Share

Chapter 67

“Parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil ako ang unang nag-initiate sa aking asawa pero ang ending ay tinulugan ko lang ito. Nilingon ko si Hanz na mahimbing na natutulog sa aking tabi habang nakayakap ang mga braso nito sa aking baywang. Nang makita ko sa orasan na alas kwatro na ng madaling araw ay maingat akong bumangon at tinungo ang banyo. Dahil sa matinding pagod ay nasira ang plano ko na maging romantic ang gabi para sa aming mag-asawa. Akala ko kaya ko pa pero mismong katawan ko na rin ang sumuko.

Pagkatapos na maligo ay isinuot ko ang aking roba bago lumabas ng banyo. Balak ko sanang mag jogging sa labas ngunit ng magawi ang tingin ko sa aking asawa na kasalukuyang mahimbing na natutulog ay biglang nagbago ang isip ko. Maingat na bumalik ako sa kama, hinubad ko ang aking roba saka inangat ang kumot at mula sa likuran nito ay masuyo kong niyakap ang malapad nitong likod. Mariin kong naipikit ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mainit na singaw ng kaniyang katawan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status