Share

Chapter 30

Pagpasok nila ni Carl sa school kinabukasan, nagkakagulo sa classroom nila.

“Guys! May magaganap daw na student council meeting with our school director,” anang isa niyang kaeswela sa first subject.

“Sila na lang siguro. Wala naman tayong katungkulan doon,” sabad ng isa pa.

“Guys! Buong campus ito at sa auditorium gaganapin. Halina kayo para hindi tayo maubusan ng upuan.”

“Bakit naman biglaan? Ni wala silang anunsiyo kahapon?” tanong ni Carl.

“No more questions! Halina na kayo,” anang kaklase nila.

Sumunod na lang sila ni Carl dito. Pumwesto sila sa bandang gitna dahil naubos na ang upuan sa likod at doon lang ang bakante, pati sa unahan.

“Ano kaya ang importanteng pag-meeting-an natin?”

Nilingon niya si Carl. “Hindi ba at malapit na matapos ang school year? Baka regarding doon bago tayo magbakasyon,” sagot niya.

“Siguro nga.”

Halos ilang minuto lang at puno na ang auditorium. Napansin niyang wala roon sina Lewin at Juliet, maging ang mga kaibigan nito.

Late na naman ang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status