Share

Chapter One

Piccola

Walong taong gulang lang ako noon nang makilala ko si Theus. Sa labas ng simbahan ko siya no’n nakilala. I think pasko 'yon o magpapasko pa lang. Hindi ko na masiyadong tanda dahil ang tagal na rin pala. 

Hindi kami agarang naging magkaibigan no’n dahil unang una, it was just a brief meetup; nila ate Dasha at Kuya Py' pa 'yon. And that time, panay english siya kaya hindi ko nakapalagayan ng loob. No’ng time rin na 'yon ay hindi pa sila permamenteng nakatira sa Pinas. 

Si Theus kasi ay half Italian, one-fourth Pilipino and one-fourth Spanish. Ang pamilya niya ay nakatira sa Tuscany, Italy kung saan sa pinanganak at lumaki. Two years ang tanda niya sa 'kin. 

Noong nag-aaral pa si ate Dasha, madalas ko siyang nakikita pero kadalasan nga lang kung bakasyon lang 'gaya ng kapag summer at Christmas season. Pero hindi naman kami close ng mga panahon na 'yon eh. Masiyado kasing madaming ganap no’n. At minsan, may away pa ang mga magulang ko kaya kapag nagkikita kami ay wala akong mood makipaghalubilo. 

Bale siya 'yong taong ilang beses mo nang nakikita pero minsan lang makausap, well, ng mahaba-haba. Introduction lang kasi 'yong nangyari no’ng unang beses ko siyang nakausap no’n. Pero no’ng nasa SH na ako nalaman kong nag-migrate na sila rito. Nalaman ko 'yon dahil meron akong friend na naging friend ng cousin niya na nag-aaral sa Univ' din namin. Madalas ko siyang makasalamuha kapag naaaya ako ng mga ka-close kong schoolmate sa Greenbelt kung saan siya laging nalalagi. 

First-ever proper conversation namin ay noong nag-18 ako. First time ko 'yong mag-night out kasama ang mga kaibigan ko. Sa isang high-end pa talaga kami no’n. High Society 'ata iyong name ng lugar na ‘yon. Tama pala talaga 'yong sabi nila na magaang kasama si Theus kasi napaka-friendly niya sa 'kin no’n. Nagkasama kasi kami sa isang booth with his first cousins and mga common friends din namin. And for that whole night, he entertained me. 

Hindi pa naman kami agarang naging close talaga pagkatapos ng interaction na 'yon. Lalo na at sa isang international school pa siya nag-college. At that time, busy ako sa nursing school at hospital para sa clinical rotations namin no’n. We became casual to each other, kapag nagkikita ay nagkakamustahan lang and that’s that, no deeper conversation and he often asks me about ate Dasha. 

Casually, in bars, nightclubs, parties, restaurants, malls, or even in cheap food stalls, we often saw each other and sometimes, met with, of course, our common friends. Getting invited in the same getaways, same birthday celebrations and occasional get-together. We were technically around each other but never personally. That goes on through my college life. Later on, before I failed to graduate (yes, I failed, I’m undergrad, actually), I realized that I had developed feelings for him. 

There was these moments where I anticipate to be with him, even though with friends. I anticipate those times in our usual, favorite samgyupsal place where he used to sat beside me jokingly trying to avoid our nasty friends and his idiotic cousins. I anticipate those moments where he tends to give me some of the porks he grilled and I always wish that that those moments could repeat and I wasn’t disappointed. 

That eating sessions with him somehow made me be close to him, at least. He’s really friendly and too thoughtful in some reason but I really tried my best not to overthink those little things. 

No’ng nag trabaho na ako, matapos kong makuha ang NC II ko para sa Caregiving, ay mas nagka-close pa kami dahil isang family friend pala nila Theus 'yong sa una kong pinasukan na trabaho sa same exclusive village rin kung saan sila Theus nakatira. Tapos after a year no’n, grandfather naman nila Theus at kuya Py 'yong naging amo ko. 

"Ikaw kasi eh! Ba’t ba parang luto ni mama 'yong gawa mong chicken curry?" ingos ko kay Theus nang matapos kaming kumain. 

Nakakahiya 'yong drama ko kanina sa dining table! 

"You silly, Piccola. Your mom taught me how to cook one. Don’t you remember?" aniya at patuya akong tinaasan ng kilay. 

Oo nga pala. 

Sinimangutan ko siya at mas lalo pang lumubog sa sofa’ng kinauupuan. 

Tumawa naman siya sa inasta ko at nakuha pang guluhin ang buhok ko. 

I tried to hide my up-rising smile. 

Ano 'yan, Jia? Kapag nahawakan ka lang wala na ang inis mo? Dapat nga mainis ka sa paggulo niya sa buhok mo, Jia! Hindi ko na pinansin ang mga iniisip. 

I had never imagined us to be this close. Not in my wildest dreams. 

Pero ano pa ngang ibig sabihin ng Ikola? O... Ikola ba 'yong sinabi niya? O baka si Piccolo ng Dragon Ball 'yong sinabi niya. Ewan. Baka isa na naman 'yon sa mga Italian gibberish niya. Or baka Spanish. 

Kinabukasan ay nagising ako sa mga kaluskos na nagmumula sa kitchen. 

Wala akong pasok ngayon kila ate Alice kasi mag-ba-bonding daw sila ng pamilya niya for the day. 

Ibinaling ko ang tingin sa kinalalagyan ng orasan. Malapit nang mag alas otso ng umaga. 

"Ate?" utas ko nang mabungaran sa kitchen si ate Dasha na kakatapos lang magluto ng almusal! 

Kailan pa nakauwi si ate? 

Una kong napansin ang bago na namang look ni ate. Itim pa rin naman ang buhok niya kaya lang may bangs na siya!

Ang weird. I mean, ang tagal na simula no’ng nagpa-bangs si ate, I think hindi pa ako nag-aaral no’n. Pero mas bumata yata si ate dahil sa new look niya. Naging mas dark din ang skin ni ate, dahil siguro sa dagat siya namalagi nitong nakaraang buwan. 

"Oh, Jira! Gising ka na pala. Kain tayo," aniya nang mapansin na ako. 

Tumalima naman ako at pinagsandok ang sarili. Nakita ko ang pagngiti ni ate sa akin at sinaluhan din ako. 

Sa kalagitnaan nang umagahan ay tumunog ang cellphone ni ate. May tumatawag. Sinagot iyon ni ate at hindi na nag-abalang lisanin ang dining table para sa kausap. 

"What? I’m eating, you horny mammal. And I’m with my sister," sabi ni ate sa kausap niya. 

Nakayuko lang ako at tahimik na kumakain. Sinulyapan ko pa si ate at nahuli naman niya ang pagtingin ko. 

"Oo nga, 'di ka naman makapaghintay! See ya later, boy," aniya sa kausap at tinapos na ang tawag. 

"Boyfriend mo 'yon, ate?" 

Hindi ko na mapigilang magtanong. Feeling ko kasi ay 'di magsasalita si ate kung hindi ko uunahan. 

Maganang tumango-tango si ate bilang sagot habang nginunguya ang pagkain niya. May kinalikot siya sa cellphone niya at nilahad iyon sa akin. Kuryoso ko namang tinanggap at tiningnan ang screen. 

Nakabukas ang Gallery ni ate at nasa album na may pangalang 'boy, w/ me'. Maraming pictures 'yon. 

Sa unang photo na pinindot ko ay bumungad sa 'kin ang half-body picture nila ng jowa niya. Background nila ay isang bahagi ng dalampasigan, nasa ilalim sila ng isang puno ng niyog. Zinoom-in ko ng kaunti sa banda ng jowa ni ate. 

Ang una kaagad na pumasok sa isipan ko ay mukha itong bad boy. Mula sa man bun nito, sa klase ng ngisi at sa tindig. Banyaga yata ito at grey-eyed pa!

"Ano? Hot ba? Galing kong pumili 'no?" Pilyang ngumisi si ate sa akin at tinaas-baba pa ang kaniyang kilay. Tipid naman akong tumango. 

"Anong lahi niya, ate?" tanong ko at ibinigay na sa kaniya pabalik ang phone. 

"He’s half Ukrainian. I met him at the accounting firm where I worked. He’s kinda related to the owner so I always saw him in my workplace, lurking around..." napuno ng boses ni ate ang kitchen. 

"Sa’n ka pupunta, ate?" tanong ko nang mabungaran ko siya sa vanity table na nag-aayos ng buhok niya at bihis na bihis. 

Ang condo unit namin ay may dalawang kwarto, kay kuya (na minsan lang umuwi) at sa amin ni ate (mas pinili kasi naming dalawa na mag-share nalang) tutal ay malaki naman ang kama at ayos lang naman ang lawak. At.... this past few years, nasanay akong nagtatabi kami ni ate kapag no’ng nag-aaway sila Mama at Papa, na halos araw-araw. 

"Greenbelt. Gonna have lunch with my friends," may tonong aniya. 

"Ah..." I trailed off. 

"Ikaw? No plans for today?"

Umiling lang ako sa tanong ni ate at nagpatuloy sa pagva-vacuum. 

"Ugh. Your social life is getting rusty or do you even have a social life?"

"Meron kaya," apila ko. 

"Oh, right, Theus; With Prometheus Monosillo," may bahid na kakaiba sa tono ni ate. 

Huh? Ano namang ibig sabihin ni ate ro’n?

"Sa 'yo 'to, ate?" Lapit ko sa mga paper bags sa cushion. May mga pamilyar na tatak ang mga iyon, iba-iba. 

"No, that’s for you. Galing kay Theus. Pasalubong niya raw sa 'yo," saad niya. 

Nalaglag naman ang panga ko. Grabe! Sobra naman yatang dami! 

Nakaka-speechless din talaga 'tong si Theus. At bakit ba sobrang thoughtful niya?!

Kaya ang hirap-hirap na hindi ma-fall sa kaniya. 

"Kayo na ba no’n ha?"

Napakurap-kurap naman ako ng ilang beses sa tanong ni ate.

Sino ang tinutukoy niya?

"Ano?" pinagtaasan niya ako ng kilay mula sa vanity mirror. 

"Sino po?" 

"Duh, si Theus, Jia." Nakita ko pang nag-roll eyes si ate. 

"Hindi kami, ate. Friends lang po kami," alma ko. 

"Sus, ano 'yon? Friends with benefits?" mahalay na tumawa si ate. 

Namula ang buong mukha ko. Ano ba 'tong mga pinagsasabi ni ate!

Namuhay nga lang sa tabi ng dagat naging ano na siya. Baka naman naimpluwensiyahan ng jowa niya. 

"Ano ka ba, ate! Hindi ako gano’n 'no," pagtatanggi ko. 

Saglit kong nakita ang mapait na tingin ni ate pero kaagad din namang nawala. 

"I thought you two were together."

"Hindi po talaga, promise," sambit ko nang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa. 

"You sure? He looks like he got it bad on you," tonong kakaiba na naman ni ate. 

Napatigil naman ako sa ginagawa. Sinasabi ba ni ate na may gusto si Theus sa 'kin? Sa 'kin? 

Keyword: Looks. Based on observation lang ng ate mo, Jia. 

"Well, how about you? Do you like him?" 

Hindi ako sumagot. Less word, less mistake. 

Nagtaas ulit ng kilay si ate sa akin. "Tss, obviously, you like him. Don’t you?" 

Palihim kong kinagat ang looban ng aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako nangingiti. 

Narinig ko ang may kaartehang pag-ungot ni ate sa pananahimik ko. At sigurado ako inirapan na naman niya ako pero 'di ko na siya binalingan pa. 

* * *

"Ang kadiri mo talaga, Stanley! Ba’t 'di ka natulad kay Theus na ibang iba sa 'yo 'no?" singhal ni Vanessa sa katapat na si Stan. 

Nandito ako ngayon sa isang Korean grill bar and restau' kasama ang iilang kaibigan para sa isang celebration. 

Nagulat nga ako kanina sa pagsulpot ni Theus sa unit ko habang nag-iisip ako kung anong iluluto para sa tanghalian. Nag-chat daw kasi si Syd, isa sa mga kaibigan namin, sa group chat namin sa Messenger na magkita-kita raw. 

At heto nga, as usual, magulo ng kaunti pero masaya. 

"Tss, you’re just jealous of my past-backseat girls." Pilyong ngumisi si Stan kay Vanessa at mahalay pang kinain ang grilled beef niya. 

Eksaherada namang inapila iyon ni Vanessa. Vanessa is one of my longtime friend simula freshman year in college. At simula’t sapul, magkaaway na talaga sila ni Stan. 

"Stop talking about your backseat girls here, cugino," Theus said. Matalim ang pinukol niyang tingin sa pinsan.

Sinigundahan ng ilan naming kaibigan ang sinabi ni Thues, ang iba naman ay nailing nalang. Ako naman ay nakitulong sa pag-gi-grilled. 

Napababa naman ako ng tingin sa galaw ng kamay ni Theus. Nilagyan niya ng ginrilled niyang beef ang bowl na may kanin sa harapan ko kahit na may dalawa pa ngang beef do’n na hindi ko pa nagagalaw!

Unconsciously niya 'yong ginagawa. 

Pinalobo ko ang pisngi para pigilan ang pag-alpas ng nagbabadya kong ngiting kilig. 

"Eat," aniya. Hindi naman na ako umapila. 

Sus. Masiyado lang talaga akong marupok! 

"Basta, guys, ha? Walang a-absent sa pa-Despedida de soltera ko! Kun’di nako!" banta ni Syd habang winawagayway sa ere ang chopsticks niya. 

"Oo ba. Basta ha, hanapan mo ako ng Kano roon, Syd!"

Biro ni Vanessa iyon na tinawanan namin pero ikinasama ng timpla ni Stan. 

At nagsimula na naman ang dalawa na mag-away. Nasali na naman ulit ang mga backseat girls ni Stan. 

Aalis kasi si Syd pa Canada, three weeks from now. May malaki kasing offer sa kaniya mula sa malaking hospital do’n. Nurse kasi siya rito at naging classmate ko rin siya noon. Kaso nga lang 'di ako natuloy sa pag-na-nurse. 

"Grabe naman si Jia! Alagang-alaga ni Theus ah!"

Namula ako nang mabaling ang tingin nila sa puwesto namin dahil sa inusal ni Vanessa. 

Kahit kailan talaga ang ingay niya!

Napansin niya yata iyong panay na paglalagay ng niluluto ni Theus sa puwesto ko. Si Theus naman parang walang pake sa mga paminsan minsang tingin nila sa ginagawa niya. 

Stop thinking otherwise, Jia

"Stop your loud mouth, Vanessa! Ang ingay mo! Just eat! Oh!" 

Natahimik si Vanessa dahil napuno ang bibig niya sa isinilampak na beef na nakabalot sa lettuce ni Stan. 

Pinabayaan na namin ang dalawa na mag-away nalang ulit. 

"Tama na, Theus. Ang dami na nito, oh, busog na 'ko," sabi ko sa kaniya at ibinalik sa bowl niya ang pagkaing inilagay sa akin. 

"Just eat so you could gain more weight, such a piccola." 

"Akin nalang, Jia, kung ayaw mo," singit ni Rod, isa sa friends namin na kanina pa tawang-tawa kila Vanessa at Stan. 

Hindi na ako nakapagsalita dahil kumuha na siya sa bowl ko. Napasinghap naman ako dahil tinampal ni Theus, gamit ang chopsticks niya, ang chopsticks ni Rod. 

"Cook your own," marahas ang pagkasabi niya no’n na para bang galit! 

Nagkantiyawan sila at tawanan. Hindi naman sila pinatulan pa ni Theus at naging abala na sa naunang ginawa. 

"Damot mo naman, cugino," sambit ni Nico, cousin din ni Theus, na kanina pa nakamasid sa 'min. 

"Fatti gli affari tuoi," utas ni Theus sa wikang Italian. Bahagya akong napanguso. 

Ang daya! 'Di ko alam ang meaning no’n. 

"Eat, Jia," sabi niya ulit sa akin at nilagyan na naman ng panibagong beef ang bowl ko kahit meron pa naman!

Maingay sila Syd dahil may nakitang kakilala nila sa katabi naming 'mesa. Maingay ang mga itong nagkamustahan. 

"Eat ka na kasi, Ji'. Nag-aalala na 'tong si Mr Ever-Thoughtful-Friend," saad ni Nico at tinawanan din iyon ng mga nakarinig sa 'mesa namin. 

"Chiudi il culo, Nico," singhal ni Theus sa kaniya. 

"Anong sabi, p’re?" tanong ni Rod. 

Mukha namang alam nito ang meaning pero mas gusto yatang inisin si Theus dahil nanunuya ang tingin nito sa 'min o kay Theus. 

Feeling ko bad word 'yong sinabi ni Theus. Ang lutong lang kasi ng pagkakasabi niya. 

Tapos.... mas gumagwapo yata si Theus kapag nag-i-Italyano siya. At ang husky talaga ng boses niya! 

Tahimik na lamang akong kumain at yumukod para itago ang namumula kong pisngi. Nakakainis din 'tong pisngi ko minsan. Ba’t ba hindi ko mapigilang mamula?

Hulog na hulog ka na talaga, Jianna Ranne.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status