Share

Chapter 49

“Let me go!” Galit na sigaw ni Scarlett bago marahas na binawi ang kanyang braso mula sa kamay ni Hanz. “Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sayo, lagi mo na lang akong nilalagay sa kahihiyan.” Matigas na sabi ni Hanz kay Scarlett.

“Dahil hindi mo nauunawaan ang totoong saloobin ko! Nawala na sa akin ang anak ko, pati ba naman ikaw iiwan din ako?” Anya sa basag na boses, halos nahirapan pang magsalita si Scarlett dahil tila may nakabara sa kanyang lalamunan. Ang kaninang matigas na expression sa mukha ni Hanz ay biglang lumambong dahil binalot ng awa ang puso niya para kay Scarlett.

“I’m sorry,” tanging ‘yun lang ang nasambit ni Hanz at wala sa loob na niyakap nito si Scarlett. Ito ang dahilan kung bakit nanatili pa rin siya sa tabi ng dalaga kahit hindi na niya ito mahal. Awa, tama, tanging awa na lang ang nararamdaman niya para kay Scarlett. Laging bigo si Hanz na iwanan si Scarlett dahil sa tuwing gagawin niya ito ay isinusumbat sa kanya ng dalaga ang sinapit ng kanilang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status