CELINE "Puwede ba tayong mag-usap, David..." sabi ko sa kanya sumunod na araw. Pinuntahan ko siya doon sa kuwarto na tinutulugan niya.Kaagad naman siyang tumango sa akin at nagsalita, "Oo, Celine. Puwede naman. Ano ba ang kailangan natin pag-usapan, huh?"Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya."Tungkol 'to sa pinangako ko sa 'yo na bibigyan kita ng trabaho, David," sabi ko sa kanya.His eyes got bigger when I said that it's about my promise that I would give her a job."Bibigyan mo ba ako ng trabaho, Celine?" tanong niya sa akin na tinanguan ko naman siya kaagad."Oo, David. Bibigyan na kita ng trabaho. 'Di ba sabi mo ay kahit ano ay gagawin mo?" sabi ko sa kanya."Oo. Gagawin ko kahit ano, Celine. Gagawin ko 'yon," sabi niya sa akin at muli ko siyang tinanguan pagkasabi niya sa akin. "Ano ba ang ibibigay mo sa akin na trabaho, huh?""Wala na kasi kaming driver. Umalis na kaya naisipan ko na gawin ka na lang namin na driver tutal marunong ka nama
DAVID Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko na nandito sa farm ni Celine. Maraming makikita dito sa loob ng farm niya. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon siya ng ganitong kalawak na farm. Akala ko talaga dati ay lulustayin niya lang ang bigay ni daddy na pera sa kanya ngunit hindi 'yon ang ginawa niya. Imbis na lustayin niya 'yon ay ginamit niya 'yon sa tama at nararapat na hindi masasayang ang lahat ng 'yon. Natutuwa ako kahit papaano sa lahat ng naipundar niya at meron siya ngayon dahil sa tulong na binigay ni daddy sa kanya three years ago. I'm so proud of her. Nagkamali ako sa mga sinabi ko sa kanya dati. I judged her ruthlessly. Siguro kung nabubuhay pa si daddy ay matutuwa siya nito kay Celine. He'll be proud of her kagaya ng nararamdaman ko na pagka-proud sa kanya sa nagawa niyang 'to na kung ibang babae ay hindi na gagawin lalo na ang magkaroon ng isang malawak na farm kagaya niya. Hindi niya sinayang ang lahat ng binigay sa kanya ni daddy. Sigurado ako na mas nadagdagan
DAVIDHindi ako mapakali at makatulog kinagabihan. Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang tungkol sa batang lalaki na nakita ko na yakap-yakap ni Celine kanina. Dahil sa hindi ako mapakali at makatulog kinagabihan ay nagpasya akong lumabas sa kuwarto na tinutulugan ko para magpahangin sa labas kung bukas pa ang bahay ni Celine. Kung hindi ay doon na lang ako sa sala magmumuni-muni.Pagkababa ko sa hagdan ay sakto dumaan si Mia na isa sa mga kasambahay nila. Naisipan ko na tanungin ito tungkol sa batang lalaki na nakita ko kanina na yakap-yakap ni Celine."Mia, saglit lang..." tawag ko sa pangalan niya at mabilis naman na lumingon siya sa akin pagkasabi ko."Bakit po?" tanong niya sa akin.Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago magtanong sa kanya ng itatanong ko na tanong."May gusto lang sana akong tanungin sa 'yo..." mahinang sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya."Ano po ang itatanong mo sa akin?" tanong nga niya sa akin."Sino ba 'yung batang lalaki na kasam
CELINE"Aalis tayo ngayon..." sabi ko sa kanya."Saan tayo pupunta?" tanong naman nga niya sa akin. Naisipan ko na ipamili siya ng mga damit at ibang mga gamit na kailangan niya. Naawa ako sa kanya. Kahit pala mga damit niya ay naibenta na niya. Naniniwala naman ako sa sinasabi niyang 'yon sa akin.Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Pupunta tayo sa mall...""Pupunta tayo sa mall? Sino'ng kasama natin, huh? Kasama ba natin ang Tita Flora mo?" tanong niya sa akin."Hindi, David. Hindi natin siya kasama, okay? Tayong dalawa lang ang magkasama na pupunta sa mall," sabi ko sa kanya.Tumango-tango naman siya pagkasabi ko."Ah, okay. May bibilhin ka ba sa mall?" tanong pa niya sa akin."Wala, David. Wala naman akong bibilhin sa mall," sabi ko sa kanya at tinapunan tuloy ako niya ng nagtatakang tingin."Ganoon ba, Celine? Kung wala ka naman palang bibilhin sa mall, bakit tayo pupunta doon, huh?" nagtatakang tanong niya sa akin. I took a deep breath first before I speak to
CELINEIbinalik ko muli ang cell phone ko sa loob ng bag ko pagkatapos namin mag-usap ni Derek sa kabilang linya. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga matapos 'yon at muling itinuon ko ang aking mga mata sa harapan ng sasakyan. Malapit na rin kami makarating sa mall na pupuntahan namin."Sino ba ang kausap mo?" mahinang tanong niya sa akin na sa unahan ang tingin. Dahan-dahan naman akong napalingon sa kanya at nagsalita, "Wala. 'Yung manliligaw ko lang 'yon, David. Tumatawag sa akin ngayon. Gusto kasi niyang lumabas kami ngunit sinabihan ko siya na hindi ako puwede ngayong araw na 'to dahil may lakad ako kay sa susunod na araw na lang."Kumunot ang noo niya sa sinabi ko sa kanya na manliligaw ko 'yon. "Talaga ba? Nanliligaw 'yon sa 'yo na kausap mo few minutes ago?" tanong niya sa akin na mabilis ko naman na tinanguan."Oo, David. Manliligaw ko 'yon," sabi ko pa sa kanya."May manliligaw ka pala..." nakangusong sagot niya sa akin.Tumango muli ako sa kanya at nagsalita, "Oo. Ma
CELINEPinag-shopping ko nga si David ng mga bagong damit at mga gamit na kailangan niya sa pang-araw-araw na wala siya. Marami akong pinamili sa kanya at hindi naman ako nanghinayang kung ilang halaga o presyo ang bayaran ko. Kung iisipin ay mas marami pa rin ang naibigay ng daddy niya sa akin, simula sa mga damit, gamit at malaking halaga ng pera.Napagkamalan pa ngang boyfriend ko si David ng mga sales ladies sa mall na panay ang tingin sa kanya.Guwapo at hot kasi siya kaya sa kanya nakatingin ang mga mata ng mga babae. Hindi ko naman puwedeng takpan siya para hindi nila makita. Kahit magsawa sila kakatingin kay David ay hindi naman nila makukuha ito o matikman. Kahit saan kami pumuntang dalawa ni David dito sa loob ng mall ay pinagtitinginan pa rin siya ng mga kababaehan. Napapansin naman niya 'yon ngunit hinayaan lang niya ang mga ito. Sanay naman na siguro siya sa ganyan. Kahit sa Maynila ay ganoon rin naman kaya sanay na talaga siya.Malapit na mag-ala una ng hapon kami nakaka
DAVIDSumunod na araw ay nakita ko muli siya na kasama ang batang lalaki sa labas ng bahay nila. Nakikipaglaro siya dito. Pinagmamasdan ko ang batang lalaki na 'yon. May pagkakahawig talaga siya sa akin noong bata pa ako. There's something I could feel every time na makikita ko ang anak niyang 'yon. Bakit may pagkakahawig ang batang lalaki na 'yon sa akin? Wala naman ako dito sa probinsiya para paglihian niya nang nagbubuntis siya para maging kamukha ko ito. Habang matagal kong pinagmamasdan ang batang lalaki na kalaro niya ay nare-realize ko na hindi ko lang kahawig lang ito kundi kamukha ko pa talaga ito lalo na kapag nakangiti. May dimples rin siya kagaya ko sa magkabilaang pisngi. Bakit ganito? Bakit kamukha ko ang anak ni Celine na batang lalaki? Anak ko ba 'to? Nagkaanak ba kaming dalawa? Nabuntis ko ba siya?Naalala ko na nag-sex kami dati ni Celine nang ilang beses. Maraming beses 'yon at hindi ako gumamit ng proteksiyon kahit isang beses lang. I always planted my seeds inside
CELINE Hindi ako mapakali matapos kong marinig ang mga katanungan na 'yon sa akin ni David tungkol sa anak ko na si Miguel. Kinabahan ako kanina sa totoo lang. Sinabi ko sa kanya na hindi naman niya kamukha ang anak ko. Malayo-layo kaya tumigil na siya sa katatanong ng kung ano sa akin lalo na 'pag tungkol 'yon sa baby boy ko. Kinabukasan ay sinabi ko nga 'yon kay Tita Flora. Kaming dalawa lang ang magkausap sa loob ng kuwarto ko. Ni-lock ko ang pinto para hindi niya marinig kung makikinig man siya sa amin ni Tita Flora. Nakita kasi niya na pumasok si Tita Flora dito sa kuwarto ko. He's curious kaya hindi imposibleng gawin niya ang lahat para malaman ang katotohanan. "Ano ba ang mga sinabi mo sa kanya nang tanungin ka niya ng mga tanong na 'yon, huh?" tanong ni Tita Flora sa akin. Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya."Hindi ko naman po sinabi sa kanya kung sino ang tunay na ama ng baby boy ko na si Miguel. Hinding-hindi ko sasabihin 'yon sa ka