“Selos ka?” nakangising tanong ni Matthew sa kanyang kapatid na si Carmela. Pinapanood din nito ang pagtawa ni Wendy habang kausap si Joseph.“Eh, ikaw? Kailan ka ba naging choosy sa babae?” agad na tanong ni Carmela sa kanyang kapatid. Sumimangot naman si Matthew ng narinig ang tanong ng kanyang kapatid. Ayaw niya talaga sa mga babaeng agresibo, kaya sinungitan niya si Wendy kanina. Nagpangalumbaba na lamang si Matthew ng naalala ang pangunguna ni Wendy sa kanya.“Hindi ba ako pwedeng umayaw? At saka ayaw ko sa babaeng agresibo. Masyado siyang makulit at walang class,” panglalait ni Matthew kay Wendy.“Ganoon ba? Paano mo naman nalaman na agresibo si Wendy?” nagtatakang tanong ni Carmela kaya umiwas siya ng tingin.Masyadong enjoy si Matthew sa night life niya parati at doon niya nakita si Wendy. Parati itong nasa dance floor at pinag-aagawan ng mga kalalakihan. Masyado itong takaw mata kaya ayaw ni Matthew ang ganoon.“Na-meet mo na ba siya rati?” nagtatakang tanong ni Carmela.“Bas
Malapit ng mabingi si Bernadette habang nasa byahe. Napasulyap siya kay Lance na pinagpapawisan habang nagmamaneho. Nagdesisyon na lamang si Carmela na isama ang kapatid na si Matthew kahit halata kay Joseph ang selos upang magkausap silang dalawa ni Lance.‘Kailan pa niya ako minahal? Ganito ba ang aking tahong, mabilis silang ma-in love?’ tanong ni Bernadette sa kanyang sarili.Napanguso si Bernadette sa kanyang naisip. Dahil nga ba sa tahong? Tatanungin na ba niya si Lance kung na-love at first sight siya sa tahong niya?“Kung may gusto kang itanong ay mamaya na lang, sa bahay na lamang tayo mag-usap,” pigil ni Lance sa kanya.“Sigurado ka ba na pag-uusap lamang ang gagawin natin? Sabihin mo na sa akin para handa ako,” biro ni Bernadette para maalis ang pressure sa pagitan nilang dalawa.“Of course, dalawang klase ng pag-uusap ang gusto ko, Bernadette. Alam mo naman yata 'yon,” naiiling na sabi ni Lance sa kanya.“Kung ganoon ay pag-iisipan ko 'yong isang klase ng pag-uusap natin. H
“Mommy!” sigaw ni Lucas ng nakita niya si Carmela na papasok sa bahay nila. Nagpaiwan si Matthew sa kotse nito dahil ayaw pa niya makita si Alexander.“Bakit gising ka pa? Nasaan si lolo at lola?” tanong ni Carmela sa kanyang anak. Binuhat niya ito saka siya napangiti ng nakita niya ang ka-cute-an nito.Sa una ay kamukha niya si Lucas ngunit katagalan ay kamukha ito ni Joseph. Napanguso naman si Lucas dahil tumakas na naman siya sa kanyang lolo at lola.“Ahh! Lucas, nasaan ka na ba?” malakas na sigaw ni Alexander. “Ikaw kasi! Kapag nawala ang apo natin ay hindi kita mapapatawad, Alexander,” galit na sigaw ng mommy ni Carmela sabay hinampas ang asawa ng malakas.“Ang apo ko! Hindi ako makakatulog kapag hindi siya nakita,” naiiyak na sabi ng mommy ni Carmela ngunit biglang umurong ang luha nito ng nakita niya si Lucas na buhat ni Carmela.“Lucas, hindi tama 'yong ginawa mo, apo!” inis na sabi ni Alexander. Pakiramdam niya ay uubanin na siya sa kakulitan ni Lucas. Gusto na niyang paluin
“Anong plano mo? Pagseselosin pa ba natin siya? Sa totoo lang type ko kasi si Matthew,” nakangiting sabi ni Wendy.“Hindi naman selosa si Carmela eh, at saka siguro asikasuhin mo na lamang si Matthew para naman may maalis na asungot sa asawa ko,” nakangising sagot ni Joseph saka nagsimulang magmaneho.“Maka-asawa ka naman sa kanya, eh hiwalay na nga kayo,” biro ni Wendy saka malakas na tumawa.Napasimangot si Joseph sa sinabi nito saka niya sinulyapan si Wendy ng may galit sa mukha. Papatulan ba niya ang sinasabi nito?“Eh kung sabihin ko kaya kay tita na i-push ang kasal mo. Madali naman ako kausap eh,” panakot na sabi ni Joseph sa kanya. Nanglaki ang mga mata n
MAAGANG umalis si Carmela at iniwan si Lucas kay Matthew. Halos napuyat si Matthew dahil sa kakakulit ni Lucas kaya ng nagising si Lucas ay tulog pa rin siya.Bumaba si Lucas sa kama kung saan katabi niya si Matthew na natutulog. Ngumisi ang bata na parang may kalokohan na naman na naisip. Alam kaya ng tito niya ang larong tagu-taguan?Kinuha niya ang bola saka lumabas ng kwarto nila. Matalino si Lucas kaya tinandaan niya ang lahat ng bawat pasikot sikot na dinaraanan niya.“Oh! Hindi ka ba hahanapin ng mommy mo?” tanong sa kanya ni Joseph. Ngumiti si Lucas ng matamis sa kanya. Hahanapin siya ng mommy niya pero sigurado siya na hindi sasabihin ni Matthew na nawawala siya dahil magagalit ang mommy niya.&
MATAPOS kumain nila Joseph at Lucas ay agad naman silang bumalik sa condominium building. Tuwang-tuwa si Joseph kay Lucas dahil masyado itong bibo, naalala tuloy niya rati ng bata siya.“Alam mo po ba sir, sikat na modelo ang mommy ko! Puro mamahalin na brand ang minomodel niya,” pagmamayabang ng batang si Lucas.Napangiti naman si Joseph at hindi na lamang pinansin ang sinabi ni Lucas. Si Carmela lang naman ang mahalaga sa kanya kaya ito lang naman ang kilala niyang modelo. “Sir, next time po ay ilibre mo po ako ulit ha,” nakangiting sabi ni Lucas. Tumango naman si Joseph sa kanya saka siya binuhat. Parehas silang napatingin sa condominium building. Hindi alam ni Joseph kung bakit nakakaramdam siya ng lungkot.Ganoon na lamang ba na kasabik siya na magkaaanak kaya halos nalulungkot na siya na mag-isa na lamang siya? Napasulyap siya sa gwapong mukha ni Lucas saka napangiti. Minsan hinihiling niya na sana nabuntis na lamang si Carmela ng oras na bago ito umalis.Nirerespeto niya si Car
DUMATING si Carmela ng may saya sa kanyang mukha ngunit nagbago iyon dahil sa malungkot na mukha ni Lucas. Nakaramdam siya ng paninibago dahil parati itong masaya sa tuwing sasalubong sa kanya.“Carmela, can we talk?” pagod na tanong ni Matthew sa kanya.Bakas sa mukha nito ang pagod na parang nagpasaway ng todo si Lucas sa kanya. Bumuntong-hininga si Matthew saka napasulyap sa pamangkin niya na wala pa ring kibo.Naglakad naman si Carmela at Matthew papalayo kay Lucas. Hinawakan ni Matthew ang kanyang kapatid sa balikat. Gusto na niya itago sana ang nangyari ngunit siguro si Matthew na konektado si Joseph kung bakit nagiging matamlay si Lucas.“Nagising ako kanina na wala rito si Lucas. Hinanap ko siya kung saan-saan pero ng wala talaga nagpatulong ako at nalaman ko na kasama niya si Joseph. Pagkauwi nila ay nagkaganyan na si Lucas,” kwento ni Matthew.Napaawang ang labi ni Carmela sa kanyang nalaman. Hindi niya alam na nakatira pala si Joseph sa mismong building na kinatitirhan nila
NAPAHAGULGOL si Carmela ng sinabi na mismo ni Joseph ang totoo. Magkasabay silang umiiyak ni Joseph na parang bata na inagawan ng candy. Nakasalampak lamang si Joseph sa sahig habang umiiyak.Pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya sa mundo. Wala na siyang kakampi, wala ng kumakalinga sa kanya.“Hindi mo alam, Carmela. Habang binubuo mo ang pangarap mo ng wala ako, pinapanood lang kita,” masakit na sabi ni Joseph. Nang oras na iwan siya ni Carmela ay nalaman na lamang niya kay Alexander na gusto nito ang annulment. At ng araw rin na 'yon inaasikaso niya ang katawan ng kanyang daddy upang iburol. Napapikit si Joseph dahil kahit anong pigil niya na huwag alalahanin ang mga nangyari ng araw na 'yon ay nagkukusa iyon sa utak niya. Sa tuwing siya'y matutulog, nagigising na lamang siyang umiiyak. Kahit isang salita ay hindi niya nakausap ang daddy niya.“J-Joseph,” garagal ang boses ni Carmela. Namamalat na ang boses niya sa kakaiyak.“I-I'm sorry,” Carmela whispered. Mawawala ba ng is