Panay ang iyak ng Mommy ni Gab. Kasalukuyan silang nasa International Airport. Babalik na ng America si Irish, matapos makapagpaalam sa mga empleyado ng Gabrish Garments ay buo na ang pasya n'yang umuwi na sa Mommy n'ya.
Higit kanino man ang ina ang unang kailangan niyang maging karamay. Kailangang-kailangan n'ya ito ngayon kahit pa alam niyang ibayong sakit na naman ang idudulot nito sa inang minsan ng nawalan ng mahal sa buhay.
Tahimik at seryoso si Gab. Hindi na s'ya nito napilit pang manatili sa piling nito. Hindi s'ya tinitingnan ng asawa ng hilain niya na ang de-gulong na bag matapos yakapin ang biyenan.
"G-gab..."
Hindi ito lumapit at tumingin man lang.
Alam n'yang hindi nito tanggap ang desisyon niyang makipaghiwalay na rito. Hihintayin niyang magpasya itong magfile ng annulment. Palihim niyang kinausap ang abogado ng pamilya, gusto niyang malipat kay GabStem Cell Transplantation.Immunotherapy.Chemotherapy.Ilan sa paraan para madugtungan ang buhay ni Irish. Hindi madali ang magiging proseso pero seventy percent ang tsansang madugtungan ang buhay ng asawa. At dahil hindi naman rare ang sakit na Leukemia, sa 'Pinas na nila ni Mommy Amanda napagdesisyunang gawin ang gamutan sa isang kilalang pribadong hospital. Bukod kasi sa makakasama niya ang asawa ay magiging madali para sa kaniya ang pumasok twice a week sa opisina. Humugot ng malalim na hangin si Gab at pinagmasdan ang asawang nakaupo at nakatanaw sa dalampasigan. Pinagmamasdan ang kulay pulang liwanag ng sikat ng araw. Napagpasyahan nilang manatili na lamang sa private resort sa Lemery, Batangas. Mas makabubuti kasi kay Irish kung makakalanghap ito ng sariwang hangin. Naghire si Gab ng dalawang private nurse na mag-aalaga sa asawa. Isang oras lang ang biyahe ng resort patungo sa ospital kung saan ito regular na nagki-chemotherapy para hindi i
"Damn!" Mura ni Gab, pabagsak na inilapag ang hawak na celphone, natigilan ang kapapasok lang ng silid ng opisina na si Ice. Dahan-dahang humakbang palapit sa Boss na tiyak na mainit ang ulo. Ilang kliyente kasi ang nagcancel ng ilang appointment at may iilan ng lumipat ng supplier. Naging mabagal ang pagpasok ng pera sa kompanya, unti-unting humihina ang kinikita ng Garments mula ng mapabayaan ito ni Gab dahil sobra itong naapektuhan ng kasalukuyang pinagdadaanan nila ni Irish."S-sir, Gab." Umupo si Ice sa upuang nasa harap ng mesa nito, kipkip ang ilang dokumento."I-ice..." Humugot muna ito hangin. "B-babagsak na ang kompanya. Anong gagawin ko?" Nangangailangan sila ng malaking pondo at alam ni Gab na hindi n'ya pwedeng galawin ang pera ng asawa sa bangko. Nakalaan 'yun para sa pagpapagamot ng asawa. Patuloy ang chemotherapy ni Irish."Sir, kaya nga po pala ako nandito gusto po sana kayong makausap nila Mang Anilo." Napabuntong-hininga si Gab. Inaasahan n'ya na ito. "Hindi po nat
"Kailangan mong lunukin ang pride mo, Gab!" Malumanay ngunit may diin ang tono ng pananalita ni Leonard. Gusto nitong bilhin ang kalahati ng shares ng kompanya. Tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana si Gab. Hindi madaling tanggapin ng ego n'ya ang inaalok nito. Kahit pa alam n'yang tama ito at malaki ang maitutulong nito sa kasalukuyang krisis na pinagdadaanan ng kompanya."Pag-iisipan ko." "Ano?! Pag-iisipan? Gumagapang na ang kompanya mo, Gab. Kailangan mong maging praktikal." Nagsalin ito ng wine sa baso at iniabot sa kaibigan. "Hindi madali ang hinihingi mo. Para ko na ring ibinenta ang natitirang dignidad ko." "Magkaibigan tayo, Gab. Kung hindi kinakaya ng lintek mong pride mas makabubuti nga sigurong si Irish na lang ang kausapin ko." Masamang tingin ang ipinukol ni Gab sa kaibigan. "Huwag mong idadamay sa Irish, Leonard. Hindi n'ya na kailangang mamuroblema at mag isip pa para sa kompanya!" "I know, pero alam mo 'din na kung alam ng asawa mo
"Malapit na tayo sa tugatog ng tagumpay, Leonard. Nagawa mong makuha ang loob ng mga kliyente ni Gabriel ng wala siyang kaalam-alam. Mukhang hindi na rin naman gagaling ang asawa n'ya." Nagpakawala ng malutong na halakhak si Jeanny.Ngumisi si Leonard at itinaas ang baso ng kopita. "Para sa tagumpay! Tila umaayon sa atin ang pagkakataon. Hindi habang-buhay ay malalamangan ako ng isang Gabriel Villaflor, Jeanny." Mabilis itong nakapagpalit ng anyo. Bakas ang matinding galit at pagkamuhi." Ilang taon 'din akong nagtrabaho sa mga Villaflor ngunit sa isang iglap dahil lang anak s'ya ay napunta sa kan'ya ang posisyong dapat ay sa akin." Tumayo mula sa kinauupuan si Jeanny at malambing na kumandong sa binata. "Akong bahala kay Gabriel. At walang magagawa ang inutil n'yang asawa." Siniil nito ng halik ang binata. Higit na mapusok ang iginanti nito. Mabilis na hinatak ni Leonard nang pahubad ang suot nitong off-shoulder dress at sinibasib ito ng halik. Marahas at walang ingat.
Bumungad ang masayang mukha ni Gab sa pinto ng silid ni Irish. Nakita n'yang tila may binabasa ito. Umaaliwalas ang humpak nitong pisnge nang makita si Gab."Hi!" "Mukhang masaya ka?" Ani Irish, inilapag ang hawak na celphone sa sidetable. "Yap, you know what? Sobrang daming kliyente ko today. Pati ang BCM clothing fashion sa atin na rin kukuha ng supply." Tukoy nito sa isang kilalang clothing brand collection. Nilingon ni Gab ang Mommy Amanda ni Irish. "Congratulations, Gab." "Yes, Mommy Amanda. Bumalik na 'din ang iba pa nating kliyente." Masigla nitong pagku-kwento. Ngunit bigla itong natigilan nang maalalang hindi nga pala alam ng asawa ang pinagdaanan ng Gabrish Garments. Ngunit mabilis 'ding nakabawi. "Pwede siguro nating i-celebrate 'yan Gab." Ang luwang ng pagkakangiti ni Irish."Not today, dumaan lang ako para bisitahin ang misis ko. May appointment pa akong kailangang puntahan." H*****k si Gab sa noo ng asawa saka umalis.Napabuntong-hining
Humugot ng malalim na hangin si Alma saka mahinang kumatok at itinulak ang nakasara na pinto. Bumungad sa kan'ya ang maaliwalas na silid, maihahalintulad na ito sa isang condominium unit. Kumpleto ang appliances, may malaking flat na television sa wall, refrigerator sa sulok, 'sinlaki na halos ito ng buong unit na tinitirhan nilang bahay sa Palawan. Ngumiti ang Mommy ni Irish nang makita s'ya. Pinili nitong lumabas upang magkasarilinan sila ng anak nito. Nakadama ng habag ang dalaga nang makita itong nakaupo malapit sa bintana si Irish at nakatanaw sa labas ng bintana. Tila malalim ang iniisip nito. Parang piniga ang damdamin ni Alma nang makitang pumayat ito at nanlalalim ang gilid ng mga mata. Naluluhang ginagap ni Alma ang palad nito na awtomatikong ngumiti. Noon pa man, hindi na ito nagkakait ng ngiti sa kahit kanino."Kumusta ka na, Ma'am Irish?" "Lumalaban." Pilit itong ngumiti. "Salamat Alma, pumayag kang magtrabaho ulit sa Gabrish." Ito ang kumumbinse sa k
"Annulment?!" Umalingawngaw ang boses ni Gab sa kabuuan ng silid. Mabilis na rumehistro ang sakit sa kalooban. "Hindi ko pipirmahan 'yan! Sino ka ba sa akala mo?" Inihagis ni Gab ang dokumento sa harapan ng abogadong minsan nang pinagselosan."Mr. Villaflor... Kagustuhan ito ng asawa mo, wala akong personal na motibo ginagawa ko lang ang trabaho ko." Malumanay na paliwanag ni Attorney Rob. " Mag-uusap kami ni Irish, makakaalis ka na." Tumalikod na ito at lumabas ng opisina. Napasandal sa sandalan ng swivel chair si Gab at ipinikit ang mga mata. Hindi n'ya maintindihan ang gustong mangyari ni Irish. Bakit kailangan s'ya nitong hiwalayan? Para saan? Nasasaktan ang damdaming hinilot n'ya ang sentido.Bumukas ang pinto na ikinadilat n'ya. Atubili ang kapapasok lang na si Alma."May kailangan ka?" "Ahm Sir...May sasabihin sana ako.""Huwag ngayon." naiinis na pagtataboy niya sa dalaga. Napapahiyang tumalikod na ito. "Sige...Ano 'yun?" Pahabol na tanong
Mabilis na lumapit si Attorney Rob kay Irish, nadatnan n'yang nagpapahid ito ng luha habang tila nanghihinang inilapag ang hawak na celphone. Ni hindi nito namalayan ang pagdating n'ya."May problema ba?" Umiling-iling lang ito at tumingin sa kawalan."Look, Irish...Kailangan mong i-kwento 'yan para gumaan ang pakiramdam mo." Napabuntong-hininga ang binata. Akala n'ya pa naman, masayang Irish ang madadatnan n'ya dahil makalipas ang ilang taon ay tuluyan na itong gumaling mula sa pakikipaglaban nito sa sakit na Leukemia. "Hindi na kailangan, Rob. Okey lang ako. Tears of joy lang ito." Nginitian s'ya ni Irish."Alam mo, Irish..." Hindi na nito natapos ang nais pang sabihin dahil sa pagbukas ng pinto ng silid. Bumungad ang Mommy Amanda ni Irish, kasama ang ilang empleyado ng Gabrish, at ang ilang Nars at Doktor na nag-alaga sa kan'yang kliyente, nasa gawing likuran si Gab na nawala ang ngiti nang makita si Rob. Ngunit pilit na ngumiti at pinagtakpan ang pagkainis.