Share

Into Your Arms
Into Your Arms
Author: FlowerNamed

Prologue

Lonely 

"Are you sure? Baka naman iniiwasan niya lang sila ano ha?" ramdam ko ang panunuya ni ate Reyna sa sinabi niya. 

"Hindi po talaga ako sure, ate Reyna. Wala naman pong sinabi sa 'kin si ate. Sorry po," pagpapaumanhin ko. 

Galing akong trabaho nang bigla nalang sumulpot si ate Reyna at tinatanong na naman ako tungkol sa ate Dasha ko na mukhang gusto na 'atang mamuhay sa tabi ng dagat sa tagal na hindi na umuuwi rito sa siyudad. Pero ang sabi ni ate Reyna ay nandito na raw sa s’yudad si ate. 

"Basta ha, call your ate and tell her na pabalik-balik na ako rito sa unit niyo pero wala pa rin siya. 'Tsaka could you tell her na answer my calls? Kasi whenever I tried calling her biglang out of reach kahit kakareply niya lang sa message ko! I’m pretty sure iniiwasan niya talaga kami. Her alibis are so cliché na!" mahabang utas ni ate Reyna. 

"Opo, ate. Sasabihin ko po kay ate Dasha," tugon ko. 

Wala naman akong ibang maisasabi pa kay ate gayong 'gaya niya rin ay walang masiyadong sinasabi sa 'kin si ate Dasha. Nagulat nga ako nang sinabi niya na narito na raw si ate eh ni hindi pa nga si ate Dasha na uwi rito sa unit. 

"Don’t try to left out a detail about what I said ha? And tell her na hinahanap na siya ng mga inaanak niya. Gosh, anong klaseng tita siya?" Hinilot ni ate Reyna ang kaniyang sintido sa maarteng paraan. 

Napakagat nalang ako sa pang-ibabang labi. 

Malalim na bumuntong hininga ang pinakawalan ko nang masara ang pinto. Narinig ko pang may sinasabi si ate Reyna habang papaalis. 

Kumain muna ako bago tinawagan si ate Dasha. Pagkatapos kasi nang pagbisita ni ate Reyna ay kumulo na ang tiyan ko sa gutom. 

Hindi na rin kasi ako nakahanap ng tiyempo na kumain habang nasa trabaho kanina. Ang kulit kasi noong inaalagaan ko. 

"Hello, ate?" ako nang sa ikatlong ring ay sinagot ni ate Dasha ang tawag ko. Hindi sumagot si ate pero nakarinig ako ng mga kaluskos at d***g sa kabilang linya.

"Sino 'to?"Muntik ko nang 'di ma-gets ang sinabi ni ate dahil parang inaantok pa ang boses niya. 

Mukhang kakagising niya lang 'ata. Hapon na ah?

"Si Jiana po 'to, ate," banayad kong sagot. Hinintay ko si ate na makasagot pero d***g lang ang nakuha ko sa kaniya. Ilang kaluskos pa ang nadinig ko. Mukhang nakahiga pa yata si ate.

Nangunot ang noo ko nang may na bosesang lalake. "Sino po 'yon, ate?" 

"H-ha? Ano? Sino?" may pagkaantok pa na tanong ni ate. Narinig ko pa ang pagtikhim niya at mga kaluskos ulit. At parang may nagbubulungan pa?

"Hello? Nandiyan ka pa po ba, ate?" 

"Jia? Ba’t... ba’t ka napatawag? May problema ba?" nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni ate. 

"Ah.. wala naman po, ate. Pumunta po kasi rito si ate Reyna sa condo at hinanap ka po niya. Ang sabi kasi ni ate Reyna sa 'kin nandito ka na raw sa siyudad. Totoo ba, ate?" na-e-excite na ani ko. 

Halos mag-iisang buwan ko nang 'di nakikita si ate. Ang lungkot-lungkot nga rito sa condo namin lalo na at si kuya ay madalas pa namang wala rin dahil sa racing commitments no’n. 

"Mmm... Totoo nga. Sorry, Ji’, kung hindi ako diretsong umuwi d’yan. Bawi nalang ako sa 'yo."

"Nako, okay lang, ate! Kauuwi ko lang kaninang 6 ng umaga mula sa pag-babysit kila ate Alice. Medyo maselan po kasi 'yong pregnancy niya tapos sumama pa pakiramdam ni ate kaya kinailangan kong mag-stay kagabi para kila Giselle," ako. Although, may tampo ako ng slight pero sinusubukan ko namang intindihin si ate.

Alam ko naman na kahit pilit itago ni ate ang totoong nararamdaman niya ay nakikita pa rin ito sa kaniya at ramdam ko 'yon. Alam na alam ko dahil noong patago niyang iniyakan ang lahat nando’n ako. 

"Ahh...kumusta naman? Okay ka lang ba sa trabaho mo? 'Wag ka magpalipas ng gutom ah. Si Rino nga pala 'asa'n?" 

"Okay naman po, ate. 'Tsaka I love doing my job kahit sa iba 'yong tingin nila sa 'min yaya, well, maybe they’re right," itinawa ko ang kunting lungkot. "Ang laki na po ng inaanak niyo, ate. Muntik na ngang malampasan ang laki ni baby Thi—" mariin akong napapikit at hindi pinagpatuloy ang salita. 

Natahimik naman si ate sa kabilang linya. Ano ba 'yan, Jira! Ang makakalimutin ko talaga sa mga sore topic! Sorry, ate Dasha! 

"Ah, si kuya nga po pala noong isang araw ko pa huling nakita pero nag-te-text naman po siya sa 'kin. Mukhang busy pa rin po sa racing-racing chu-chu niya." 

Marami pa akong naikuwento kay ate tungkol sa mga nakalipas na buwan. Hindi man maayos ang simula ng convo namin pero halos mga nakakatuwang pangyayari ang pinag-usapan namin. At sabi niya rin uuwi raw siya bukas kaso baka nasa kila ate Alice ako no’n. 

* * *

"Play, 'te Ji’!" Kumiwag-kiwag ang alaga ko mula pagkakabuhat ko sa kaniya. Hindi na makapaghintay na makalaro kasama ang mga kalaro niya. 

Natatawa ko siyang ibinaba at hinayaang tumakbo palapit sa iba pang kaedaran niya sa children’s park dito sa village kung saan nakatira sila ate Alice. 

"Careful, baby. Baka madapa ka," marahan kong paalala dahil ang bilis niyang tumakbo! 

Mabilis kong hinawakan ang leegan ng damit nito sa likuran at baka matumba pa siya. 

"Watch your steps, baby," paalala ko rito at i-gi-nuide ito. 

Nako! Magiging future runner pa yata 'tong alaga ko! 

Umupo ako sa kalapit na metal bench. Nilapag ko 'yong tote bag na dala ko kung saan ay may lamang gamit ni baby Giselle. 

"Jira!" Nakita kong papalapit ang isa ring babysitter na si Amy na naging ka-close ko lang nitong taon. 

Dala niya sa bisig ang alaga niya na pinaka-chubby’ng baby girl ng village! At pinaka-cute!

"Ang siopao talaga ng pisngi mo, Thisbe!" Nakanguso ako habang pinisil-pisil ang mukha ni baby Thisbe.

For me, babies are the cutest in the world!

I lovingly said, "Aww," when she just laughed and blabber nonsensical words. Cuteness overload!

"Ang bigat-bigat ni baby Thisbe! Parang araw-araw siyang bumibigat! Diyos ko!" sabi ni Amy at maya’t mayang minamasahe ang braso niya. 

Kahit halos buwan lang ang agwat ng edad ni Thisbe kay Giselle ay mas malaki talaga ito kesa sa alaga ko. Kumpara kasi kay Giselle ay napakatakaw ni Thisbe. Nagmana siguro 'yon sa Mommy niya. Hindi naman kasi matakaw si kuya Py na kaibahan sa chubby niyang anak. 

"Sleep tight, baby G," mahina kong ani at pinatakan siya ng isang magaang h***k sa noo.

Inabot ko ang light pink na comforter at iniayos iyon sa katawan ni Giselle; Making sure to keep her warm through the night. 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni baby G nang masiguradong mahimbing na ang kaniyang tulog. 

Hinaplos ko ang nanlalamig kong mga braso. Lumapit ako sa may air-con at tinaasan ng kaonti ang temperature dahil mas’yadong malamig para sa gabing 'yon. 

"Jira." Napalingon ako sa tawag na 'yon. Nakita ko si ate Alice sa may bukana ng room. 

"Ate... hindi pa po ba kayo matutulog? It’s almost nine p.m. na po," nag-aalala kong pahayag. 

Buntis si ate kaya dapat lang ay matulog na ng maaga lalo na at medyo maselan siya. 

"I’m not sleepy yet and I’m also here to say thank you. Thank you for staying yesternight and the early morning para lang ma-monitor si Jito at lalo na si Giselle kahit na alam kong you don’t like sleeping at someone else’s house," malumanay na aniya. Hinaplos ko pabalik ang ngayo’y nakahawak na kamay niya sa 'kin. 

"Wala po 'yon, ate. Parang isang gabi lang. 'Tsaka, pamilya po ang turing ko sa inyo. Lalo na kay baby Giselle na si ate ang nagdala and this is what I wanna do, also, trabaho ko po 'yon, ate. Kaya 'wag na po kayong mag-worry." I gave her a reassuring smile. 

Binalik naman ni ate ang ngiti ko at marahan niya akong hinila para mayakap. Yinakap ko rin pabalik si ate Alice. "Theus is outside," mahinang aniya. 

Napabitaw ako sa yakapan namin ni ate. Hindi ko na pigilang ipakita ang pagkagulat sa sinabi niya. 

Nakauwi na pala si Theus?!

"Puntahan mo na at kanina ka pa niya hinihintay." Nag-ngiting aso si ate sa 'kin. Ngumuso naman ako ngunit tumalima naman. 

Nakita ko ang napakapamilyar na sasakyan sa labas ng gate ng bahay nila ate Alice. Nakayuko si Theus habang nakasandal sa nakasaradong pinto ng kotse niya. 

Nakasuot siya ng isang statement long sleeve shirt at naka-dark jeans. Napansin niya yatang may nakatingin sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin sa direksiyon ko. 

"Jira," masiglang aniya. 

Nahihiyang ngumiti naman ako sa kaniya. Nahuli ba naman akong nakatitig. 

Naku, Jira, napaghahalataan ka. 

Nagulat ako nang ibuka niya ang kaniyang mga bisig at parang... uh... iniimbitahan niya akong yakapin siya?

Ilang hakbang lang ang layo namin sa isa’t isa. Kung tutuusin ay puwede niya nga lang akong hilahin at yakapin na. Natuod na lamang ako sa kinatatayuan. 

"Won’t you give me a hug?" sabi niya at mapaglarong ngumisi. Labas dimples pa!

Na-miss ko 'yong ngiting playful niya! Walang hanggan ba ang pagka-charming mo, ha, Theus?

"Uhm..." Nag-alangan pa akong lumapit sa kaniya ngunit pinagbigyan naman siya. I inhaled his scent. The familiarity struck me. Bigla parang okay na 'ko dahil sa yakap niya. 

I miss him, his scent and everything about him. I don’t want to let go but I have to. Mukhang masiyadong mahigpit ang yakap ko sa kaniya!

Hindi halatang miss na miss, Jia?

Kakalas na sana ako sa yakap ko sa kaniya pero mas hinigpitan niya pa ang pagyapos sa 'kin. Napamulagat naman ako sa ginawa niya. 

Ganito ba talaga 'yong mga galawang 'kaibigan'?

Ano ba 'to! Stop overthinking, Jia!

Tumingala ako sa kaniya. Masiyado akong maliit para sa height niya. Tumama pa nga ang tuktok ng ulo ko sa panga niyang napakadepina. 

"I miss you," he breathed just on my hair.

Sa sinabi niya ay parang binalot ng init ang buong katawan ko. Ni hindi ko na nga maramdaman ang malamig na simoy ng hangin ng gabi. 

Tapos bumalik na naman 'yong mga 'di kilalang nilalang sa loob ng tiyan ko. Palagi talaga silang present kapag nao-overwhelm o 'di kaya’y napapasaya ako ni Theus sa maliliit o malalaki mang bagay na ginagawa niya. 

"Ako rin," sa mahinang tinig ay tugon ko. Napakagat-labi ako at pinigilang mangisay sa kilig na nadarama. 

"Have you been eating right?" 

Naalis ko ang tingin sa repleksiyon namin sa nakasarang elevator nang magsalita sa gilid ko si Theus. 

Nasa condominium tower kami kung saan ako nakatira pati na rin siya. At same floor ng unit kami. Magkatapat lang din. 

"Ha? Ah... oo naman, bakit?" Tinapunan ko siya ng tingin. Napanguso ako nang makitang magkasalubong ang kilay niya. Bumaling ulit ako sa repleksyon namin. 

"You look thinner than the last time I saw you," aniya at mas naglapit ang mga kilay niya at halos mapag-isa na. 

"Ha? 'Di kaya 'no," saad ko at itinaas ang aking mga braso. Pinapakitang hindi naman ako namayat. 

"You felt like a pillow when I hugged you," namula ako nang maalala ang mainit niyang yakap. 

Gano’n ba talaga ako kapayat sa kaniya?

"Grabe naman. Nga pala. Kailan ka pa nakarating?" ako. Mukha kasing may jet lag pa siya. 

"7 p.m.,"

"7? Nako, naghapunan ka na ba?" 

Umiling lang siya. Tumunog ang elevator at nagbukas ito. Hinila ko naman siya palabas niyon. 

Nawala ang hiya kong hawakan siya dahil sa kaalamang hindi pa siya nag-di-dinner! 

Ibig bang sabihin niyon ay dumiretso siya sa kina ate Alice galing airport?

"Bakit 'di ka nagsabi? Sana man lang nakapag-drive-thru tayo. Masamang magpalipas ng gutom, Theus," puna ko. 

Siya pa 'tong may ganang magtanong kung kumakain ba ako ng maayos eh siya nga ay hindi pa!

Huminto kami sa paglalakad nang pareho na kaming nasa tapat ng mga unit namin. 

"It’s fine. I’ll just cook my dinner. Wanna join me?" Tumango naman ako sa paanyaya niya. 

"Sige. Tulungan din kitang gumawa ng dinner mo."

Mabilis akong nagbihis sa unit ko at pumunta sa kaniya. 

"Chicken curry ba 'to?" Tanong ko nang makita iyong curry mixture sa gilid niya. 

Syempre, curry 'yan, Jia. Ang obvious naman. I mentally hushed the annoying intrusive thoughts. 

Tinulungan ko siyang maghiwa ng mga sangkap at inagaw ko 'yong sandok sa kaniya dahil dapat nakaupo nalang siya at pinagsisilbihan. 

Marami-rami rin 'tong ulam eh. Inaya ba naman akong kumain ulit. Syempre, umoo nalang ako, nahiya akong tanggihan siya. Malungkot kayang kumain ng mag-isa. 

Kung naririto ba ngayon 'yong kaibigan kong si Vanessa ay sasabihan niya ba akong bida-bida at pakealamera?

"Sit down. Let me do the cooking." Sapilitan niyang inagaw ang sandok sa kamay ko. 

"Pero pagod ka. Ako nalang diyan," pagpupumilit ko pa pero hindi siya nakinig. 

Makikipagtalo pa sana ako kaso nang maisip na mas lalo ko lang na pinapahaba ang ginagawa niya ay pumunta nalang ako sa dining table at sinet-up 'yong mesa. 

Pumailanlan ang bango ng curry sa loob ng unit ni Theus. Bigla ko tuloy naalala si Mama. Paborito ko kasi ang chicken curry at madalas akong ipagluto ni mama noon kaso ngayong halos isang taon nang pumanaw si mama ay malabong matikman ko pa ulit 'yong luto niya. 

No’ng naghain na ay nagdasal muna kaming dalawa bago kumain. Sa unang subo palang ay hindi ko na napigilang maging emosyonal nang matikman 'yong luto ni Theus. Parang 'yong luto lang ni mama!

Ano ba yan! Parang naalala ko 'yong huling luto ni mama sa 'kin. Pero ang sakit namang balikan ang mga alaalang 'yon. 

"Hey, hey, why are you crying?" Nag-angat ako ng tingin at nakita ang pag-aalala sa mukha ni Theus. 

I felt the tears streaming down my face. I miss my family, my whole family. I miss this. This kind of familiarity that he was giving me. 

Parang... parang pakiramdam ko buhay pa rin si mama. 

"N-na... nami-miss ko na kasi si Mama tapos si Papa.... si kuya 'tsaka si ate. I feel so lonely, Theus." Itinakip ko sa aking mukha ang dalawang palad nang hindi ko na napigilang mapahagulgol. 

Nakakahiya! Umiiyak ako sa harapan ni Theus! At naabala ko pa siya sa pagkain niya!

Sobrang sensitive mo naman, Jia!

Narinig ko ang tunog nang silya niya at naramdaman ko ang paglapit niya sa tabi ko upang aluin ako. 

"Shh...it’s gonna be fine, Jia. Maybe not now, but it’ll be. And don’t feel too lonely now that I’m here with you. I’m here, Jia. I’m just here for you. I promise that." 

Sana nga. Sana nga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status