Couples of years later..."Hey, twin brother! What are you doing?" maang na tanong ni Ian Jeremiah sa kambal niyang si Owen Liam."Tsk! Tsk! Mukhang nagaya ka na kay Kuya Englesero ah. Aba'y maari mo naman akong kausapin sa Tagalog. Hmmm, I can speak a little in Ilokano as well as Kankanaey." Napangisi namang humarap si Owen Liam sa kambal niyang inidolo na yata ang Kuya Englesero nila.Pero talaga naman kasing marunong siyang magsalita ng katutubong wika sa Baguio. Dahil sinanay sila ng butihing abuelo at ng mga magulang. Iyon nga lamang ay talagang hindi sila marunong magsalita ng salita ng mga pinsan nila sa Leyte.Samantalang bago pa napigilan ni Ian Jeremiah ang sarili ay nasapak na niya ang kambal. Kaso ang luko-luko ay mas napangisi itong umilag sa pananapak niya sanang muli bago nagsalita."Aba'y wala ka namang girlfriend at mas lalong walang asawa upang sabihin ko sanang naglilihi ka. Susme bakit ba ang init-init ng ulo mo? Siguro may halaman kang hindi nadiligan, ano?" Pang
"No, Daddy! No!" "Huwag kang lumapit sa apoy, Daddy!"Ilan lamang sa nanulas sa labi ng magkakapatid.May edad na ang kanilang ama ngunit sa pagkakataong iyon ay hirap silang pigilan ito. Animo'y sinaniban ng masamang espirito dahil sa lakas."Let me go! Let me go! Your mother is in danger because of that fire!" Pagwawala ni Duncan."Malalagay ka rin sa panganib, Daddy, kung papasok ka sa loob. It's a huge fire!"Dahil na rin sa ingay sa ingay ng mga nagsilapusang tauhan sa kumpanya at mga katabing buildings ay nagmistula silang nagsisigawan. Animo'y nag-aaway silang lahat dahil sa lakas ng boses upang magkaringgan sila.NGUNIT kahit anumang pagwawala ni Duncan at pagpupumulit makawala sa pagkahawak ng mga apat na anak ay wala na siyang nagawa. Dahil habang nagwawala siya ay mas lumiyab ang apoy. Ilang BFP trucks ang umapula sa apoy upang hindi kumalat sa mga katabing building. Ngunit dahil sa malakas ito idagdag pa ang mahanging panahon ay may ilang nadamay. At dahil sa kumpanya nil
"Nasaan ako?" Ang unang nanulas sa labi ni Isadora nang iminulat ang mga mata.Kaso wala siyang nakuhang sagot. Kaya't iginala niya ang paningin. Saka pa lamang niya napagtantong nasa pribadong silid siya sa isang pagamutan. Base na rin sa tatak ng life saving machine na nakakonekta sa kaniya."Paano ako nakarating dito sa pagamutan?" muli niyang bulong.Ngunit dahil abala siya sa pagmamasid ay hindi na niya napansin ang pagbukas ng pintuan. Nagulat pa siya nang nagwika ang unipormadong nurse."Hi, Ma'am. Gising ka na pala. Saglit lang po at e-check ko ang vitals signs mo," anito saka lumapit sa kaniya at sinimulan ang checking.Kaso bago pa ito matapos ay may isang matikas na lalaki ang lumapit sa kanila. Sa hitsura pa lamang nito ay isa itong kagalang-galang na tao. Ngunit sa mundong ginagalawan ay mahirap na rin ang magtiwala base sa panlabas na kaanyuan."Kumusta na ang pakiramdam mo, Ma'am?" tanong nito.Kaso hindi siya agad nakasagot dahil kinikilala niya ito. Kaya't marahil ay
"Ano ngayon ang plano? Ibig kong sabihin ay tungkol sa nangyari. Ilang araw na ang nakalipas simula noong tinupok ng apoy ang kumpanya, ganoon na rin na walang imik si Kuya. Si Daddy na natagpuan ng mga tauhan ng asawa ko sa sementeryo," ani Crystal Angela."Sa ngayon ay wala akong masabi, bunso. Dahil sa nangyaring ito ay hindi ko rin alam kung ano ang uunahin kong harapin. Ang bangkay ni Daddy na kasalukuyang nakaburol o ang tungkol sa kumpanyang kinain ng apoy o ang kapatid nating halatang wala sa sarili," tugon ni Claudette."Kahit sino naman siguro ang nasa kalagayan ni bayaw. Ang inakala nating nasa bakasyon na si Daddy ay sa sementeryo pala ang tinungo. Doon nagtago ng ilang araw. Hindi lamang iyon, ang kumpanyang pag-aari ng pamilya De Luna. Ngunit ang pinakamasaklap ay ang hipag ninyo. Kahit pa sabihing hindi lamang siya ang ang kinain ng apoy," pahayag ni Adolfo.Sa pahayag na iyon ng bayaw ay hindi na nakaimik si Crystal Angela. Subalit ang asawa naman niya ang nagwika."Sa
***Mga anak at apo, Oras na mabasa n'yo ang sulat na ito ay siguradong wala na ako sa mundong ibabaw. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako magsisisi na sinunod ang nasa isipan ko. Ang muli kong makasama ang inyong inang pumanaw ilang dekada na ang nakaraan.Kung may dapat man akong ihingi ng paumanhin sa inyong magkakapatid ay ang paglihim ko sa tunay na lugar o ang pinuntahan ko. Yes, mga anak alam kong nabibilang na ang araw ko sa mundo bago pa ako nagpaalam sa inyong mag-tour around ako kasama ang two most trusted men ko sa mga ahensiyang pinaghirapan kong itatag noong panahong akala ko ay tuluyan nang nawala ang ina ninyo ngunit nasa Vatican pala. Kaso talagang hanggang doon ang buhay niya sa mundong ibabaw. Dahil nang bago pa man niya isilang si bunso ay mayroon na siyang sakit.Mga anak, sina Walter at William, hayaan n'yo silang umuwi sa kanilang lugar. Si Walter sa Ilocos Sur at ipamana ninyo ang 4C Vigan Branch. Dahil alam kong matagal na niyang gustong umu
"A-asawa ko---""Hssshh... Huwag kang maingay, asawa ko. Dahil lahat tayo ay nanganganib sa pagkakataong ito---""Paano nangyaring... Naramdaman kong buhay ka pero---""Saka na natin pag-usapan ang bagay na iyan, asawa ko. Alam kong lagi kayong handa ng mga anak, bayaw at mga tauhan mo. Just in case of emergency. Tama ba ako?""Oo, asawa ko. Naka-mourning clothes ang lahat pero sa mga tauhan natin ay armado sila. Ganoon din ang mga anak natin. Hindi ko lang alam kung ganoon din ang mga pamangkin ko."Kaso ang pagbubulungan nilang mag-asawa ay hindi nakaligtas sa mga bayaw ni Duncan. Kaya naman ay pasimpleng tumitig si Hendrix sa kausap nito at ganoon na lamang panlalaki ng mata nang napagsino ito. Subalit agad ding nanahimik dahil nakuha ang simpleng."Bayaw, mamaya na kayo magtanong. Pasimplehan ninyong sabihan ang mga tauhan natin dahil may panganib. Alam n'yo na ang ibig kong sabihin. In times of turbulence like these, you know what you need to do." Mahina at halos hindi na marinig
Few days later..."Boss! Boss! Ang mga hayop na ito! Wala na yatang katapusan ang panggugulo nila. Boss! Boss!" Hindi magkandatuto at malakas na tawag ng isang guwardiya.Dahil sa lakas ng boses ng guwardiya nila ay agad ding lumabas ang mag-asawang Isadora at Duncan."Maaga pa naman sa pagkakaalam ko. Bakit ba abot hanggang rooftop ang boses mo?" agad na tanong ng huli."Mamaya mo na ako sermunan, Boss. Ang monitor one hundred metres away umiilaw. Sigurado akong disgrasya na naman ang dulot nito kung hindi natin maagapan," tugon nito ay hindi inalintana ang amo.SA narinig ay agad ding kumilos si Duncan kaso nang maalala ang guwardiyang pumasok upang ipaalam sa kaniya ang kasalukuyang sitwasyon ay hinarap niya ito."Sige na, Hijo. Bumalik ka na sa puwesto mo. Ako na ang bahala sa monitor. Pakisabi sa kasamahan mo na maging alerto at ikabit ang earpieces devices," aniya."Masusunod, boss." Tumango muna ito sa kanilang mag-asawa bago tuluyang lumabas.Hinintay nilang nawala ito sa kani
"Ang mga anak nating mukhang kay bunso nagmana. Sala sa init sala sa lamig. Tingnan mo ang ginawa ng taong ito sa mga sumugod. Hindi man lang nagpalit ng damit." Nakailing na baling ni Duncan sa asawa."Well, sabi naman nina bunso at Hendrix, sa iyo raw nagmana ang panganay niya. Hmmm, sino kaya sa inyo ang pinagmanahan nila," saad nito."Kahit sino sa aming dalawa, asawa ko. Iisang dugo ang nanalaytay sa kanilang magpipinsan. Naalala ko pa ang salita ni Grandma noon, tatak na ng pamilya namin ang ganyang ugali. Kaya't don't bother yourself about that," tugon niya."Tama iyan, asawa ko. Since na nadisturbo na sila sa tulog ay sigurado akong papasok na sila sa opisina. Kaya't kahit ka na pupunta roon. Tayo naman ang mag-date---""Saan kayo mag-date, Daddy, Mommy? Ipapahanda ko po ba ang private chopper ni Uncle Piloto? Busy ang driver kaya't airbuses lamang ang available," saad nang bagong dating."Napaka-rude talaga ni twin brother oo. Umakyat ka na nga sa taas---"Subalit kung ng mga