Share

Chapter 26

Natapos ang huling klase nila ni Carl pasado alas-sais na ng hapon. Naalala niya ang binata na mag-iintay sa labas pero kanina pang alas-tres iyon, kaya hindi na siya umasa na naroroon pa ito.

Kasama ang bodyguard nito na mag-iintay? Imposible iyon.

Napailing siya. Masyado naman yata siyang ambisyosa.

“Hi, Isabella! P’wede bang ihatid kita kahit sa gate ng dorm ninyo?”

Napalingon sila ni Carl nang marinig ang boses ni Lewin.

“Hindi na. Andito naman si Carl. Baka hanapin ka nina Juliet,” sagot niya rito.

“Ayos lang iyon. Pasensya ka na, tinutukso kasi nila ako kay Juliet,” umiiling na sagot nito. “Hindi ko naman siya girlfriend para pigilan niya ako.”

“Pero ayos lang ako. Baka may iba ka pang gagawin.”

“Wala naman kung hindi mo masamain. P’wede ba kitang ma-invite kumain? Kasama ang kaibigan mo, kung gusto mo.”

Sa sobrang kulit nito parang hindi na siya makatatanggi pa. Pero bago pa siya makasagot, biglang may malakas na ilaw na bumukas galing sa isang itim na sasakyan.

Napatingin siy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status