“Isabella!’Nasa lobby siya ng hotel na tinutuluyan sa Netherlands. Doon nila napag-usapan ni Laila na magkita nang maghiwalay sila ng eroplano kaninang umaga. Nagpahinga lang siya at nag-ayos ng sarili bago bumaba.“Laila, asan sila?” Ang tinutukoy niya ay ang mag-ama nito.“Naku, nasa silid pa namin. Nagpapahinga pa sila. Tama lang iyon para girls talk at tayo muna ang gumalang dalawa.” Yumakap ito sa kaniya. “I miss you, Isabella. Ang laki na talaga ng ipinagbago mo. At alam ko noon pa man ay malayo na ang mararating mo. Alam ko rin na magiging kaibigan kita katulad ni Skye. Halika na. May masarap na kainan sa labas, tuloy shopping na rin tayo. Ako na ang bahala sa lahat.” Matamis na ngumiti si Laila.Sumikdo ang dibdib niya ng banggitin nito ang pangalan ng lalaki, pero hindi niya iyon ipinahalata.“Naku, huwag na sa shopping. Ayos na ako sa pagkain. Hindi ko iyon tatanggihan,” aniya.Ngumiti lang ito at hinila siya palabas. Ito na rin ang tumawag ng taxi. Nakarating sila sa isang
Pagkalapag nila ng Manila galing Netherlands, dumeretso siya sa opisina nila bago tuluyang mag-out. Tiningnan muna niya ang susunod niyang schedule. Medyo matagal pa. Tatlong araw pa mula sa araw na iyon ang sunod niyang flight.Madali rin siyang umalis sa opisina nila, dahil nag-volunteer si Laila na ihatid siya sa condo. Sa dami ng pinili nito na mga gamit niya, halos hindi na siya magkandadala. Babalikan na lang niya bukas ang sasakyan niya.Nasa lobby pa lang siya ay sinalubong na siya ng mag-anak, kasunod ang mga personal bodyguard ng mga ito at kinuha ang dala niya.“Salamat po.” Lumapit siya kay Laila. “Salamat din naging masaya ang Netherlands day ko.” Ngumiti siya rito.“Come on! Maliit na bagay lang iyon.” Humawak ito sa braso niya. “Kumain muna tayo bago ka namin ihatid,” yaya nito sa kaniya.Nilingon niya si Nick at ang anak nito. Hinihintay ng mga ito ang pagpayag niya.“Ninang Isabella, don’t decline my mom’s offer. I also wanted to bond with you.” Yumakap si Nickolas sa
Pagkatapos ng mga labada niya, inayos niya ang mga pagkain sa lamesa nang tumunog ang phone niya.Unregistered number iyon. Naalala niya si Laila. Kaya sinagot agad niya.“Hi, Laila! Thank you, sa flower and foods!” masiglang wika niya. Pero ilang minuto na ay wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya. Tiningnan niya ang number ng caller andoon pa rin naman ito. “Hello. . .”Wala pa rinng sumasagot. Narinig na lang niya ang tunog ng end button. Napakunot ang noo niya. Baka nagloloko ang signal. Ibinaba na lang niya iyon hanggang pumasok ang mga mensahe roon.“How’s the food? Eat well.”Napangiti siya sa mensahe ni Laila. Naalala niya kung paano siya kulitin nito habang pahapyaw na pinagkuwento siya kung paano sila nagsimula ni Skye. Halatang kinilig naman ito. Pero sa isip-isip niya, huli na para doon.“It’s fine. Thank you for everything. I’m happy to be with you,” mabilis niyang tugon sa mensahe. “By the way, please check your signal. I think, you can’t hear me.”Pero pagkatapos
Nakamasid si Isabella sa malawak na karagatan habang nasa bintana siya ng maliit na kubo ng Tiya Alice niya. Kagigising lang niya nang oras na iyon at gawain na niya iyon tuwing umaga.Nakatira siya sa isang isla na kung tawagin ay Isla Vermuda. Ganoon ang itinawag dito dahil sabi nila, kahawig daw ito ng Bermuda Triangle na matatagpuan sa western part ng North Atlantic Ocean. Pero kabaligtaran sa mga nangyayari dito, maganda ang isla nila. Mapayapa at masayang namumuhay ang mga tao roon. Para bang sinadya na magkaroon sila roon ng sariling mundo, dahil wala na halos magnais pa na umalis sa lugar iyon— at isa na siya roon. Simula nang mamatay ang tatay at nanay niya ang Tiya Alice na niya ang kumupkop sa kaniya. Kapatid ito ng tatay niya. Mabait ito at isang matandang dalaga. Sampung taong gulang lang siya nang bawian ng buhay ang mga magulang niya dahil sa paglubog ng bangka pagtawid sa isla. Nagdala ang mga ito ng mga aning prutas at gulay sa karatig bayan at pagbalik ay isang masam
Skye Fetalvero, a breathtakingly handsome man, panganay na anak ng mayor sa kanilang bayan. A person with a specified level of skill in business matters, kaya walang lugar sa kaniya ang serious relationship. Kung nagpakita ang isang babae ng motibo sa kaniya, sino ba siya para tumnggi? Palay na ang lumalapit sa kaniya, so, why not?Sa edad na tatlumpu’t lima marami na ring dumaan, na sa tamang salita ay come and go relationship. Pero ni isa wala ay siyang sineryoso. It was all just for fun. Pampalipas oras. Ayaw niya sa babaeng marami ang arte at demanding. Mabilis magbago mood niya kapag nakakaharap ang ganoong style ng babae. Sa ngayon, wala muna siyang panahon sa ganitong bisyo. Busy siyang magpatakbo ng kanilang negosyo. Sila ang may-ari ng isang sikat na hotel at beaches sa kanilang bayan. May mga branches sila sa loob at labas ng bansa. Sa dami ng gagawin, kulang na lang ay tumira siya sa office.Silang tatlong magkakapatid ang nag-m-manage ng mga iyon dahil busy ang ama sa puli
Araw ng Linggo. Nagluluto si Isabella ng pagkain sa maliit na kusina nila ng Tiya Alice niya.“Isabella, pupunta muna ako kay Berta. Mauna ka na kumain, baka matagalan ako doon,” anito habang nag-aayos ng mga dadalhin. Naglista rin ito ng mga isda na tinda nila bukas.“Sige po, tyang,” sagot niya habang nagpiprito ng isda. “Hindi ka po ba magbabaon ng pagkain? Baka po magutom kayo,” dugtong niya.“Naku, huwag na, anak. Siguradong may pagkain din doon,” sagot nitoHinatid niya ito ng tanaw palabas ng bakuran. Pagkatapos kumain ay naglinis siya ng bahay at nagpakain ng alaga nilang baboy. Pagkatapos noon ay umupo siya sa kawayan nilang upuan. Hinahampas-hampas ng hangin ang buhok niya. Nakatitig siya sa dagat. Naisip niya kung kakayanin kaya niyang matawid ang lugar na ito gamit ang bangka, dahil sa takot na mangyari ang nangyari sa magulang niya. Matagal na panahon na rin siyang hindi naliligo sa dagat. Ni ayaw niyang lumapit dito. Naalala niya ang panahong kasama niya ang tatay at nana
Lunes, maagang silang umalis ng bahay ng Tiyang Alice niya para kumuha ng panindang isda. As usual, ingay ng mga tao sa bulungan. Pero iba ang umagang iyon. Lahat ng tao ay nakatingin sa may gilid niya. At parang sinisilihan sa pwet ang mga kababaihan sa kilig. Kahit si Aling Berta ay nagpapa-cute din. Napailing na lang siya sa itsura nito. napangiti sa ikinikilos nito. Iniabot niya rito ang batya para ilagay mga nakalistang isda ng Tiyang Alice niya. Hindi nito siya pinansin bagkos ay ang nasa tabi niya.“Oy, pogi! Dayo ka lang dito? Anong gusto mo sa paninda ko? Pili ka na at ipaluto mo na lang. Maraming magagaling magluto dito!” Sabay abot ng maliit na lagayan dito. Nilingon ang tinutukoy ni Aling Berta. Napakunot abg noo niya at inisip kung saan nakita ang lalaki. Bigla siyang kinabahan at mabilis na tumibok ang puso niya. Nakasuot ito ng maong na pantalon na sadyang nilagyan yata ng hiwa sa mga hita at binti saka nakasando ng puti. Naka-bota rin ito at nakatingin sa gawi ng ma
“Pagpasensiyahan mo na, hijo, itong anak ko. Minsan kasi may pagkamasungit. Hindi siya mahilig mag-asikaso ng iba lalo na hindi niya kilala. Hindi ko nasabi kanina na ikaw ang nagpaluto kasi naman nagmamadali ako ihanda ang mga iyon,” paliwanag nito. Blangko ang tinging ipinukol nito sa kaniya. “Okay lang po. Nagugutom na po talaga ako,” saad nito.“Ay, sige, kain ka na.” Binigyan ito ng plato ng tiyang niya.“Sabayan niyo na po ako. Masiyado pong marami ito para sa akin.” At iniabot nito plato sa tiya niya.“Naku, hijo, mamaya na kami. Ang dami mong ipinaluto ikaw lang pala ang kakain. Akala ko marami kang kasama,” palatak ng tiyang niya. “Nag-iisa lang po ako kaya samahan niyo na akong kumain,” pamimilit nito.“Sigurado ka ba, hijo?” paninigurado ng tiyahin ni Isabel. Tumalikod na siya at ayaw niyang makita ang mapanuring tingin nito.“Isabella, saan ka pupunta? Sabayan na natin siya sa pagkain,” sambit ng tiya niya. Napahinto siya sa paglakad. “Busog pa po ako at—” Pinutol ng la