Share

Chapter 81

Mga ilang minuto siyang na stock sa pagkakatayo pero nakabawi muli siya at inilang hakbang lang niya ang likurang bahagi ng hotel. Tanda pa naman niya ang daan patungo sa bahay nila.

“Isabella. . .” Tinig iyon ng pangungulila.

Pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin dahil baka may makakita na kinakausap siya nito at makarating kay Yumi. Mas binilisan pa niya ang paghakbang.

Nang nasa madilim na siyang bahagi, nakahinga siya nang malalim nang mawala ito sa likuran niya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang marating na niya ang bahay nila.

Kinapa niya ang susi sa bulsa pero wala ito.

Natapik niya ang noo dahil doon.

“T*nga lang! Ngayong bumalik ka, Isabella, para hanapin ang susi.”

“You’re talking to yourself, again. Hindi ka pa rin nagbabago. Ito ba ang hinahanap mo?”

Mabilis niyang inagaw ang susi pero mas mabilis ito.

“Ano ba! Bakit nasa iyo iyan? Ibigay mo sa akin iyan at umalis ka na!”

Lumapit ito sa kaniya at hindi natinag sa sinabi niya.

“Let me open the door.”

“Ako na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status