Share

Chapter 29

Nagluluto siya ng hapunan nang may mag-door bell sa exit door. Kahit nakapikit, alam na niya kung sino ang naroon.

Pinatay muna niya ang kalan saka naghugas ng kamay. Tinuyo niya iyon sa towel na nakasabit sa gilid ng fridge. Inayos niya ang kaniyang buhok na noon ay ipinusod lang niya nang pabasta saka pinagpag ang damit na alam niyang nadumihan kanina. Nang makitang ayos na ang sarili, nagmamadali siyang binuksan ang exit door.

Sasalubungin na sana niya ito ng yakap pero nabigla siya dahil si Carl ang nabungaran niya roon.

“Ano’ng ginagawa mo sa exit door?” kunot ang noong tanong niya sa kaibigan.

Napahagikhik ito. “Isinabay ako ng boyfriend mo sa sasakyan. Mukhang pagod na pagod kaya ako na ang nag-doorbell para sa kaniya. Paano iwanan ko na siya sa iyo.” Tinudyo pa siya nito na hindi maitago ang kilig na nadarama. “Medyo namumula pa ang pisngi mo, my queen,” bulong pa nito.

Inirapan niya ito. “Sige na. Ako na ang bahala. Baka mainip iyon at mainis sa atin.”

Tumawa lang naman si C
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status