Share

Chapter 5 None Of Your Business (Raizel’s POV)

DUMATING ang weekdays, hindi ko na madalas makita ang boyfriend ni Bella mula sa tambayan ko, pero naroon pa rin ang mga loko-lokong mga lalaki na nagpapasarap.

Is he finally taking Bella seriously? If so, that’s good to know.

Pero parte ng isip ko ang umaasa na walang Brice sa paligid ni Bella. They don’t fit! Pareho lang ang first letter ng second name nila, iyon lang iyon!

Nahiga na lang ako sa damuhan at pumikit. Bigla kong naalala ang nangyari noong gabing iyon.

Paggising ko kinaumagahan, wala na akong katabi sa kama. May bakas pa ng tuyong dugo sa puting kobrekama. Ni hindi ko man lang naalala kung paano o kung na-enjoy ko man lang ang nangyari. Malakas ako uminom, dahil na rin sa tips ni Dad na uminom ng tubig kapag nararamdaman ko na ang lakas ng tama.

Baka may nilagay na kung ano sa inumin ko iyong babaeng nakasuot ng maid? Dalawang beses niya rin akong pinainom—alak at tubig. Maybe the first time failed, that’s why she waited until I cannot even stand straight, and even resorted drugging the drinking water.

Hindi dapat iyon ang iniisip ko! Sino kaya iyong babae na kasama ko nang gabing iyon? Hindi man lang nag-iwan ng phone number niya.

Magpapatulong na lang ako kay Tito Brix na kunin ang CCTV footage.

Kaso baka isumbong ako kay Dad.

Forget it! Kung may mabuo man sa nangyari, nakita niya naman ang mukha ko, hanapin niya na lang ako.

Tumunog na ang bell, tanda na simula na ang klase sa hapon. Tumayo na ako.

I need to be a good boy for a few days to make my Mom forget about what I did. Bawas allowance, bantay-sarado sa mga tauhan ni Tito Brix, maging si Ravi ay nangako rin na babantayan din ako sa loob ng campus. Parang sira, high school pa lang siya!

Papunta na ako sa classroom ko nang makita ko sa soccer field si Bella. The figure is far, but I just knew it was her.

“Himala, walang balak mag-cutting?” rinig kong tanong ni Meirin mula sa gawi ng classroom pero nilagpasan ko lang siya.

Dumiretso ako sa hagdan na nasa dulo ng hallway. Buti at tatlo-tatlo ang hagdanan ng building, magkabilaang dulo at sa gitna. Dapat sunod nilang ipagawa ang elevator. Nakakapagod umakyat sa hagdan!

Mula sa fifth floor, patakbo akong bumaba ng hagdan. Kahit hinihingal na ako, nagpatuloy ako sa pagtakbo papunta sa soccer field, umaasa na naroon pa si Bella.

Dahil sa naisip, napatigil ako. Nasa taas na rin naman ako ng field.

“Bakit ko pupuntahan si Bella?”

Napakurap-kurap ako. Nilagay ko rin ang kamay sa bibig ko at nag-isip ng sagot sa sariling tanong.

“Raizel? Tumunog na ang bell, bakit nasa labas ka pa? Vacant niyo?”

Napalingon ako sa nagsalita.

Nakasuot ngayon ng turtle neck blue shirt at high-waist na jeans si Bella. Long sleeves pa iyon. Palagi siyang nagsusuot ng preskong damit, mga croptop, cotton shirts, skirts, shorts at dress.

“Ang init, bakit balot na balot ka yata ngayon?” tanong ko.

“For a change?” She rolled her eyes at me. “Class hours na, ano pang ginagawa mo sa labas?”

Naglakad na siya at nilagpasan pa ako, kaya sumunod na lang ako. Nagtataka pa rin ako kung bakit ganito ang suot niya.

“Ikaw din naman, nasa labas. Huwag na tayong pumasok. Kain tayo ng street foods.”

Akma kong hihilahin pababa ang damit niya banda sa leeg nang ipilig niya ang ulo, at samaan ako ng tingin.

“Ala una pa lang, bata. Street foods mo, mukha mo.” Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. “Ano na naman iyang kamay mo? Mananakal ka na naman?!”

Biglang kumunot ang noo ko.

“Mananakal? Na naman? Kailan nangyari iyon?” nagtatakang tanong ko.

Palagi ko siyang inaasar pero hindi ko siya sinasaktan physically.

Tila nabigla rin siya sa sinabi dahil sa pamimilog ng mata niya, maging ang bibig niya ay napaawang at lumaki ulit ang butas ng ilong niya.

Tinaas ko ang phone ko, and clicked the camera. Hȇck, I’m always ready for these funny reactions.

“I-delete mo iyan!”

Mabilis kong itinaas ang kamay ko sa hindi niya maabot nang subukan niyang hablutin sa akin ang phone. Sumampa pa siya sa puting sapatos ko at humawak sa balikat ko, habang sinusubukan na kunin ang phone.

“Raizel, akin na ang phone! I-delete mo iyon. Sumosobra ka na sa mga pictures na iyan ha! Ipapakulam na kita!” sigaw niya sa mukha ko.

I can smell her breath—mixed mint candy and toothpaste. Hindi ganoon kalaki ang bibig niya, tama lang sa singer na puro sad song ang alam kantahin. Hindi kailangan nang mataasan na note. Sumisigaw lang siya kapag ako na ang kaharap niya.

Mayamaya ay naramdaman ko na tila matutumba siya. Wala sa sariling niyakap ko siya palapit.

“Careful!” gigil na sabi ko.

“Careful mo, mukha mo! Akin na kasi ang phone mo!” sigaw niya at patuloy pa rin na hinuhuli ang kamay ko. “Ilang pulgada lang naman ang tinangkad mo, ang daya!”

I smirked. Now she’s talking about the height difference. Is she finally aware that I am no longer a child?

Bigla ay nakaisip ako ng kalokohan.

Binaba ko na ang kamay ko at nilagay sa likod ko. She wanted my phone, then she should hug me.

“You jȇrk!”

And so she did. Sa ginawa niyang pagyakap, nakakuha ako ng tiyempo para tingnan ang batok niya.

May mga nangingitim na parte, at mukhang pasa ang mga iyon.

“Who did this to you?!” asik ko.

Nagpupuyos ang dibdib ko sa nakita. Who would dare mess with her fair white skin? Alagang-alaga siya tapos ganito ang mangyayari sa kanya?

Mabilis siyang lumayo sa akin. And again with her surprised reactions, and…

Disbelief.

“Sinong gumawa niyan sa iyo, Bella? Ipapakulam natin! Ipatusok natin iyong maliit niyang dala. Si Brice ba?”

She looked at me from head to toe and back to my eyes. She shook her head as if I was talking nonsense.

At least she knows that everything about us is nonsense.

“Sino nga?!” tanong ko pa.

Binawi ko na rin ang phone ko at naghanap ng pwedeng mangulam. Nang makakita ng isang ghost hunter, pinakita ko iyon agad sa kanya.

“O ito, legit na witch. Sabihin mo at nang makulam na natin. Grabe, nangingitim iyong leeg mo sa pasa. Pati ba sa braso, mayroon ka?”

I tried to grab her wrist, but she just pushed my hand.

“Tumigil ka nga! Wala kang magagawa dahil wala kang kayang gawin. Kulam? ‘Tαng ina, Raizel! Ano ka, kulto?!”

“I can be one,” I said sarcastically. “Now tell me, who did this to you!”

“None of your business!” She turned around and walked away.

Hinabol ko siya. Hindi pwedeng hindi ko malaman ngayon kung sino ang nanakit sa kanya.

“Hoy Bella, kung mayroong mambu-bully sa iyo, ako lang iyon. At kung may mananakit din sa iyo physically, ako lang din ang gagawa no’n!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status