Napatingin siya sa itim na sasakyan sa labas. Biglang tumunog ang cell pone niya at nakalagay roon ang plate number ng door to door na galing kay Carl. Akma iyon sa sasakyan na natanaw niya mula sa lobby. Isang numero ang nag-appear sa screen ng cell phone niya. Agad niya iyong sinagot.“Magandang umaga po, Ma’am Isabella. Nasa labas na po ako.”Tumango siya at mabilis na kinuha ang dala-dala. Naglakad siya palabas.Sinalubong siya ng isang matipunong lalaki. Tumitig siya rito. Maayos itong manamit at mukhang personal driver or bodyguard ito.Napangiti ito sa titig niya. “Ma’am Isabella, ako na po ang magdadala niyan. Ako nga po pala si Hero.”Ngumiti siya. “Isabella na lang po. Kakilala mo ba si Carl?”“Ah, si Sir Carl po? Opo. Lagi po kaming nagkikita sa hotel.”“Ah, okay po. Halina na po kayo at baka naghihintay na ang ibang pasahero.”“Ma’am Isabella, hindi po door to door ang sasakyan na iyan. Pinasundo ka po ni sir ng personal sa akin. Sakay na po at nang maaga tayong makaratin
Mga ilang minuto siyang na stock sa pagkakatayo pero nakabawi muli siya at inilang hakbang lang niya ang likurang bahagi ng hotel. Tanda pa naman niya ang daan patungo sa bahay nila.“Isabella. . .” Tinig iyon ng pangungulila.Pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin dahil baka may makakita na kinakausap siya nito at makarating kay Yumi. Mas binilisan pa niya ang paghakbang.Nang nasa madilim na siyang bahagi, nakahinga siya nang malalim nang mawala ito sa likuran niya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang marating na niya ang bahay nila. Kinapa niya ang susi sa bulsa pero wala ito.Natapik niya ang noo dahil doon.“T*nga lang! Ngayong bumalik ka, Isabella, para hanapin ang susi.”“You’re talking to yourself, again. Hindi ka pa rin nagbabago. Ito ba ang hinahanap mo?”Mabilis niyang inagaw ang susi pero mas mabilis ito.“Ano ba! Bakit nasa iyo iyan? Ibigay mo sa akin iyan at umalis ka na!”Lumapit ito sa kaniya at hindi natinag sa sinabi niya.“Let me open the door.” “Ako na
Nakamasid si Isabella sa malawak na karagatan habang nasa bintana siya ng maliit na kubo ng Tiya Alice niya. Kagigising lang niya nang oras na iyon at gawain na niya iyon tuwing umaga.Nakatira siya sa isang isla na kung tawagin ay Isla Vermuda. Ganoon ang itinawag dito dahil sabi nila, kahawig daw ito ng Bermuda Triangle na matatagpuan sa western part ng North Atlantic Ocean. Pero kabaligtaran sa mga nangyayari dito, maganda ang isla nila. Mapayapa at masayang namumuhay ang mga tao roon. Para bang sinadya na magkaroon sila roon ng sariling mundo, dahil wala na halos magnais pa na umalis sa lugar iyon— at isa na siya roon. Simula nang mamatay ang tatay at nanay niya ang Tiya Alice na niya ang kumupkop sa kaniya. Kapatid ito ng tatay niya. Mabait ito at isang matandang dalaga. Sampung taong gulang lang siya nang bawian ng buhay ang mga magulang niya dahil sa paglubog ng bangka pagtawid sa isla. Nagdala ang mga ito ng mga aning prutas at gulay sa karatig bayan at pagbalik ay isang masam
Skye Fetalvero, a breathtakingly handsome man, panganay na anak ng mayor sa kanilang bayan. A person with a specified level of skill in business matters, kaya walang lugar sa kaniya ang serious relationship. Kung nagpakita ang isang babae ng motibo sa kaniya, sino ba siya para tumnggi? Palay na ang lumalapit sa kaniya, so, why not?Sa edad na tatlumpu’t lima marami na ring dumaan, na sa tamang salita ay come and go relationship. Pero ni isa wala ay siyang sineryoso. It was all just for fun. Pampalipas oras. Ayaw niya sa babaeng marami ang arte at demanding. Mabilis magbago mood niya kapag nakakaharap ang ganoong style ng babae. Sa ngayon, wala muna siyang panahon sa ganitong bisyo. Busy siyang magpatakbo ng kanilang negosyo. Sila ang may-ari ng isang sikat na hotel at beaches sa kanilang bayan. May mga branches sila sa loob at labas ng bansa. Sa dami ng gagawin, kulang na lang ay tumira siya sa office.Silang tatlong magkakapatid ang nag-m-manage ng mga iyon dahil busy ang ama sa puli
Araw ng Linggo. Nagluluto si Isabella ng pagkain sa maliit na kusina nila ng Tiya Alice niya.“Isabella, pupunta muna ako kay Berta. Mauna ka na kumain, baka matagalan ako doon,” anito habang nag-aayos ng mga dadalhin. Naglista rin ito ng mga isda na tinda nila bukas.“Sige po, tyang,” sagot niya habang nagpiprito ng isda. “Hindi ka po ba magbabaon ng pagkain? Baka po magutom kayo,” dugtong niya.“Naku, huwag na, anak. Siguradong may pagkain din doon,” sagot nitoHinatid niya ito ng tanaw palabas ng bakuran. Pagkatapos kumain ay naglinis siya ng bahay at nagpakain ng alaga nilang baboy. Pagkatapos noon ay umupo siya sa kawayan nilang upuan. Hinahampas-hampas ng hangin ang buhok niya. Nakatitig siya sa dagat. Naisip niya kung kakayanin kaya niyang matawid ang lugar na ito gamit ang bangka, dahil sa takot na mangyari ang nangyari sa magulang niya. Matagal na panahon na rin siyang hindi naliligo sa dagat. Ni ayaw niyang lumapit dito. Naalala niya ang panahong kasama niya ang tatay at nana
Lunes, maagang silang umalis ng bahay ng Tiyang Alice niya para kumuha ng panindang isda. As usual, ingay ng mga tao sa bulungan. Pero iba ang umagang iyon. Lahat ng tao ay nakatingin sa may gilid niya. At parang sinisilihan sa pwet ang mga kababaihan sa kilig. Kahit si Aling Berta ay nagpapa-cute din. Napailing na lang siya sa itsura nito. napangiti sa ikinikilos nito. Iniabot niya rito ang batya para ilagay mga nakalistang isda ng Tiyang Alice niya. Hindi nito siya pinansin bagkos ay ang nasa tabi niya.“Oy, pogi! Dayo ka lang dito? Anong gusto mo sa paninda ko? Pili ka na at ipaluto mo na lang. Maraming magagaling magluto dito!” Sabay abot ng maliit na lagayan dito. Nilingon ang tinutukoy ni Aling Berta. Napakunot abg noo niya at inisip kung saan nakita ang lalaki. Bigla siyang kinabahan at mabilis na tumibok ang puso niya. Nakasuot ito ng maong na pantalon na sadyang nilagyan yata ng hiwa sa mga hita at binti saka nakasando ng puti. Naka-bota rin ito at nakatingin sa gawi ng ma
“Pagpasensiyahan mo na, hijo, itong anak ko. Minsan kasi may pagkamasungit. Hindi siya mahilig mag-asikaso ng iba lalo na hindi niya kilala. Hindi ko nasabi kanina na ikaw ang nagpaluto kasi naman nagmamadali ako ihanda ang mga iyon,” paliwanag nito. Blangko ang tinging ipinukol nito sa kaniya. “Okay lang po. Nagugutom na po talaga ako,” saad nito.“Ay, sige, kain ka na.” Binigyan ito ng plato ng tiyang niya.“Sabayan niyo na po ako. Masiyado pong marami ito para sa akin.” At iniabot nito plato sa tiya niya.“Naku, hijo, mamaya na kami. Ang dami mong ipinaluto ikaw lang pala ang kakain. Akala ko marami kang kasama,” palatak ng tiyang niya. “Nag-iisa lang po ako kaya samahan niyo na akong kumain,” pamimilit nito.“Sigurado ka ba, hijo?” paninigurado ng tiyahin ni Isabel. Tumalikod na siya at ayaw niyang makita ang mapanuring tingin nito.“Isabella, saan ka pupunta? Sabayan na natin siya sa pagkain,” sambit ng tiya niya. Napahinto siya sa paglakad. “Busog pa po ako at—” Pinutol ng la
Dumating ang yate na sinasakyan ng kasalukuyang mayor nila. Nagkagulo ang mga tao at kababaihan. Bulong-bulungan na gwapo raw ang anak nito.Ipinagpatuloy lang ni Isabella ang pag-aayos ng mga lamesa at pagkain. Natanaw niya si Carl na tapos ng mag-decorate sa stage at inaayos na ang mga upuan. Tinawag siya nito.“Isabel, nakita mo na ba ang anak ni Mayor Fetalvero?”Umiling siya. “Hindi pero hayaan mo na siya sa mga babae dito. Mukhang masaya sila.” Itinuro niya ang mga nag-uumpukang mga kakabaihan sa dulo. Hinila siya nito. “Halika ka! Huwag kang KJ!” sigaw nito kasi malakas masyado ang tugtog mula sa sound system. Halos madapa siya sa paghila nito. Nakasuot pa naman siya two-inch sandals at yellow dress na hating hita at may curve ito sa may dibdib. Natandaan niya noong huling suot niya ang ganoong kasuotan noong may kasayahan sa kabilang baryo. Muntik na sila mapaaway ni Carl nang panahon na iyon dahil sa lalaking pilit siyang isinasayaw pero ayaw niya. Kaya naman on the rescue a