Lalong naging malungkot ang mga sumunod na araw ni Irish, tila naging katumbas ng ilang buwan ang bawat araw na hindi kapiling ang asawa. Marahil hindi n'ya sana ito mararamdaman kung hindi dahil sa malungkot na balitang natanggap. Sinikap niyang maging normal ang lahat at gawin ang nakasanayan. Pinuno n'ya ang refrigerator ng iba't ibang prutas at gulay na alam n'yang makakatulong sa kan'ya. Ang ilang araw pang natitira bago umuwi ang asawa ay nilaan n'ya sa pagpipinta. At kung dati'y bihira s'yang tumawag sa Mommy n'ya tila mayamaya na s'yang naglu-long distance sa ina na ipinagtataka nito. "May problema ba Irish?" "Wala Mom." Pinasigla n'ya ang tinig. "Magkaka-apo na ba ako?" Natawa s'ya sa tanong ng ina. "Mommy naman. . ." "O, eh kelan n'yo kami bibigyan ng apo?Anak naman alam mo namang pareho kayong nag-iisang anak ni Gab. Nag-aabang na kam
Matapos magpahid ng manipis na lipstick ay napangiti si Irish, pinalutang ng kasimplehan ng ayos ang kakaibang ganda. Higit na lumutang ang maputing kutis sa kulay-asul na bodycon dress na napiling isuot. Sleeve-less ito na nagpalantad ng maputing balikat na hanggang tuhod ang haba na may maikling slit sa kanang tuhod. Nakangiti n'yang tinapunan ng tingin ang laman ng closet, inalis n'ya na ang mga dating damit. Tama si Gab, hindi na s'ya teen-ager kailangan n'ya ng magpaalam sa dating Irish. Isinukbit n'ya ang shoulder-bag sa balikat at nagsuot ng sapatos na may takong na kakulay ng suot na dress. Hinayaan n'yang nakalugay ang hanggang balikat na buhok. "Let's go!" Saad n'ya nang makita ang asawang nakaupo sa sofa na nasa sala. Awtomatiko ang pag angat ng tingin ni Gab, tila hindi ito makapaniwala sa nakikitang pagbabago ng ayos ng asawa. Nakatitig ito sa asawang papalapit. "G-gab?" Pumitik s'ya sa hangin at natatawang kinintalan ito ng halik sa pisnge. "Sana ar
Palihim na pinahid ni Irish ang pamumuo ng luhang nagbabadyang pumatak. Mabilis na inayos ang sarili at pumasok sa loob ng opisina ng abogadong kanina lang ay kausap sa phone."Please, sit down." Nakangiti ang abogado. Sa tantiya n'ya ay nasa edad trenta'y kwatro pataas. Lalong nagmukhang kagalang-galang dahil sa suot nitong reading glasses. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok, ito 'yung tipo ng lalakeng tila palaaral 'nung nasa sekondarya pa lang hanggang sa makapagtapos ng abogasya."Pinag-isipan n'yo na ba, Mrs. Villaflor?" Muling tanong nito. Naipaliwanag n'ya na kanina pa kung ano ang nais n'yang mangyari sa telepono."Yes, Irish na lang please." "Sinabi mong maayos kayong nagsasama? Maayos naman ang relasyon n'yo?" Marahang tumango si Irish."Wala akong maisasampang kahit ano laban sa asawa n'yo para mawalan ng bisa ang kasal n'yo?" Napapikit si Irish."Attorney, hindi pa ba sapat na gusto ko na lang humiwalay?"Napabuntong-hininga ang abogado.
Pinagmamasdan ni Irish ang repleksyon sa salamin, napabuntong-hininga s'ya at marahang hinaplos ang bahagi ng balat na may mangilan-ngilan ng maiitim na marka. Ipinagpapasalamat n'yang nasa tagong bahagi ito ng katawan. Pinag-iisipan n'ya kung paano itatago sa asawa? "Irish..." Narinig n'yang tawag ni Gab mula sa labas ng banyo. Mabilis s'yang nagbihis at lumabas, bumungad ang asawang nakaabang sa labas ng pinto. Nahigit n'ya ang paghinga nang makita kung gaano ito ka-presko sa suot nitong t-shirt at khaki short na bumagay rito. Mamasa-masa pa ang buhok ng asawa habang naka-plaster ang ngiting hanggang ngayon ay naghahatid pa rin sa kan'ya ng ibayong kilig."Alam kong gwapo ako, Irish." Biro nito sa nakitang reaksyon n'ya."Yabang!" Ingos ni Irish na ikinahalakhak nito. Hinawakan na s'ya nito sa kamay saka iginiya palabas ng bahay.Tatlong araw na sila sa bahay-bakasyunang iyun. Nasa dulong bahagi na ng Lemery, Batangas ang private resort na ayon kay Gab
"Kailangan mo ng tutukan ang health condition mo, Irish." Seryosong nakatingin ang doktor sa kaharap. "Kailangan ng malaman ng pamilya mo.""Hindi pwede, Dok. Ayoko." Napailing si Irish, isipin n'ya pa lang na masasaktan ang pamilya n'ya nasasaktan na s'ya. "Irish, kung gusto mong gumaling hindi mo kailangang itago ang totoo sa pamilya mo. Mas kailangan mo ng karamay ngayon." Malungkot na umiling si Irish. "Ayokong makasakit." "Hindi ka makakasakit ng damdamin, dahil binibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong gumaling pa." "Ano pong gagawin ko?" Matamlay na sagot ni Irish."Kailangan mong sumailalim sa cellular immunotherapy. Tatawagan ko ang mommy mo." Napabuntong-hininga si Doktor Balmonte at hinanap sa phone ang numero ni Mrs. Amanda No, ang ina ni Irish."Please Doc, hayaan mong ako ang magpaliwanag sa mommy ko."Naiiling na tiningnan s'ya ng Doktor."Wala pa akong naging pasyente na kasin-tigas ng ulo mo. Bumalik ka next week dahil kapag hindi ka
Napapalatak si Gab nang makita ang nakahaing pagkain sa lamesa. Saucy beef with broccoli, supreme chicken adobo, bahagya pang umuusok ang kanin, lemon meringue juice at dalawang basong watermelon juice. Natuwa s'ya sa isipang health conscious na ang asawa. Napapansin n'yang may sinusunod ng healthy diet recipe ito. Pumuwesto agad ng upo si Gab at hinanap ng paningin ang asawa."Hi!" Bungad nito mula sa pinto ng laundry room. Nakasuot ito ng kupasing t-shirt na pinaresan ng pajama ang pang-ibaba. Itinaas ng hairclip ang katamtamang haba ng buhok. Hindi maikukubli ng kasimplehan nitong mag-ayos ang natatangi nitong ganda. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Gab ang pamumutla nito."Anong meron? May nakalimutan ba ako?" Tanong ni Gab habang nakatingin sa mga nakahain."Wala naman gusto lang kitang ipagluto." Nakangiting sagot ni Irish at ipinaglagay ng kanin sa plato ang asawa."Maswerte talaga ako sa pagkakaroon ng misis na bukod sa maganda na masarap pang magluto."
Nanlumo si Gab ng hindi madatnan ang asawa sa bahay, mabilis n'yang tiningnan ang closet na kinalalagyan ng mga damit nito. Maayos pa ding nakatupi at naka-hanger ang mga gamit nito. Nasapo ni'ya ang noo. Saan naman pupunta si Irish ng ganung oras? Wala itong kaibigan na mapupuntahan o kamag-anak man lang na malapit rito.Nagbakasakali s'yang tawagan ang lahat ng kakilala at kamag-anak nila pero wala doon ang asawa. Napilitan s'yang tawagan ang Mommy n'ya kahit alam n'yang mapapagalitan s'ya.At tama nga s'ya, napagalitan lang s'ya nito dahil wala doon ang asawa. Maging ang Daddy n'ya ay halos murahin na s'ya."I-report na natin sa pulis Gab!" ang mommy niya."Mom, alam n'yo namang twenty-four hours ang kinakailangan diba?" naguguluhang ini-off n'ya na ang cellphone at umupo sa sofa.Puno ng pag-aalalang naghintay sa pagbukas ng pintuan, nagba-bakasakaling uuwi 'din ito.M
Tiniyak ni Irish na nabili n'ya na ang mga personal n'yang pangangailangan. Maliban sa wallet na naglalaman ng atm card, cash at ilang identification card ay wala s'yang dala na kahit ano. Kaya bumili na lamang s'ya ng mga gamit. Muli n'yang binasa ang mensahe ni Alma, ibinigay nito ang eksaktong address kung saan ito nakatira. Wala s'yang ibang maisip na maaaring puntahan kundi ang dating sekretarya na kasalukuyan ng naninirahan kapiling ang pamilya sa probinsya nito sa Palawan. Matapos bumaba sa eroplanong sinakyan ay sumakay s'ya ng tricycle at nagpahatid sa bus terminal. Maswerte s'ya dahil mabait ang driver ng nasakyang tricycle. Maya't mayang tumatawag si Alma para mai-guide s'ya kung paano matutunton ang pupuntahan."Ma'am, three hundred-eighty po ang pamasahe." Untag ng driver. Humugot si Irish ng pera si Irish mula sa wallet at iniabot sa driver. Inayos n'ya ang pagkakasandal ng likod at ipinikit ang mga mata. Iidlip muna s'ya dahil ayon kay Alma ay bibilang pa ng li