Share

Chapter 25

"Sir, may appointment po kayo ng 3 pm."

Nag-angat ng tingin si Gab. Humpak ang pisnge, at malalim ang eyebags, may hawak ang kanang-kamay na kopita ng wine. Mula ng umalis at iwan s'ya ni Irish hindi na s'ya pumalya ng pag-inom ng alak.

"Paki-cancel." Matamlay nitong sagot.

"Pero Sir, 'antagal n'yo pong hinintay ito." Nag-aalala si Ice, ilang buwan ng hindi ito humaharap sa mga kliyente ng Garments.

"Ice...hindi ko pa kaya."

"At kailan mo kakayanin?" Sarkastikong tanong ng tinig na ikinalingon nilang pareho ni Ice.

Si Leonard.

"Gab, hindi mo kailangang magpakamatay para sa babae."

Galit na tiningnan ni Gab ang kaibigan. "Hindi s'ya basta babae, asawa ko ang tinutukoy mo!"

"Okey, sorry!" Nagtaas ito ng kamay. "Ang akin lang naman, hindi mo kailangang pabayaan ang kompanya na maraming umaasa." Malumanay nitong paliwanag.

Tahimik na nakamasid lang si Ice. Dama n'ya ang matinding pagsisisi at lungkot ng amo.

"Hindi ko kayang mawala si Irish..."

"Pwes! Kayanin mo!"

Umiling-iling na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status