“Tumigil ka Bernadeth!” Destiny faces Bernadeth, and she can't help but raise her voice. She tried so hard to compose herself, ngunit sadyang ayaw siyang tantanan ni Bernadeth.“Tumigil? Ikaw ang dapat tumigil malandi ka. Umalis ka sa buhay ko at buhay ni Andres!” Bernadeth shouted at her. Muli ay tumaas ang isang braso nito at akmang muling hablutin siya. Ngunit mabilis na humakbang siya paatras sabay tabig ng kamay ni Bernadeth.“Tumigil ka!” Isang malalim na hugot ng paghinga ang kanyang ginawa. “Hindi ako aalis, Bernadeth. Hindi ko iiwan pang muli ang ama ng mga anak ko!” “You bi–”“Bitch?” She stared back at Bernadeth. Hindi lang basta titig ang kanyang ipinukol dito. He glared at Bernadeth with a glazing fire in her eyes. Bernadeth doesn't have any right to call her bitch o di naman kaya ay Malandi. Iisang lalaki lang ang dumaan sa buhay niya at nagmamay-ari sa kanya. Yun ay ang ama ng mga anak niya. Walang sinuman ang may karapatan na pintasan ang pagkatao niya, lalo na ku
Maingay ang loob ng establisyimento na kinaroroonan ni Bernadeth, malakas ang tugtog ng maharot na musika, at maging ang samut-saring kulay ng ilaw ay magaslaw ang galaw. She felt so intoxicated.Ilang bote na ba ng beer ang kanyang nainom? Ilang shot na ba ng whiskey ang kanyang natungga? Narito siya sa lugar na ito upang mag wala at lunurin ang sarili sa alak. Nagbabakasakali na mawala ang matinding sakit sa dibdib. But heck!Walang epekto ang letseng alak sa sistema niya. Nanatiling naroon sa dibdib ang matinding sakit at hapdi. Bitbit ang isang bote ng alak ay tumayo siya. Sa pagtayo niya ay biglang umikot ang kanyang paningin. “Shìt!” “Are you okay?”That baritone voice is quite familiar to her ears. Napatingala siya. Sumingkit ang kanyang mga mata at pilit inaaninag ang mukha ng lalaking nasandalan niya.“You're drunk again.” Yumakap ang matipunong braso ng lalaki sa kanyang bewang at ang kanyang kanang braso ay ikinawit nito sa leeg. “Let go of me!” asik niya sabay tulak
“Stop it Ma. Despite knowing that cigarettes can destroy you, you continue smoking.” “Cigarette is my companion over the years, Andres. Buhay pa naman ako at malakas,” pinagkrus ng ina ang braso sa kanang dibdib at kunot noong tumitig sa kanya. “Bakit ka ba ba narito? Hindi ka pa ba tapos na sumbatan ako at ipamukha sa ‘kin kung gaano ako ka walang kwentang ina at asawa sa ama mo?” He again sighs. He is not here to argue with her mother again. Nandito siya upang kausapin ito at sabihin dito ang saloobin niya. Kinuha niya ang ashtray sa ibabaw ng coffee table at nilagay iyon sa naroong bakanteng upuan saka nilagay mismo sa tapat ng ina ang agahan nito.“Instead of smoking early in the morning why don't you eat your breakfast?” “Kailan ka pa nagkaroon ng concern sa akin, Andres?”“Anak mo ako, kaya concern ako sa kalusugan mo. Madalas man tayo nagtatalo at madalas na nasasaktan natin ang damdamin ng isa't-isa, anak mo pa rin ako at ina kita. Despite all your shortcomings as a mother
Bitbit ni Destiny sa isang food tray ang isang tasa na may umuusok na kape, at sandwich. Alas onse na ng gabi ngunit nasa loob pa rin ng study room nito si Andres, kausap nito ang mga foreign investor.Bukas ang pinto kaya tuloy-tuloy siyang pumasok. Si Tiya Rina at Riza ang pansamantalang nagbabantay kay Amihan sa hospital, si Amaya naman ay tulog na sa loob ng kanilang silid. Napuno ng pag-alala ang dibdib niya. Bukas na ang meeting ng mga board of directors ng MCORP, kaya tutok na tutok si Andres sa pakikipag-usap sa malalaking foreign shareholders ng kompanya. Kahit ilang ulit na pinapaalala ni Andres sa kanya na huwag mag-alala ay talagang hindi niya maiwasan. Alam niya kung gaano kahalaga rito ang MCORP. pinaghirapan iyong itayo ng ama nito.Wearing his transparent eyeglasses while facing the monitor screen. Nakapinta ang ngiti sa labi nito, at panay ang tango. Tinungo niya ang kinaroroonan ng sofa at ipinatong sa naroong mababang mesa ang dalang midnight snack, saka muling ib
Bigla ang paglusob ng kaba sa dibdib. Agad na humakbang siya at tinungo ang kinaroroonan ng anak na si Amihan. Huwag sana siyang bulyawan ni Senyora Edith sa mismong harapan ng mga bata. Natataranta. Nanlamig siyang bigla.“Ate!”Napatingin siya kay Adriana. Alam niyang nakikita ni Adriana sa kanyang kilos ngayon ang pagkabalisa. “Ate, gustong makita ng Mama ang mga bata.”“May I come in?” si Senyora Edith na ngayon ay nanatiling nakatayo sa bungad ng pinto.Saglit na sinuyod niya ng tingin ang mukha ni senyora Edith. Senyora Edith looks sophisticated, ngunit ang mga mata nito ay nagsasabing hindi ito manggugulo. Her eyes look soft, katunayan ay may konting ngiti na sumilay sa mga labi nito.Sana lang ay hindi siya namamalikmata sa nakikita na emosyon sa mukha ng senyora. “P-Pasok po kayo.” Nautal pa siya. Hindi niya kasi talaga maiwasan ang kabahan. Lalo pa at minsan na niyang naranasan ang tindi ng galit nito at ang pananakit nito.Agad na humakbang papasok ng silid si Senyora Ed
Naging magaan ang lahat. Nawala na ng tuluyan ang lahat ng bagay na nagpapabigat sa kanilang mga dibdib. Andres opened his eyes and squinted them afterward. Nasisilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Anong oras na ba? Sa sobrang sarap ng tulog niya ay hindi na niya namalayan ang oras. Nagising siyang nakapinta sa labi ang matamis na ngiti. Ngunit ang ngiting iyon ay agad na napalis ng mapansin na wala na si Destiny sa kanyang tabi. Napabalikwas siya ng bangon. Nahagip ng kanyang paningin ang nakasabit na orasan sa dingding. Alas nwebe na ng umaga. Kaya pala mataas na ang sikat ng araw. Marahil ay nasa baba na ang babaeng mahal at naghahanda na ng almusal. Oh, how beautiful life is. Within thirty-five years of existence, ngayon niya lang sobrang na-appreciate ang buhay. Destiny made him appreciate how beautiful life is. He fixed himself, agad na ginawa ang pang-umgang ritwal. Nang matapos ay agad na bumaba. Gusto niyang makita agad ang mukha ng babaeng mahal.
Naririnig ni Destiny ang malakas na ugong ng sasakyan mula sa labas ng malaking bahay. Kung gaano kalakas ang ugong ng sasakyan ay ganun din kalakas ang dagundong ng kanyang dibdib. Tumagilid siya ng higa. Mariin na kumapit ang kanyang mga kamay sa kumot kasabay ng mariin na pagpikit ng kanyang mga mata. Gusto niyang bumangon at salubungin ang asawa. Ngunit sa halip na gawin iyon ay heto siya. Namayani sa buong sistema ang takot. Takot na makita ang galit at sakit na nakaguhit sa mukha ng asawa. Galit at sakit na siya ang may gawa.Halos tumigil ang kanyang paghinga ng marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto. Kagat ang ibabang labi habang nanatiling mariin na napapikit kasabay ng paghigpit pa lalo ng pagkapit ng mga kamay sa kumot.Malakas na tunog ng pagbalya ng pinto ang yumanig sa kanya. Pakiramdam niya ay tila nahulog ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib.“Sleeping, huh!” Napalunok siya. Nagtatalo ang isip at puso niya kung sasagutin ang asawa o manatili sa pagkukunwaring tul
“Panty nga naay bulsa, panty nga naay magic holes ug naay garter na pang walastic, tag dyes, tag dyes! Palit namo, palit namo mga inday!” Natawa si Destiny sa sigaw ng isang mama na nagbebenta ng ukay-ukay sa bahaging iyon ng main public market ng General santos city. Galing siya sa pwesto ng tiyahin sa looban ng palengke kung saan ito nagtitinda ng isda. Mahirap ang buhay. Ngunit sa bawat araw na nakikita ni Destiny ang mga tao sa public market na iyon na hindi alintana ang hirap at nagsusumikap upang makaraos sa araw-araw at upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya ng mga ito. Naging dahilan ang senaryo na iyun para sa kanya upang mas lalong magsumikap at magpakatatag alang-alang sa tinatawag na pamilya.Katulad ng mga tao na kumakayod sa public market na iyon. Isa siya sa mga ito na gagawin ang lahat alang-alang sa pamilya. Bigla ay sumagi sa isip niya ang kanyang nag-iisang kapatid.Ibinaba niya sa sa sementong lupa ang kanyang bitbit na plastic bag na puno ng pinambiling