na batang namamalimos. Medyo madungis ang bata at kinalabit ako sa kamay

kumuha ako ng dalawang piso sa bulsa ng aking bag At iniabot sa bata. Nang akmang iaabot ko na ang pera sa bata may mga nagtatakbohan na bata papalapit sa amin. "ate kami rin palimos!" halos sabay sabay nilang sabi.

"naku, pasensya na kayo mga bata wala din akong pera.. Naghahanap pa ako ng matitirhan at wala pa akong trabaho.." agad na saad ko sa mga ito.

"sige na ate! Bigyan mo na kami..!" muling sabi ng isang bata.

"hindi pwede dapat bigyan mo rin kami! Sabi ng isang bata na mukhang mas matanda sa kanila." Bakit siya lang bibigyan mo! " sabi naman nung isang bata na nasa gawing kanan ko at may tumulo pang sipon sa ilong.

Napakamot ako sa ulo. Mukhang hindi ako tatantanan ng mga ito ah. Habang nag iisip kung paano ko sila matatakasan dahil nakaharang na sila sa daraanan ko. Naisipan kong kumuha ulit ng limang pisong tig mamiso sa bulsa ng bag ko. At sabay na inihagis sa harapan nila.

"o ayan na! Yan nalang ang pera ko.. Bahala na kayo diyan!.." sabay naglakad ako ng mabilis at walang lingon likod na umakyat ng over pass.

Tumawid ako sa kabilang side. Hindi ko alam kung saan ako patungo.

Tuloy parin ako ng pag linga sa paligid. Umaasang makakahanap ng paupahang bahay. Habang naglalakad ako biglang tumunog ang tiyan ko. Naalala kong hindi pa nga pala ako kumakain. Tumingin ako sa oras ng aking selpon ganap na ika alas dos na ng hapon. Kaya pala gutom na gutom na ako. Dahil maaga lang akong kumain bago umalis ng bahay kanina.

Huminto ako sa paglalakad at luminga linga sa palagid. May nakita akong vendor sa gawing kaliwa na malapit sa over pass. Lumapit ako at tiningnan ko kung ano ang kanyang mga paninda. May nakita akong cup noodles. Tinanong ko kung magkano.

"ate, magkano ho iyang cup noodles ninyo.." tumingin sa akin ang tindera.

"27 lang yan.. May kasama ng hot water.. Ano bibili kaba?" tanong niya sa akin.

Ngumiti ako ng tipid.

"sige ho pabili ako.. Isa lang.." dumukot ako ng singkwenta sa bag ko.

At iniabot na sa akin ng ale ang cup noodles na may nakalagay ng hot water dito. Tumayo ako sa bangketa sa silong ng over pass at hinalo ko ang cup noodles. Habang kumakain ramdam ko ang gutom ko at umusal ako ng panalangin na sana makahanap na ako ng matitirhan bago gumabi.

Natapos ko ng kainin ang cup noodles ng biglang may nagtatakbohan na mga kalalakihan. Nauuna ang isang lalake na may dalang kulay pulang bag. Habang hinahabol ng dalawa pang lalake at sa pinaka likuran ay may tumatakbo pang isang matandang babae na hinihingal pa

"ibalik niyo ang bag ko parang awa niyo na!.." sigaw ng babae.

Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Sa isip ko paano nalang kung mangyari din sa akin iyon. Saan ako pupulotin. Five thousand lamang ang dala kung pera at ang three thousand ay inutang ko pa kay aling pasing na ina ni ella. Two thousand lang ang naipon ko galing sa pag extra ng paglalabada dahil bumibili pa kami ng gamot ni inay.

Kailangan kung pagkasyahin ito. Sana makahanap ako ng murang paupahan. Nagpatuloy ako sa pag lalakad. Luminga ako sa kanang bahagi may nakita akong eskinita. Tinungo ko ito at pumasok. Marami akong nakitang mga babae na nakatambay sa gilid at nagkukwentohan.

Huminto ako sa harap nila at nagtanong " ahmmm.. Magtatanong lang ho ako, kung may alam ho kayo na paupahan dito na mura lang.."

tiningnan nila ako mula paa hanggang ulo. At nag salita ang medyo may katabaang babae.

"doon sa dulo may likuan lumakad ka. May makikita kang kulay pulang pinto. Magtanong ka kung may available pa sa kanilang paupahan." saad ng babae.

"sige ho, maraming salamat.." at ngumiti ako ng tipid. Hinanap ko ang sinasabi nilang pulang pinto at nakita ko nga may nakaupo na matandang lalake sa gilid ng pinto. Nagtanong ako dito.

"magandang hapon kuya, mag iinquire lang ho ako kung may available pa sa inyong paupahan. At kung magkano ho ang upa.. ?"

Tumayo ang matanda buhat sa pagkakaupo. "meron pa kami isa iha.. At 3,000 ang paupa ko. One month advance at one month deposit.. " saad niya sa akin.

Nagulat ako dahil 5 thousand lang naman ang dala kung pera. Napabuga ako ng hangin. "naku kuya wala na ho ba kayong mas mababa pa ang presyo. Hindi ko ho kaya ang presyo ng paupa ninyo. Mag isa lang ho ako at naghahanap pa ako ng mapapasukang trabaho.." saad ko dito at ngumiti ng tipid.

Napailing sa akin ang matanda at sinabing "wala na iha. Mura na nga yan. Dito sa maynila wala ka ng makikita pang mura." sabay tumalikod na ito at muling umupo.

"ah sige ho.. Salamat nalang.." muli kung saad dito at naglakad palabas ng iskinita na iyon.

Bumuntong hininga ako ng malalim. Sana makahanap ako ng paupahan na mura pa. Sabi ko sa aking isip. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko at alas kwatro na ng hapon. Mas lalo akong nag alala dahil malapit na mag gabi at hindi parin ako nakakahanap ng matutuloyan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng eskinita na iyon. Sa di kalayuan may nakita akong karatula na nakasulat "House For Rent" dali dali akong naglakad papunta dito at may nakita akong batang lalake na naglalaro sa harap ng gate. Tinawag ko ito at nagtanong.

"bata bata saan yang paupahan na yan?!" lumingon sa akin ang bata at Lumapit hawak ang nilalaro niyang bola.

"saglit lang ate tatawagin ko si nanay.." tumalikod siya at pumasok sa bahay.

Maya maya pa lumabas at may kasama ng buntis na babae marahil ito na nga ang nanay niya.

"ikaw ba ang nagtatanong miss? Tumango ako dito at ngumiti.

" sa may likod bahay namin ang available at 2,500 ang paupa kada buwan. One month Advance at one month deposit.. " napakamot ako sa aking ulo.

"naku hindi ko po kaya ang presyo mam.. May alam pa po ba kayong ibang mauupahan na mas mura pa..?" sagot ko dito.

" wala na miss yan lang ang meron kami dito.. Sige na wala ka naman palang pera, marami pa akong gagawin " muling saad ng babae at naglakad na patalikod.

Naiiling iling ako sabay buntong hininga. Ang layo na nang nalakad ko at masakit na rin ang paa ko. Huminto ako at tinanggal ang aking sapatos. Nakita kung may paltos na ang isa kung paa sa sakong. Kaya naman pala masakit na ang paa ko. Pawis na pawis na rin ako dala ng sobrang init at uhaw na rin. Muli kung isinuot ang mga sapatos ko at Nagpatuloy sa paglalakad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status