“Mahal na prinsesa, gising na!” Ilang beses na niyugyog ni Jessica ang kaniyang balikat subalit ayaw pa niyang imulat ang mga mata. Hinila niya pataas ang kumot upang takpan ang kaniyang mukha. “Gusto mo bang si Tisoy ang gumising sa ‘yo?”
Bumalikwas siya ng bangon nang banggitin nito si Erhart. Tinulugan siya nito nang nagdaang gabi at pagkatapos noon ay mag-isa siyang nanood. Pagkatapos…
“Huwag kang tumulala riyan!”“Paano ako nakarating dito?” takang tanong niya. Mahimbing ang tulog ng binata habang nakasandal ito sa kaniyang balikat. Nahiya siyang gisingin ito kaya pinabayaan niya na lang itong matulog at pagktapos noon… Nakatulog din ba siya?Nagkibit-balikat ito sabay ngiti. “Ready na ang breakfast. Bumaba ka na.” Tinalikuran siya nito at pakendeng-kendeng na naglakad.Niligpit niya ang pinaghigaan habang pilit na ina-analyse kung paano siyang nakarating sa kama. Hindi kaya… “Hindi ka niya binuhat! Huwag kang assuming!” kausap niya sa sarili.Nang matapos siyang magligpit ay pinusod niya ang buhok na walang suklay. Kinapa niya ang sulok ng mga mata upang matiyak na walang mutang nagkalat sa kaniyang mukha. Sa ganoong tagpo siya naabutan ni Erhart.“Good morning!” masiglang bati nito.Namilog ang kaniyang mga mata. “Bakit ka nandito?” Pag-akyat sa taas ng bahay ay ‘yon na mismo ang kanilang kuwarto. Open ‘yon kaya walang pinto at makikita agad ang kama at ibang mga gamit nila. “Umalis ka nga!”“Bumaba na tayo.” Humakbang ito palapit sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila siya pababa ng hagdanan.
“Sino ka ba sa akala mo?” bulyaw niya. Napakaaga nitong mambulabog. “Hindi por que pumayag ako na pumasok ka sa bahay namin ay basta-basta ka na lang papanhik sa taas.”“Ang ingay mo.”Aba, ito pa talaga ang may ganang magreklamo? Piniga niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Maingay pala, ha? Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. Pinagtaaasan niya nito ng kilay pero nginitian lang siya nito.“Don’t worry, hindi mo na kailangang higpitan ang hawak sa akin dahil hindi naman ako mawawala sa ‘yo.”Umawang ang kaniyang bibig dahil sa winika nito subalit walang namutawing salita mula roon.“Itikom mo ‘yang bibig mo. Umaalingasaw ang hindi kaaya-ayang amoy at may panis na laway pa sa sulok ng labi mo.”What the hell? Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Ang plano niyang inisin ito ay nag-backfire sa kaniya. Asar na asar na siya! Lalo niyang diniinan ang pagpiga sa kamay nito at sinipa niya ang alak-alakan ng binata. Nabigla ito sa kaniyang ginawa kaya pinakawalan nito ang kaniyang kamay. Muntik pa itong matumba pero gad din itong nakabalanse. Dali-dali siyang naglakad palayo rito at tinungo ang lababo upang magmumog.Nilagpasan niya si Jessica at Harry na nakapuwesto na sa hapag-kainan. Sumunod naman si Erhart at umupo. “Sorry, binibiro lang naman kita,” anito pero hindi niya pinansin.“Ang sweet-sweet n’yo kagabi ‘tapos ngayon nagbabangayan na kayo,” komento ni Jessica.Padabog niyang hinila ang upuan at pabagsak na umupo. Wala siyang alam sa tinutukoy nito kaya lalo siyang nainis. “Hindi ako na-inform na may salo-salo pala rito.” Naiimbyerna talaga siya. Napapadalas na yata ang pagkain nila nang sabay-sabay. Hindi siya natutuwa sa bagay na ‘yon dahil ayaw niyang mapalapit sa mga ito.“Tinulungan ako ni Tisoy na mag-prepare ng breakfast kaya kumain ka na lang at huwag nang magreklamo.”Ano pa nga ba ang magagawa niya? Grasya ‘yon na hindi puwedeng tanggihan kaya kumain na lang siya. Sa awa ng Diyos ay tahimik naman ang lahat pero napansin niyang panay ang sulyap sa kaniya ni Jessica at pangiti-ngiti pa ito, gayon din si Erhart. Si Harry naman ay nakatutok lang ang atensyon sa pagkain.Hindi na siya nakatiis. Tinanong niya ang kaibigan pagkatapos nilang kumain. “Bakit hindi mapuknat-puknat ‘yang ngiti sa labi mo?”“Hindi ko alam na clingy ka pala,” nanunudyo ang tinig nito.Clingy? Siya? Paano? “What do you mean?”“Jess, mayroon ka bang alam na mabibilhan ng mumurahing kitchenware at furniture?” sabat ni Erhart. “Nahihiya na kasi ako kay Aling Nena dahil pansamantala niya kaming pinahiram ng gamit sa kusina. Gusto ko sanang bumili ng sariling gamit.”
“Si Sarah ang expert sa ganyang bagay,” tugon nito sa binata at binalewala ang tanong niya. “Samahan mo si Tisoy sa binibilhan natin ng gamit.”“Bakit ako? Ituro mo na lang kung saan ‘yon. Malaki na ‘yan, may bibig, at marunong magtanong kaya hindi na ‘yan maliligaw.”
“Hindi siya sanay sa lugar na ‘to,” singit ni Harry. “Kailangan niya ng kasama.”“Samahan mo siya.”“May importante akong pupuntahan,” wika nito at nagpaalam na.“Jess, ikaw na lang ang sumama sa kaniya.”“Gustuhin ko man pero may pasok na ako mamayang gabi. Kailangan kong magpahinga.”“Ganoon ba?” Tinakasan ng sigla ang mukha ng binata. “Next week na lang siguro ako bibili.”“Ngayon ka na bumili.” Nagkatinginan ang dalawa bago nagtatakang tumingin sa kaniya. “Nakakahiya kay Aling Nena na nanghihiram kayo ng gamit sa kaniya samantalang sumusuweldo naman kayo,” paliwanag niya.“Sasamahan mo ako?” Nagliwanag ang mukha nito.“Oo.” May sasabihin sana ito pero mabilis niyang tinakpan ang bibig nito gamit ang kaniyang kamay. “Huwag ka nang magsalita dahil baka magbago pa ang isip ko.” Tumango ito kaya tinaggal niya ang kamay sa bibig nito. “Maliligo lang ako.”“Okay.”Binilisan niya ang pagligo dahil baka mainip ang binata. Ngunit sa kasamaang palad, tapos na siyang mag-ayos pero wala pa ito. “Nasaan na ‘yon?” tanong niya sa kaibigan. Nakaupo ito sa sofa.
“Nagpapapogi pa siguro,” kinikilig nitong saad. Inirapan niya ito.Sampung minuto ang lumipas nang dumungaw ito sa pintuan. Nakasuot ito ng itim na v-neck fitted shirt, itim na shorts, at itim na espadrille. Lutang na lutang ang kaputian nito sa itim na kasuotan. Mistula itong bampira na bumangon mula sa hukay subalit hindi ito nangangamoy bangkay. Nanuot sa kaniyang ilong ang minty nitong amoy na kay sarap singhot-singhutin.“Let’s go.”He grinned at her that made her heart flutter. “Bakit ngayon ka lang?” singhal niya rito. “Ayoko pa namang pinaghihintay ako.” Padabog siyang naglakad palabas ng bahay. Hindi niya nagustuhan ang kaniyang naging reaksyon nang masilayan ito. Hindi siya puwedeng magkagusto sa binata.
DINALA ni Sarah si Erhart sa isang second hand shop. Pawang imported ang produkto na ibenebenta roon sa mababang presyo at kapag natiyempuhan ay may brand new ring kagamitan. Nakabili sila ng 4-pc plate set, 8-pc spoon and fork set, pitcher and 4-pc glass set, cooking pot, at grill pan sa halagang One Thousand Five Hundred Pesos. Kung sa department store sila bumili ay baka kulang pa ang Three Thousand Pesos para sa mga ‘yon. Suwerte sila dahil may bagong dating na stocks kaya may napili silang naka-set.
“Totoo ba ‘to?” manghang tanong ng binata. “One Thousand Five Hundred Pesos lang ba talaga ang binayaran natin?”“Oo nga, ang kulit mo naman!” Pinatabi niya muna sa kahera ang kanilang pinamili dahil mamimili pa sila ng upuan. “Anong klaseng upuan ba ang gusto?” pag-iiba niya sa usapan. Naiilang siya rito. Nahuhuli niya kasi itong nakatitig sa kaniya at kapag nagtatama ang kanilang paningin ay nginingitian siya nito.“Ikaw na ang bahalang pumili. May tiwala ako sa desisyon mo.”“Bahala ka.” Gusto na niyang umuwi kaya ang unang nakaagaw ng kaniyang pansin ang pinili niya. “Iyon na lang.” Tinuro niya ang Cleopatra chair. Makinis pa ‘yon, makintab ang varnish, at gawa sa matibay na kahoy. “Dalawa lang naman kayo at maliit lang ang bahay. 2-in-1 na ‘yan, puwedeng higaan at upuan.”“Okay.”At talagang ipinaubaya na nito sa kaniya ang pagpili. Kinawayan niya ang may-ari ng tindahan. Magkakilala na sila dahil suki siya roon at marami na siyang dinalang customer doon.“Kuya Berto, magkano ‘to?” tanong niya paglapit nito.“Seven Hundred Pesos na lang ‘yan para sa ’yo, TM ganda.”“Five Hundred pesos na lang,” tawad niya.“Okay na ‘yong Seven Hundred Pesos. Babayaran ko na.” Hinugot nito ang pitaka mula sa bulsa pero pinigilan niya ito.“Pabayaan mo na ako. Diskarte ko ‘to.”“Pero—”Sinamaan niya ito ng tingin kaya nanahimik ito. Binalik niya ang atensyon sa ginoo. “Kuya, Five Hundred Pesos na lang.”
“TM ganda, may tawad na ‘yong Seven Hundred Pesos. Malulugi na ako kapag ibinigay ko sa ‘yo ‘yan sa halagang Limang-daang Piso.”“Ah…” Pinalungkot niya ang itsura. “Marami pa naman kaming binili rito. Hindi na lang siguro namin kukunin ‘yan,” tukoy niya sa upuan. “Wala na kaming pambayad ng taxi. Mahirap naman kung magje-jeep kami, baka hindi kami pasakayin dahil sa dami ng dala namin,” matamlay niyang turan.Binulungan siya ni Erhart, “Mayroon pa akong pambayad ng taxi. Kunin na natin ‘yan.”Nilingon niya ito. “Tumahimik ka nga riyan!”“May boyfriend ka na pala,” nangingiting wika ng matanda.“Ho?”“Opo,” tugon ng binata. Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Pasensya na po dahil napakakuripot ng nobya ko.”Kinurot niya ito sa tagiliran. “Anong sinasabi mo?” Hindi siya nito pinansin.“Naalala ko tuloy ang kabataan ko,” natatawang pahayag nito. “Ganyan na ganyan din kami noon ng misis ko. At malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil sa kakuriputan niya, nakapagpundar kami ng negosyo.”“Pero hindi ko naman—”“Kunin mo na ‘tong Cleopatra sa halagang Seven Hundred Pesos. Ihahatid ko na kayo nang libre para hindi na kayo mamasahe.”“Talaga po?” Iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari. Alam niyang sobrang baba na ng presyo ng upuan, gusto niya lang talaga makalibre ng sakay.“Oo. Malakas ka sa akin, eh. O siya, ilalagay ko na ‘to sa sasakyan. Sumunod na lang kayo sa akin sa labas.”“Opo.” Abot-tainga ang ngiti niya. “Salamat po.” Hinila niya si Erhart papunta sa counter upang magbayad. “Bhe, kukunin ko na ‘yong pinamili namin,” aniya sa anak ni Berto pagkatapos magbayad ng binata.“Sure.” Binigay nito kay Erhart ang mga gamit at sabay sabing, “Ate, ang guwapo naman ng boyfriend mo. Mayroon ba siyang kapatid na lalaki?”“Malay ko,” tugon niya at kinaladkad na ang binata palabas ng tindahan.Wala siyang pakialam kung may kapatid ito o wala. Ang mahalaga’y makaalis agad sila sa lugar na ‘yon dahil naiimbyerna siya sa hindi malamang dahilan.Clueless pa rin si Sarah sa kakaibang ngiti ni Jessica sa tuwing mapapatingin ito sa kaniya. Malapit na siyang mabaliw sa kaiisip kung anong alam nito na hindi niya alam. Tiyak na may kinalaman ‘yon sa kaniya dahil nag-iiba ito ng topic kapag inuungkat niya ang tungkol doon.“TM?” untag ni Tere. “Kanina ka pa tinatanong ni Ate kung anong order mo.”Kasalukuyan silang nasa pantry para mag-lunch. Hindi nakapagluto si Jessica kaya wala siyang baon. “Ay, sorry.” Tiningnan niya ang ulam pero wala siyang nagustuhan. “Mommy, mauna ka nang um-order. Mag-iikot-ikot muna ako. Hahanapin ko na lang ang table n’yo.”“Sige.”Malawak ang pantry sa 6th floor at maraming food stalls, mistula ‘yong food court sa isang malaking mall. Halos nalibot na niya ang buong pantry pero wala siyang nagustuhang pagkain.“Nahihilo na ako sa kabubuntot sa ‘yo,&r
True to his words, Erhart stopped pestering her. Magkasabay pa rin silang pumasok at umuwi sa trabaho, pinapansin pa rin nito ang mga kasamahan niya pero kapag silang dalawa na lang ang magkasama ay wala itong kibo. Nalipat na ang locker nito sa 19th floor kaya nabawasan ang pagpunta nito sa 18th floor. Pabor ‘yon sa kaniya pero may parte sa pagkatao niyang tutol do’n. Hindi niya maunawaan kung bakit. “Sarah, friendly pala ‘yong boyfriend mo?” Pinihit niya pasara ang faucet at saka itinapat sa hand dryer ang basang kamay. Nagkunwari siyang hindi ito narinig. Hindi naman sila close ng current fling ni Viggo kaya wala siyang panahong makipag-plastikan dito. “Balita ko, maraming nagkakagusto sa kaniya,” patuloy nito sa kabila ng pande-deadma niya. “Maliban doon, nakita ko rin na iba-iba ang babaeng kasama niya.” Hindi niya inaasahan na mino-monitor pala nito ang bawat galaw ng hilaw niyang boyfriend. “Stop beating around the bu
Ngali-ngali nang ihagis ni Jessica ang phone pagkatapos niyang makausap ang mga mgaulang. Insulto lang ang natanggap niya sa mga ito imbes na kumustahin siya. Tutol ang mga ito sa propesyong kaniyang tinahak pero wala siyang balak na basta na lang sumuko at sundin ang nais ng mga magulang niya. Hindi siya papayag.Ang pagkainis na nadarama ay ibinuhos na lang niya sa paglilinis ng bahay at dinamay niya pati ang bakuran. Katatapos niya lang magwalis sa labas kaya bumalik na siya sa loob nang matanaw niya si Harry. Bihis na bihis ito. Itatanong niya sana kung saan ito pupunta pero natilihan siya. Baka isipin pa nito na mino-monitor niya ang bawat kilos nito.Napakislot siya nang mag-ring ang cell phone sa kaniyang bulsa. Hindi niya ‘yon sinagot pero makulit ang caller kaya tiningnan niya ang kung sino ‘yon. Kasamahan niya pala sa trabaho ang tumatawag. “Hello, Lily.”“Jess, s
Sarah did everything just to avoid Erhart. Maaga siyang pumapasok sa trabaho at nagpapa-late ng uwi. Umuwi siya sa Rizal nang sumapit ang kaniyang rest day at pagbalik niya ay hindi siya lumalabas ng bahay. Nagkukunwari siyang abala o tulog kapag naisipan nila Erhart na mag-breakfast o mag-dinner nang sabay-sabay.Mabuti na lang at hindi nag-usisa si Jessica. Busy ito sa bagong dine-date kaya wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya iiwasan ang binata.Gaya ngayon, rest day niya ulit at mag-isa lang siya sa bahay dahil gumala si Jessica. Gusto niyang magpahangin sa labas pero hindi niya magawa dahil nakatambay sa labas si Erhart. Paano niya nalaman? Simple lang. Bahagya niyang hinawi ang kurtina at sumilip sa bintana. Bakit kasi napakaliit ng mundo para sa kanilang dalawa?Humilata siya sa sofa at pinagkasya ang sarili doon. Bagot na bagot na s
He wanted to kiss her badly. No woman made him feel that way. Baka nahalikan na niya ito kung nagtagal pa siya roon. Marami itong napukaw na emosyon sa kaloob-looban niya na hindi niya kayang pangalanan ang iba.Nahihirapan siyang kontrolin ang sarili kapag nasa paligid ito kaya naman sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa tuwing kasama ito. May kung anong puwersa ang nanggagaling sa dalaga na tila nae-engganyo siyang mapalapit dito.Malinaw na ngayon kung anong nais niya—ayaw niyang mapunta ito sa iba lalo na sa Viggo na ‘yon. Hindi kasama sa plano niya ang umibig pero hindi niya inaasahang darating si Sarah sa buhay niya.“Mukhang malalim ang iniisip mo,” pukaw ni Harry sa kaniya pagpasok nito sa bahay. “Kumusta kayo ni Sarah?”“Kumusta kayo ni Jessica?” balik-tanong niya. Wala siyang inililihim dito pero nagawa nitong maglihim sa kaniya. Although, napapansin niyang m
Pasado alas-kuwatro na ng umaga. Pauwi na si Jessica samantalang lunch break pa lang niya. Na-adjust ang pasok ng babae dahil may nakipagpalit ng schedule dito kaya napaaga ng isang oras ang pasok nito. “Gusto ko nang umuwi,” naghihikab niyang wika.Umangkla sa kaniyang braso si Jessica. “Sasamahan kitang kumain. Nami-miss ko na ‘yong pandesal na binebenta sa pantry.”“Sige.”“Can I join? Gusto kong magkape bago umuwi,” singit ni Viggo.“Sure,” Jessica responded.She nodded and gave a half smile. Nasa hallway sila at kasalukuyang nag-aabang ng elevator. Nanatiling nakakapit sa kaniyang braso si Jessica hanggang sa maksakay sila sa elevator. Humiwalay lang ito sa kaniya pagdating nila sa 6th floor. Tinatamad siyang maghagilap kung anong masarap na kainin kaya pandesal din ang binili niya.“Coffee?” alok ni Viggo nang mapansing hin
Napatayo si Sarah at nilapitan si Erhart. “Anong ginagawa mo?”“I want to clean the mess that I made,” he said in a firm tone, his eyes not leaving hers. “Gusto kong malaman nila ang totoo para sa kapayapaan ng loob mo. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila.”Marahan nitong pinisil ang kaniyang kamay. Nangungusap ang mga mata nito na pagkatiwalaan niya. Wala sa loob na tumango siya. Gusto na rin naman niyang matapos na ang issue tungkol sa kanila.Hinarap nito ang mga kasamahan niya. “Hindi kami nag-break ni Sarah dahil wala naman kaming relasyon,” pag-amin nito na ikinabigla ng lahat, maliban kay Jessica. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila.Unang nakabawi si Cynthia sa pagkagulat. “So, niloko n’yo lang pala kami.”“It was my fault. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang isang araw na pagkukunwari kong boyfriend ako ni Sarah. I&rsqu
Pinilig ni Sarah ang ulo sa glass wall ng pantry. Tanaw na tanaw niya mula sa puwesto ang nagkikislapang ilaw mula sa mga matatayog na gusali at maging sa kahabaan ng kalsada ng EDSA. Ber-months na kaya napakakulay ng paligid.“Ang aga mo namang pumasok.”Binaling niya ang tingin sa bagong dating. Umupo ito sa kabilang side ng table at inilapag nito ang cup ng kape sa mesa, sa tapat niya. “Dahil baka sunduin mo ako.” T-in-ext niya ito na nasa pantry siya dahil baka pumunta pa ito sa kanila.Lagpas kalahating taon na rin silang magkakakilala pero hindi pa rin ito sumusuko sa kaniya. Pinanindigan nito ang panliligaw kahit hindi siya pumayag. Basta ginagawa na lang nito kung anong dapat na gawin ng isang manliligaw. In all fairness, impressive ito.Nanatili ang kaniyang schedule na 12:00 hanggang 9:00 am samantalang naging 8:00 pm hanggang 5:00 am naman ang pasok nito. Minsan, ito na ang nagluluto ng al