Share

Chapter 19

“Isabella, lumabas ka na. Ikaw rin, baka biglang magbago ang isip ni Mayor, layasan ka!” malakas na sigaw ng kaibigan. “Ako na ang bahala dito. Binigyan mo na ako ng duplicate, ’di ba? Pagkatapos kong kumain sisiguraduhin kong naka-lock na ito.” May panunuksong ngumiti nito.

Inirapan lang niya ang kaibigan saka kinuha ang maliit na paper bag sa cabinet. “Babalik agad ako. Hintayin mo ako dito.”

“Sus! Kahit tagalan mo pa. Hindi ako mag-aalala kasi nasa mabuting kamay ka ni Papa Skye. Go!” Tumayo na ito at itinulak siya palabas. Hindi pa ito nakontento at inihatid siya hanggang sa gate.

Halos hindi niya maihakbang ang mga paa nang masilayan niya ang preskong mukha ng binata. Nakababa ang bintana ng sasakyan nito. Napaka-cool nitong tingnan sa simpleng polo shirt na suot at naka-sunglasses pa. Bagong ahit ito.

Napatingin siya sa mapula nitong mga labi na tila hindi man lang nasasayaran ng sigarilyo. Napakagat siya sa pang-ibabang labi dahil ayaw niyang mapansin nito ang mapanuri niyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status