Share

Chapter 21

Masakit ang ulo ni Isabella kinabukasan. Inaantok pa rin siya kaya hinagilap niya si Blue sa tabi niya. Nakailang ulit na iniunat niya ang mga braso pero wala ito.

“Blue. . .”

Pinilit niyang iminulat ang mga mata, pero napamulagat siya dahil wala siya sa sariling kwarto. Tuluyan na siyang napabalikwas nang mahimasmasan at maalala ang nangyari kagabi.

Nakapangtulog na siya. Wala na ang suot niya nang nagdaang gabi.

Napatayo siya at mabilis na pumunta sa banyo para ma-check ang sarili. Pero parang wala naman nagbago kun’di ang nakapreskong pajama at maluwang na damit na suot.

Nataranta siya. Alam niyang ang binata ang kasama niya sa loob.

Tinanaw niya ang kabilang kama. Maayos na nakatupi ang mga gamit doon. Alam niya rin na nagsuka siya pero wala na ang bakas niyon at preskong air freshener ang naaamoy niya.

“Nakakahiya ka, Isabella! Ano ka ngayon? Iniwan ka na! Mukhang turn off na sa iyo! Imbis na kilalanin mo siya, ikaw ang nagpakitang gilas sa kaniya!” kausap niya ang sarili sa sal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status