Share

Chapter 28

Halos hindi na mabilang ni Hanz kung ilang beses na siyang nagpa-balik-balik sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Summer. Narong gusto na niyang katukin ang pintuan nito ngunit bigla namang magbabago ang kanyang isip. Sa totoo lang ay hindi rin niya alam ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Basta namalayan na lang niya ang sarili na nakatayo sa harap ng kwarto ng kanyang asawa.

Hindi agad nakahuma si Hanz ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang kanyang asawa. Parang tumigil sa paggalaw ang kamay ng orasan nang magtama ang kanilang mga mata. Napalunok pa siya ng wala sa oras at kakat’wa na bigla ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Ilang segundo na nagkatitigan ang dalawa na wari mo ay na-hipnotismo sa isa’t-isa. Isang nagtatanong na tingin ang makikita sa mukha ni Summer habang naghihintay sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng asawa?

Marahil ay nainip ang dalaga kaya tahimik na nilampasan nito si Hanz at palihim na pinag-aralan ang kabuuan ng condo nito. Nang makita n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status