Share

Chapter Six (Part Two)

Naramdaman kong hinila ako ni Theus pataas mula sa ilalim ng tubig. Mahigpit ang kapit niya sa bewang ko. Napasinghap ako ng maingat na niya ako. Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa naming pagtalon!

Nagawa ko! Namin!

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan!

"Oh my god!" Natawa si Theus sa reaksiyon ko. 

Wala na akong pake kung gaano pa ako kapangit sa mukha ni Theus ngayon. Nagkalat sa buong mukha ko ang buhok ko. Ilang beses kong ipinunas ang kamay sa mukha ko para lang tanggalin ang dumikit kong hibla-hibla ng buhok doon. 

Naghabol ako ng hinga. Ramdam ko pa rin ang adrenaline rush sa buong katawan ko! Iyong kaluluwa ko yata ay nawala sa akin ng ilang saglit. 

Tawang-tawa naman akong tinulungan ni Theus na tanggalin ang mga tikas ng buhok kong nanikit sa mukha ko. 

"Grabe, ang sakit niyo sa mata! Sana all may kasamang tumalon!" Narinig ko si Nico na nagda-drama na naman. 

<
FlowerNamed

Disclaimer! Never pa ako nahulaan. As in never! Iyang hula-hula na ginawa ko ay base lang sa mga narinig kong experience ng iba or nabasa ko sa internet. Hehe, I tried my best and I think it paid off? Well... Parang makatotohanan naman, 'di ba? xoxo

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status