Share

Chapter 19

Palihim na pinahid ni Irish ang pamumuo ng luhang nagbabadyang pumatak. Mabilis na inayos ang sarili at pumasok sa loob ng opisina ng abogadong kanina lang ay kausap sa phone.

"Please, sit down." Nakangiti ang abogado. Sa tantiya n'ya ay nasa edad trenta'y kwatro pataas. Lalong nagmukhang kagalang-galang dahil sa suot nitong reading glasses. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok, ito 'yung tipo ng lalakeng tila palaaral 'nung nasa sekondarya pa lang hanggang sa makapagtapos ng abogasya.

"Pinag-isipan n'yo na ba, Mrs. Villaflor?" Muling tanong nito. Naipaliwanag n'ya na kanina pa kung ano ang nais n'yang mangyari sa telepono.

"Yes, Irish na lang please."

"Sinabi mong maayos kayong nagsasama? Maayos naman ang relasyon n'yo?"

Marahang tumango si Irish.

"Wala akong maisasampang kahit ano laban sa asawa n'yo para mawalan ng bisa ang kasal n'yo?"

Napapikit si Irish.

"Attorney, hindi pa ba sapat na gusto ko na lang humiwalay?"

Napabuntong-hininga ang abogado.<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status