Share

Chapter Twenty

Napakabobo ko talaga. Napakabobo mo, Jianna Ranne Abrantes. Noong nagpaulan siguro si Lord ng kabobohan, sinaulo ko siguro lahat, nagbabad yata ako. 

Nasaktan ko na naman si ate. Ano bang problema sa akin at halos lahat ng iniisip ko ay mali? Masiyado na talaga ako. Sobra nga talaga akong mag-isip.. pero bakit hindi ko mapigilan? Nagkamali na naman ako. Nainsulto ko na naman si ate Dasha. I jumped into the conclusion kahit naman hindi ako sure... well, akala ko talaga...

All this time, mali pala ako nang akala?

Ang tanga ko. Grabeng katangahan naman 'yon, Jia. 

I was so dense. Ni hindi ko man lang kinuhang hint iyong mga hirit ni ate na akala ko ay sarcastic. Diyos ko, ang tanga, Jia. Ni hindi ko man lang naisip ang ibang dahilan, puro nalang hindi kaaya-aya ang naiisip ko pero syempre, it was too good to be true. Sa panahon ngayon, ang hirap nang magtiwala kaaga

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status