Share

Chapter 17

Lalong naging malungkot ang mga sumunod na araw ni Irish, tila naging katumbas ng ilang buwan ang bawat araw na hindi kapiling ang asawa. Marahil hindi n'ya sana ito mararamdaman kung hindi dahil sa malungkot na balitang natanggap.

Sinikap niyang maging normal ang lahat at gawin ang nakasanayan. Pinuno n'ya ang refrigerator ng iba't ibang prutas at gulay na alam n'yang makakatulong sa kan'ya. Ang ilang araw pang natitira bago umuwi ang asawa ay nilaan n'ya sa pagpipinta.

At kung dati'y bihira s'yang tumawag sa Mommy n'ya tila mayamaya na s'yang naglu-long distance sa ina na ipinagtataka nito.

"May problema ba Irish?"

"Wala Mom." Pinasigla n'ya ang tinig.

"Magkaka-apo na ba ako?" Natawa s'ya sa tanong ng ina.

"Mommy naman. . ."

"O, eh kelan n'yo kami bibigyan ng apo?

Anak naman alam mo namang pareho kayong nag-iisang anak ni Gab. Nag-aabang na kam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status