Maraming salamat sa inyong pagsuporta ♥️
Natigilan si Enrique ng marinig ang mommy niya na sinabi ang katagang iyon. Anong ibig sabihin nito? Dati ba itong kasintahan ng daddy ni Bernadette?"Honey, hindi porke may ginawa si Alexander na mali ay kasalanan din ng anak niya. Anong klase isip ang mayroon ka? Paano pala kung ikaw ang may mali tapos sinisisi sa anak mo?" inis na sigaw din ng daddy ni Enrique. Ito ang unang beses na nasaksihan niya na nag-away ang mga magulang niya."Akala mo ba dahil lang 'yon do'n? nalaman ko na ang lahat kay Bernadette kaya ayaw ko sa kanya. She was a bully! At hindi tagasalo ng tira-tira ang anak natin. Nag-iisang anak ko siya!" galit na wika ng mommy ni Enrique.Pinikit ni Enrique ang kanyang mga mata, alam naman niya ang nakaraan ni Bernadette ngunit tanggap niya ito. At ngayon alam na niya kung bakit umiwas si Bernadette sa kanya. Kahit siya ay nasaktan mismo dahil sa mindset ng mommy niya."Honey, ano ka ba talaga! Walang taong perpekto ang mahalaga ay nagbago siya!" galit na sabi ng daddy
Halos hindi na magkandaugaga si Carmela at Joseph sa pag-aaral. Wala nga silang pasok ngayon ngunit hawak pa rin nila ay libro. Napakamot na si Joseph, minsan sinusumpa na niya ang kanyang sarili kung bakit naglakas loob siyang kunin ang kurso tungkol sa negosyo."Ahh! Parang hindi ko naman yata kailangan nito sa buhay ko, si daddy naman papirma-pirma lang," yamot na angal ni Joseph sa kanyang utak. Pumangalumbaba siya at nakita niya ang kanyang asawa na seryosong nagbabasa at nagsusulat."Hays! dapat baby time namin ngayon, ang kaso hays h'wag na lang kaya kami mag-aral," reklamo na naman ni Joseph. Hindi siya makapag-concentrate dahil mas gusto niya lambingin si Carmela kaysa ipasa ang pag-aaral niya. Mas gusto niya makipagkulitan sa kanyang asawa kaysa magbilang ng mga kung anu-anong ka-ek-ekan upang pumasa.Napasulyap naman si Carmela ng palihim sa kanyang asawa na si Joseph. May pigil na ngiti sa kanyang labi at saka napailing siya. Alam niya na pinipilit ni Joseph na magmukhang
Hindi nakapagsalita si Enrique ngunit nakatulala lamang siya kay Karina. Bilang kaibigan, nakaramdam siya ng lungkot."May cancer ako, and malapit na rin naman akong mawala. Don't worry, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa'yo dahil may mahal naman na akong iba," bulong na sabi ni Karina. Napailing si Enrique, hindi niya kaya dahil si Bernadette lang naiisip niyang papakasalan niya."Kung sinasabi mo ito para mapapayag mo ako, hindi mo ako mapapapayag Karina, kaibigan lang ang turing mo sa'yo," sagot ni Enrique. Huminga ng malalim si Karina saka napatungo."Hindi ko ito sinasabi para kaawaan mo ako, pwede mo akong ipatingim sa ibat ibang doktor para makasigurado ka," mahinang sabi ni Karina. "Bakit gusto mo akong tulungan?" tanong ni Enrique pakiramdam niya ay baka ginogoyo lang siya ni Karina upang magpakasal siya rito."Bata pa lamang tayo, alam ko na gusto mo talagang makuha ang kompanya niyo. Iniwan na rin ako ng lalaking mahal ko," anya ni Karina. Tumango naman si Enrique sa
Natapos ang klase ni Carmela at dumiretso na siya sa bilihan ng kakainin niya. Nasulyapan niya si Ezekiel na seryosong nagbabasa sa laptop nito. Napatingin siya sa mga putahe na pagpipiliin, napapansin niya na masyadong simple lang ang kinakain ni Ezekiel kaya dinalawa niya na ang pagkain na binili niya.Naglakad siya papunta kay Ezekiel at ng nasa tapat na siya ay ilang minuto bago napansin ni Ezekiel ang kanyang presensya. Sumulyap ito sa kanya habang hinihilot ang sentido nito."Ito ang sinasabi mo na libre ko ha?" mahinang sabi ni Carmela saka inilapag ang pagkain na binili niya. Napakunot naman si Ezekiel ng makitang kare-kare iyon. Napalunok siya."Hindi ka ba kumakain ng kare-kare? favorite ko ito eh napansin ko kasi na hindi ka naman mapili sa pagkain kaya naisip ko na parehas na lang tayo," nakangiting sabi ni Carmela. Hindi namalayan ni Ezekiel na napapangiti na rin siya dahil sa babaeng nasa harapan niya.Napalunok siya ng makita ang kare-kare, hindi pa siya nakatikim ng pa
Kumaway agad si Joseph ng makita si Darwin na may ngiti sa kanyang labi. Napansin niya na masyadong blooming ang kaibigan niya kaya napangisi siya."Nadiligan ka ba, bro?" tanong niya agad sa kaibigan. Napakunot ang noo ni Darwin sa tanong ni Joseph."Ay mali pala haha, nakapagtanim ka ba ngayon?" tanong ulit ni Joseph. Gusto ng sipain ni Darwin si Joseph, ang aga-aga kung anu-ano na naman ang mga pinagtatanong sa kanya."Pinagsasabi mo na naman ha?" pabulong na sabi ni Darwin. Ngumisi si Joseph sa kanya na parang siraulo."Nako po, magkakaroon na ba ng kapatid si Sharwin?" OA na reaksyon ni Joseph. Napahilot si Darwin sa kanyang noo, dahil sa pinagsasasabi na naman ni Joseph. Hindi niya naisip na kalokohan na naman ang tinatanong nito."Tigilan mo nga ako, ang aga-aga tapos 'yan ang tinatanong mo!" reklamo ni Darwin. Tumawa si Joseph sa kanya saka tinitigan siya."Oh, wala ka bang tanim? hindi na ba talab kay Grasya ang charms mo?" pang-asar ni Joseph kay Darwin. Bumuntong-hininga na
Huminga ng malalim si Darwin ng makauwi siya ng maaga sa kanyang bahay. Lumabas siya sa kanyang sasakyan at pumasok agad bahay niya. Sumalubong sa kanya ang paghagikgik ni Darwin. Napangiti siya.Pakiramdam niya ay masaya na siya sa tuwing naririnig niya ang hagikgik o tawa nito. Laking pasalamat niya ng pumayag si Grasya na lumipat sa bahay niya."Baby Sharwin," tawag niya sa kanyang anak. Nasa crib ito habang nilalaro ni Nanay. Nagmano siya agad dito saka binuhat si Sharwin."Baby, anong ginawa mo? nagpasaway ka ba kay lola?" nakangiting tanong ni Darwin kay Sharwin ngunit tumawa lamang ito at pasimpleng hinampas ng mahina ang kanyang mukha.Umakto naman na nasasaktan si Darwin kaya mas lalong humagikgik si Sharwin. Kinuha agad ng matanda ang kanyang mga gamit."Nay, ako na po 'yan," mahinang sabi ni Darwin. Itinaas niya si Sharwin ng may ngiti sa kanyang mga lapit. Pakiramdam niya ay nawala ang stress at pagod niya sa pag-aaral.Hinihiling niya na sana kasama pa niya ang mommy niya
Masamang tumingin si Joseph kay Ezekiel na nakangisi sa kanya. Nagtatagis ang kanyang kalooban, kahit naman hindi niya ito nahuli sa akto ay pakiramdam niya na may ginawa ito sa kanyang asawa.Lumapit siya agad sa kanyang asawa at saka ginising 'yon. Unti-unti naman nagmulat ng mata si Carmela at halatang inaantok pa."Babe," mahinang sabi ni Carmela. Napalingon ito kay Ezekiel."Maayos ka na ba? At saka bakit nakahiga ako rito sa kama?" nagtatakang tanong ni Carmela. Gusto man ni Joseph na awayin si Ezekiel ay pinigil niya ang sarili. Hindi tama na magselos siya dahil ayaw niya ng maulit ang nangyari sa kanila ni Carmela no'n."Binuhat kita ng gumising ako, mukha kasing nahihirapan ka sa pagkakahiga mo," sagot ni Ezekiel sa kanya. Huminga naman ng malalim si Joseph, nakakuyom ang kanyang kamao."Ha? hindi mo na dapat ako binuhat dahil masama ang pakiramdam mo at baka mamaya ay mapaano ka," sabi agad ni Carmela sabay lumingon sa kanyang asawa saka napanguso ng makita ang madilim na
Kumuha ng push cart si Bernadette saka mabilis na itinulak iyon habang namimili ng mga grocery niya upang magkaroon sila ni Enrique ng stock sa kanyang bahay. Kinuha niya ang cellphone at saka tinawagan ang numero nito ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag."Hmm, tulog pa rin siya?" bulong ni Bernadette, hindi niya alam kung ano nga ba ang bibilhin niya kaya nagpasya siya na konti na lang muna at yayain na lamang si Enrique na bumili kasama niya. Papunta na siya sa parking lot ng makita niya si Lance na nakatingin sa kanya. Pumunta siya sa kanyang kotse saka mabilis na inilapag sa loob noon ang kanyang mga pinamili. Lumapit agad sa kanya si Lance, nakasalamin ito at nakasumbrero."Anong ginagawa mo rito?" tanong agad ni Bernadette sa lalaki. Ngumuso lamang ito kay Bernadette na parang nagpapa-cute."Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot sa tawag ko eh," reklamo ni Lance. Papasok na sana si Bernadette ngunit pumasok din si Lance sa kanyang kotse."Hindi ako pwede na magpangga