Share

Chapter Four (Part Three)

"Hello, picture muna tayo, guys! Dali! Smile!" 

Nanlaki ang mga mata ko nang umusog si Nica papalapit sa akin dahilan para magkagitgitan kami ni Theus. Buti nalang at malakas ang body stance niya kaya hindi kami napaatras. Naramdaman kong umalalay ang isang kamay niya sa bewang ko dahil muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya. Nahihiyang nag-sorry ako sa kaniya. 

Kakapasok nga lang namin sa eroplano nang nanghila na kaagad si Nica para mag-picture raw, pang-myday niya lang daw sa Facebook. 

Lumapit din si ate Ophelia sa gilid ni Theus at naki-picture. Umusog pa si ate dahil hindi yata kaysa sa frame kaming apat kaya muntik na akong mapapiksi nang maramdaman nalang bigla ang kamay ni Theus sa balikat ko. Nakaakbay siya sa akin at nakatagilid siya paharap sa akin para lang kumasya kami sa picture.

"Cheese!"

Hindi ko alam kung maayos ba ako roon sa mga kuha ni Nica dahil kinakabahan talaga ako; sa eroplano at sa mga pa-t

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status