Maingay ang loob ng establisyimento na kinaroroonan ni Bernadeth, malakas ang tugtog ng maharot na musika, at maging ang samut-saring kulay ng ilaw ay magaslaw ang galaw. She felt so intoxicated.Ilang bote na ba ng beer ang kanyang nainom? Ilang shot na ba ng whiskey ang kanyang natungga? Narito siya sa lugar na ito upang mag wala at lunurin ang sarili sa alak. Nagbabakasakali na mawala ang matinding sakit sa dibdib. But heck!Walang epekto ang letseng alak sa sistema niya. Nanatiling naroon sa dibdib ang matinding sakit at hapdi. Bitbit ang isang bote ng alak ay tumayo siya. Sa pagtayo niya ay biglang umikot ang kanyang paningin. “Shìt!” “Are you okay?”That baritone voice is quite familiar to her ears. Napatingala siya. Sumingkit ang kanyang mga mata at pilit inaaninag ang mukha ng lalaking nasandalan niya.“You're drunk again.” Yumakap ang matipunong braso ng lalaki sa kanyang bewang at ang kanyang kanang braso ay ikinawit nito sa leeg. “Let go of me!” asik niya sabay tulak
“Stop it Ma. Despite knowing that cigarettes can destroy you, you continue smoking.” “Cigarette is my companion over the years, Andres. Buhay pa naman ako at malakas,” pinagkrus ng ina ang braso sa kanang dibdib at kunot noong tumitig sa kanya. “Bakit ka ba ba narito? Hindi ka pa ba tapos na sumbatan ako at ipamukha sa ‘kin kung gaano ako ka walang kwentang ina at asawa sa ama mo?” He again sighs. He is not here to argue with her mother again. Nandito siya upang kausapin ito at sabihin dito ang saloobin niya. Kinuha niya ang ashtray sa ibabaw ng coffee table at nilagay iyon sa naroong bakanteng upuan saka nilagay mismo sa tapat ng ina ang agahan nito.“Instead of smoking early in the morning why don't you eat your breakfast?” “Kailan ka pa nagkaroon ng concern sa akin, Andres?”“Anak mo ako, kaya concern ako sa kalusugan mo. Madalas man tayo nagtatalo at madalas na nasasaktan natin ang damdamin ng isa't-isa, anak mo pa rin ako at ina kita. Despite all your shortcomings as a mother
Bitbit ni Destiny sa isang food tray ang isang tasa na may umuusok na kape, at sandwich. Alas onse na ng gabi ngunit nasa loob pa rin ng study room nito si Andres, kausap nito ang mga foreign investor.Bukas ang pinto kaya tuloy-tuloy siyang pumasok. Si Tiya Rina at Riza ang pansamantalang nagbabantay kay Amihan sa hospital, si Amaya naman ay tulog na sa loob ng kanilang silid. Napuno ng pag-alala ang dibdib niya. Bukas na ang meeting ng mga board of directors ng MCORP, kaya tutok na tutok si Andres sa pakikipag-usap sa malalaking foreign shareholders ng kompanya. Kahit ilang ulit na pinapaalala ni Andres sa kanya na huwag mag-alala ay talagang hindi niya maiwasan. Alam niya kung gaano kahalaga rito ang MCORP. pinaghirapan iyong itayo ng ama nito.Wearing his transparent eyeglasses while facing the monitor screen. Nakapinta ang ngiti sa labi nito, at panay ang tango. Tinungo niya ang kinaroroonan ng sofa at ipinatong sa naroong mababang mesa ang dalang midnight snack, saka muling ib
Bigla ang paglusob ng kaba sa dibdib. Agad na humakbang siya at tinungo ang kinaroroonan ng anak na si Amihan. Huwag sana siyang bulyawan ni Senyora Edith sa mismong harapan ng mga bata. Natataranta. Nanlamig siyang bigla.“Ate!”Napatingin siya kay Adriana. Alam niyang nakikita ni Adriana sa kanyang kilos ngayon ang pagkabalisa. “Ate, gustong makita ng Mama ang mga bata.”“May I come in?” si Senyora Edith na ngayon ay nanatiling nakatayo sa bungad ng pinto.Saglit na sinuyod niya ng tingin ang mukha ni senyora Edith. Senyora Edith looks sophisticated, ngunit ang mga mata nito ay nagsasabing hindi ito manggugulo. Her eyes look soft, katunayan ay may konting ngiti na sumilay sa mga labi nito.Sana lang ay hindi siya namamalikmata sa nakikita na emosyon sa mukha ng senyora. “P-Pasok po kayo.” Nautal pa siya. Hindi niya kasi talaga maiwasan ang kabahan. Lalo pa at minsan na niyang naranasan ang tindi ng galit nito at ang pananakit nito.Agad na humakbang papasok ng silid si Senyora Ed
Naging magaan ang lahat. Nawala na ng tuluyan ang lahat ng bagay na nagpapabigat sa kanilang mga dibdib. Andres opened his eyes and squinted them afterward. Nasisilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Anong oras na ba? Sa sobrang sarap ng tulog niya ay hindi na niya namalayan ang oras. Nagising siyang nakapinta sa labi ang matamis na ngiti. Ngunit ang ngiting iyon ay agad na napalis ng mapansin na wala na si Destiny sa kanyang tabi. Napabalikwas siya ng bangon. Nahagip ng kanyang paningin ang nakasabit na orasan sa dingding. Alas nwebe na ng umaga. Kaya pala mataas na ang sikat ng araw. Marahil ay nasa baba na ang babaeng mahal at naghahanda na ng almusal. Oh, how beautiful life is. Within thirty-five years of existence, ngayon niya lang sobrang na-appreciate ang buhay. Destiny made him appreciate how beautiful life is. He fixed himself, agad na ginawa ang pang-umgang ritwal. Nang matapos ay agad na bumaba. Gusto niyang makita agad ang mukha ng babaeng mahal.
Now everything makes sense. Hindi niya agad naramdaman noon na nagkukunwari ito at hindi ito si Serenity, dahil una pa lang ay kilala na ito ng puso niya. Nang dumating ito sa buhay niya ay mas lalong umusbong ang pagmamahal na nararamdaman niya.“Andres! Ano ba? Tinatakot mo ako.” Napahikbi na ito. Kumalas siya mula sa pagyakap rito. Ikinulong niya sa mga palad ang mukha ni Destiny at mataman na tinitigan ito. Ngumiti siya. Lumiwanag ang lahat. Ang batang naghatid sa kanya ng hindi maipaliwanag na tuwa, ang batang unang minahal ng bata niyang puso ay nasa kanyang harapan ngayon at siya ring ina ng kanyang mga anak. “Andres ano ba?!” Sinigawan na siya nito na ikinapitlag niya.“I am okay. Everything is fine, babe!” Para na siyang sira ulo. Ngumingiti siya habang umiiyak at haplos-haplos ito sa mukha.“E bakit ka umiiyak?” mahina nitong tanong habang humihikbi.“Because I am now holding my Tin-Tin in my arms, my Tin-Tin which made my young heart flutter twenty-two years ago. My Tin
“Everything is set, Sir!”“Good!” Agad na binalingan niya si Destiny. Napatitig ito sa private chopper at kapagkuwan ay lumingon sa kanya. Bumuka ang labi nito ngunit agad na muli nito iyong itinikom. Tila ba ito nahihirapan na sambitin ang katagang gustong sabihin. Nalilito ito.“Gaya ng sabi ko pupunta tayo sa isang masayang lugar. Dadalhin kita sa lugar kung saan isa sa lugar na pinaka-gustong pasyalan noon ni Tin-Tin.” Nababakas ang pagkalito sa mukha ni Destiny. Alam niyang tulad niya ay marami rin itong katanungan sa isip. Marami siyang tanong. Tanong na hindi alam kung masasagot pa ba. Dahil ang kaisa-isang tao na makaka-sagot sa katanungan niya ay hindi na nag-eexist sa mundong ibabaw.Ganun pa man ay hindi na mahalaga ang kasagutan sa mga katanungan na iyon. Dahil ang tanging mahalaga ay siya, si Tin-Tin at ang kanilang mga anak. Buong-buo na ang pagkatao niya.it's okay if Tintin did not remember the promises of their young hearts made twenty-two years ago, dahil kung sus
Nanginginig ang mga kamay ni Destiny, ang dibdib ay naninikip, at ang puso ay dumadagundong. Kanina ng dinala siya ni Andres sa mismong silid nito, naglalaro na sa isip niya ang ilang malabong eksena, at maging ang munting mga tinig ay kusa niyang naririnig.Mula sa silid nito hanggang sa gazebo, at sa pagsakay ng private chopper hanggang sa marating nila ang enchanted kingdom. Hindi siya nilubayan ng mga malabong eksena na iyon, at ang mga malabong eksena na iyon ay tuluyang luminaw ng makasampa siya ng tuluyan sa Ferris wheel.Halos gusto niyang sumigaw at sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng galit sa kambal. Tinatanong niya ang sarili kung bakit ito nagawa sa kanya ni Serenity, kung bakit nagawa nitong ilihim sa kanya at Andres ang lahat.Parang pinong kinukurot ang puso niya, ramdam na ramdam niya ang sakit at hirap na pinagdaanan ni Andres sa mahabang panahon. Ngunit sa kabila ng naramdaman na galit sa kambal ay namayani pa rin sa isip at puso niya ang pag-intindi at pagpap