Maraming salamat sa inyong pagbabasa ♥️
Natapos ang klase ni Carmela at dumiretso na siya sa bilihan ng kakainin niya. Nasulyapan niya si Ezekiel na seryosong nagbabasa sa laptop nito. Napatingin siya sa mga putahe na pagpipiliin, napapansin niya na masyadong simple lang ang kinakain ni Ezekiel kaya dinalawa niya na ang pagkain na binili niya.Naglakad siya papunta kay Ezekiel at ng nasa tapat na siya ay ilang minuto bago napansin ni Ezekiel ang kanyang presensya. Sumulyap ito sa kanya habang hinihilot ang sentido nito."Ito ang sinasabi mo na libre ko ha?" mahinang sabi ni Carmela saka inilapag ang pagkain na binili niya. Napakunot naman si Ezekiel ng makitang kare-kare iyon. Napalunok siya."Hindi ka ba kumakain ng kare-kare? favorite ko ito eh napansin ko kasi na hindi ka naman mapili sa pagkain kaya naisip ko na parehas na lang tayo," nakangiting sabi ni Carmela. Hindi namalayan ni Ezekiel na napapangiti na rin siya dahil sa babaeng nasa harapan niya.Napalunok siya ng makita ang kare-kare, hindi pa siya nakatikim ng pa
Kumaway agad si Joseph ng makita si Darwin na may ngiti sa kanyang labi. Napansin niya na masyadong blooming ang kaibigan niya kaya napangisi siya."Nadiligan ka ba, bro?" tanong niya agad sa kaibigan. Napakunot ang noo ni Darwin sa tanong ni Joseph."Ay mali pala haha, nakapagtanim ka ba ngayon?" tanong ulit ni Joseph. Gusto ng sipain ni Darwin si Joseph, ang aga-aga kung anu-ano na naman ang mga pinagtatanong sa kanya."Pinagsasabi mo na naman ha?" pabulong na sabi ni Darwin. Ngumisi si Joseph sa kanya na parang siraulo."Nako po, magkakaroon na ba ng kapatid si Sharwin?" OA na reaksyon ni Joseph. Napahilot si Darwin sa kanyang noo, dahil sa pinagsasasabi na naman ni Joseph. Hindi niya naisip na kalokohan na naman ang tinatanong nito."Tigilan mo nga ako, ang aga-aga tapos 'yan ang tinatanong mo!" reklamo ni Darwin. Tumawa si Joseph sa kanya saka tinitigan siya."Oh, wala ka bang tanim? hindi na ba talab kay Grasya ang charms mo?" pang-asar ni Joseph kay Darwin. Bumuntong-hininga na
Huminga ng malalim si Darwin ng makauwi siya ng maaga sa kanyang bahay. Lumabas siya sa kanyang sasakyan at pumasok agad bahay niya. Sumalubong sa kanya ang paghagikgik ni Darwin. Napangiti siya.Pakiramdam niya ay masaya na siya sa tuwing naririnig niya ang hagikgik o tawa nito. Laking pasalamat niya ng pumayag si Grasya na lumipat sa bahay niya."Baby Sharwin," tawag niya sa kanyang anak. Nasa crib ito habang nilalaro ni Nanay. Nagmano siya agad dito saka binuhat si Sharwin."Baby, anong ginawa mo? nagpasaway ka ba kay lola?" nakangiting tanong ni Darwin kay Sharwin ngunit tumawa lamang ito at pasimpleng hinampas ng mahina ang kanyang mukha.Umakto naman na nasasaktan si Darwin kaya mas lalong humagikgik si Sharwin. Kinuha agad ng matanda ang kanyang mga gamit."Nay, ako na po 'yan," mahinang sabi ni Darwin. Itinaas niya si Sharwin ng may ngiti sa kanyang mga lapit. Pakiramdam niya ay nawala ang stress at pagod niya sa pag-aaral.Hinihiling niya na sana kasama pa niya ang mommy niya
Masamang tumingin si Joseph kay Ezekiel na nakangisi sa kanya. Nagtatagis ang kanyang kalooban, kahit naman hindi niya ito nahuli sa akto ay pakiramdam niya na may ginawa ito sa kanyang asawa.Lumapit siya agad sa kanyang asawa at saka ginising 'yon. Unti-unti naman nagmulat ng mata si Carmela at halatang inaantok pa."Babe," mahinang sabi ni Carmela. Napalingon ito kay Ezekiel."Maayos ka na ba? At saka bakit nakahiga ako rito sa kama?" nagtatakang tanong ni Carmela. Gusto man ni Joseph na awayin si Ezekiel ay pinigil niya ang sarili. Hindi tama na magselos siya dahil ayaw niya ng maulit ang nangyari sa kanila ni Carmela no'n."Binuhat kita ng gumising ako, mukha kasing nahihirapan ka sa pagkakahiga mo," sagot ni Ezekiel sa kanya. Huminga naman ng malalim si Joseph, nakakuyom ang kanyang kamao."Ha? hindi mo na dapat ako binuhat dahil masama ang pakiramdam mo at baka mamaya ay mapaano ka," sabi agad ni Carmela sabay lumingon sa kanyang asawa saka napanguso ng makita ang madilim na
Kumuha ng push cart si Bernadette saka mabilis na itinulak iyon habang namimili ng mga grocery niya upang magkaroon sila ni Enrique ng stock sa kanyang bahay. Kinuha niya ang cellphone at saka tinawagan ang numero nito ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag."Hmm, tulog pa rin siya?" bulong ni Bernadette, hindi niya alam kung ano nga ba ang bibilhin niya kaya nagpasya siya na konti na lang muna at yayain na lamang si Enrique na bumili kasama niya. Papunta na siya sa parking lot ng makita niya si Lance na nakatingin sa kanya. Pumunta siya sa kanyang kotse saka mabilis na inilapag sa loob noon ang kanyang mga pinamili. Lumapit agad sa kanya si Lance, nakasalamin ito at nakasumbrero."Anong ginagawa mo rito?" tanong agad ni Bernadette sa lalaki. Ngumuso lamang ito kay Bernadette na parang nagpapa-cute."Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot sa tawag ko eh," reklamo ni Lance. Papasok na sana si Bernadette ngunit pumasok din si Lance sa kanyang kotse."Hindi ako pwede na magpangga
Ilang araw ang lumipas ngunit hindi nag-iimikan si Carmela at Joseph. Kahit anong subok ni Joseph na makipagbati ay talagang ayaw ng kanyang asawa na si Carmela. Mas lalo siyang nakaramdam ng frustration dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya."Okay, magkakaroon tayo ng Christmas party," sabi ng class president nila. Huminga ng malalim si Joseph, mas gusto niya naman na magkasama na lang sila ni Carmela kaysa pumunta sa christmas party.Nagsigawan ang mga kaklase niya at nirekomenda na sa mag-rent na lang ng resort para mas enjoy. Pungalumbaba naman si Joseph sa sobrang bored.Napalingon naman si Darwin sa kanyang kaibigan na paiba-iba ng reaksyon sa mukha. Napabuntong-hininga na lamang siya sa ginagawa nito. Lumapit siya agad sa kanyang kaibigan."Bro, ano ba ang nangyayari sa'yo?" tanong ni Darwin. Sumimangot naman si Joseph."Hindi ba ilang araw na kaming magkatampuhan si Carmela? Ah! Ginagawa ko na ang lahat pero hindi niya pa rin ako iniimikan!" angal ni Joseph. Hindi niya akalai
Nanglaki ang mga mata ni Carmela habang sakop ni Ezekiel ang labi niya. Malakas niyang itinulak si Ezekiel na namumula rin ang mukha at mukhang hindi makapaniwala na nakahalik siya kay Carmela."Sorry," bulong ni Ezekiel. Pinagseryoso niya ang mukha niya na parang nagsisisi talaga siya kahit gusto na niyang magpa-fiesta.Nakaramdam naman ng ginhawa si Carmela. akala niya ay may gusto si Ezekiel sa kanya at dahil dakilang manhid siya hindi nito naramdaman na ginusto ni Ezekiel ang lahat ng bagay."Sorry Carmela, hindi na mauulit," dagdag ni Ezekiel. Gusto na niyang magmura dahil walang imik ang babae sa kanya. Tumango naman si Carmela."Okay, pasensya na rin nakakahiya," mahinang sabi ni Carmela. Lumingon siya sa likuran ni Ezekiel upang hanapin ang tumulak kay Ezekiel."Sino ba ang tumulak sa'yo?" tanong ni Carmela. Lumingon naman si Ezekiel kahit sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi ito ang unang beses ma nakahalik siya ng babae ngunit tanging si Carmela lamang ang may ganitong
Hindi mapigilan ni Carmela ang tumawa habang nasa banyo siya. Akala siguro ng asawa niya ay uto-uto siya para maniwala sa mga dahilan nito. Hinawakan niya ang kanyang bibig upang mapigilan ang kanyang sarili tumawa. Napailing na lamang siya sa kadramahan ng kanyang asawa at lihim siyang kinilig."Akala niya siguro nauuto niya ako sa drama niya. Hay nako! Joseph, ang cute mo talaga sarap mong ilampaso sa sahig," putak ni Carmela sa kanyang isip. Nami-miss na rin naman niya ang kanyang asawa lalo na ang paglalambing nito.Napalingon si Carmela ng makarinig siya ng katok sa pinto. Napabungisngis siya saka nagsimulang hubarin ang kanyang mga damit at saka nagsimulang maligo."Babe! huhu!" inis na sabi ni Joseph habang nakatok. Miss na niya ang asawa niya tapos ganito pa ang nangyari, iba ang imagination niya kaysa sa totoong nangyari."Sabay tayo maligo please!" pasigaw na sabi niya sabay katok ulit. Napasabunot na siya sa kanyang buhok saka hinawakan ang door knob. Nagulat siya ng hindi