"Did you know why few people never dare to visit this place? Because of its scary stories or some believed that may mga witches daw dito at mga human monster na nangangain ng tao!" animated na kuwento ni Nica na nakadungaw sa amin dahil sa pinakalikurang bahagi siya nakapuwesto.
"I also heard about black magic and such. Uhm, kulam? Yes, it's kulam yata. Tapos halos supernatural things," saad ni Monique.
Habang nakasakay sa isang private van patungong CoCo Grove ay naisipan naming pag-usapan itong tungkol sa naririnig o na-research namin about sa Siquijor island. First time kasi naming lahat na makapunta sa Siquijor island.
Dahil patok ang usapang nakakatakot at halos 'yon lang 'ata ang pag-uusapan namin, ay parang halloween na ang tema kung bakit kami nagpunta rito at 'di ang mga ibang atraksiyon. Halos minsan nga lang nila masingit ang beaches o iyong mga falls sa Siquijor island.
Napabuntong hininga ako at napatingin kay Theus na tulog na tulog na sa higaan nito. Nakatagilid ako ng higa habang kaharap ang natutulog na si Theus. I wasn't supposed to sleep on Favio's bed pero nakatulog na kasi sila Monique sa baba eh. Nakayapos pa sa isa't isa, nahiya naman akong gisingin sila. Nanood kasi ako sa tv dito sa room nila Theus kanina kaya bumaba si Favio at sinamahan ang jowa niya sa baba. Nawili kami ni Theus sa panonood sa isang local entertainment channel kaya hindi ko na rin napansin na nakatulugan ni Theus ang panonood at pati sila Monique nakatulog na rin sa baba. Bumuga ako ng hininga at tumihaya. Nakatitig ako sa kisame nang maalala iyong nangyari kanina sa may pool. Dinaldal ng dinaldal ako ni Nica ng matiyempuhan niya ako. Ang dami niyang sinabi 'gaya nalang ng, "Grabe! Noong huli kong kita kay Angelique, ang ganda-ganda niya, ngayon, sobra-sobra pa! I mean, para siyang epitome of perfection! Alam mo 'yon
Naramdaman kong hinila ako ni Theus pataas mula sa ilalim ng tubig. Mahigpit ang kapit niya sa bewang ko. Napasinghap ako ng maingat na niya ako. Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa naming pagtalon! Nagawa ko! Namin! Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan! "Oh my god!" Natawa si Theus sa reaksiyon ko. Wala na akong pake kung gaano pa ako kapangit sa mukha ni Theus ngayon. Nagkalat sa buong mukha ko ang buhok ko. Ilang beses kong ipinunas ang kamay sa mukha ko para lang tanggalin ang dumikit kong hibla-hibla ng buhok doon. Naghabol ako ng hinga. Ramdam ko pa rin ang adrenaline rush sa buong katawan ko! Iyong kaluluwa ko yata ay nawala sa akin ng ilang saglit. Tawang-tawa naman akong tinulungan ni Theus na tanggalin ang mga tikas ng buhok kong nanikit sa mukha ko. "Grabe, ang sakit niyo sa mata! Sana all may kasamang tumalon!" Narinig ko si Nico na nagda-drama na naman.
"Ito... nakikita ko rito..." pambibitin ni Manang at itinuro iyong sa itaas na bahagi ng palad ko.Tahimik sila Stan at para bang mataimtim na nakikinig ng leksyon ng isang guro."Nakikita kong magiging mas masaya ka kung hindi ka palaging nag-iisip ng mga kung ano-ano. Parang... parang iyon... iyon ang malaking bagay na pumipigil sa 'yo, sa puso mo para tuluyan nang sumaya. Marami kang iniisip... iniisip na dapat ay hindi naman pinag-iisipan pa. At mga pangamba na hindi naman dapat nandiyan sa puso mo." Nangunot ang noo ko nang makitang sinulyapan ni Manang si Theus sa gilid ko na mariin yata ang tingin kay Manang.Pinagtuunan ulit ni Manang ang kamay ko. "Masuwerte ka... sana, kung hindi ka lang palaging may iniisip kasi nakikita ko rito na iyon ang sagabal, ang sobrang pag-iisip. At pakatandaan mo, hija, I was generalizing what I said but only for you. Sa 'yo na rin if ala
"Mommy! There's fire!" Si Andrea iyon at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga nagsasayawang tao na may kaniya-kaniyang hawak na baton yata iyon na nagliliyab ang bawat dulo. Nag-dinner nga kami rito sa outdoor ng restaurant at pagkatapos ng dinner ay iyon ngang seasonal entertainment show ang pinanapanood namin ngayon. Kahit delikado noong mga pinaggagawa nila ay hindi ko pa rin mapigilang tumingin. Todo hataw at kembot ang mga dancer habang iwinawasisaw iyong nag-aapoy na magkabilang dulo ng baton nila. Tumutunog din iyong mga parang maliliit na bell sa bewang nila. Gawa sa sako iyong suot nilang saya na abot paa nila. Mukhang mga professional dancer ang mga ito. Pero nakakakaba pa rin iyong ginagawa nila kasi paano kapag may nangyaring aksidente? Gawa pa naman sa light materials iyong suot nila. Pero
Isang linggo nalang at matatapos na ang bakasyon namin pero ang dami pang puwedeng gawin sa resort.Sa araw na 'to, susubukan namin iyong Glass Bottom reef tour nila. Isa iyong activity sa resort na kung gusto mong ma-explore ang coral reefs, the marine sanctuary, na hindi nababasa or lumalangoy ay ito ang option.Sobrang ganda ng mga coral reef. Halatang-halata na inaalagaan nila ito ng maayos. Sobrang dedicated pa noong si kuya na nag-assist sa amin about sa goal nila, sa mission and vision nila about sa marine sanctuary. Iyong mga ginagawa nila para mapanatili sa maayos na kalagayan ang mga coral reef at ang marine sanctuary.Nakakatuwa lang. Kitang-kita mo iyong passion and dedication nila sa nature. Nakakatuwang makita na gano'n nila kamahal ang kalikasan. Iyong mga advocacy nila para sa marine life. Nakakataba lang sa puso na maraming tao ang nag-iisip at
Kinalaunan, nasanay na rin ako sa ginagawa ng mga isda sa mga paa ko. Namalayan ko nalang na ang sarap pala sa pakiramdam ng ginagawa ng mga isda sa paa ko. Ni hindi ko na nga palaging tinitingnan iyong mga paa ko para tignan kung ano na ba ang pinaggagawa ng mga isda roon. Nawili rin kasi ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanila ni Nica. Nakailang picture pa nga ako sa paa kong nakalublob sa pond habang may mga isda sa talampakan ko. Kinuhanan ko rin ng mga picture iyong old balete tree. Nag-picture-picture na rin kami nila Nica pati na sila tita. It was a nice sunny afternoon. Sobrang peaceful ng place. "Tita, daan po tayo roon sa souvenir shop! Bili tayo ng mga anting-anting!" saad ni Nica. "Hay, kung ano-ano na naman iyang nakita ni Nica, Massimo." Kamot-ulo ni Nico. Wala namang pake si Massimo na nilalaro-laro iyong
Para sa natitirang araw, pumunta kami sa Kalma Kamay. Ang Massage and Reflexology Centre ng beach resort.Hapon na iyon ng magpa-massage kami. Halos inabot kami ng gabi roon."Grabe, ang sarap ng pakiramdam ko!" Inat-inat ni Nica sa katawan niya pagkalabas namin ng Centre.Kakatapos lang kasi ng massage session namin. Magaan ang pakiramdam namin paglabas doon sa bungalow type na lugar kung saan kami minassage. Mag-aalas cinco na siguro sa hapon. Ilang oras din ang tinanggal namin doon.Nakita namin sila Theus na kakalabas lang din sa bungalow. Lahat kasi kami ay nagpa-massage. Para naman pag-uwi namin ay hindi talaga parang pagod dahil sa mga ginawa namin dito sa Island.Dahil halos labahan na iyong mga dala kung damit, pinili kong suotin iyong dark blue ruffle hem shirred waist swiss dot dress para sa dinner. Mani
Diyos ko. Kung hindi pa ako napakapit kay Theus ay baka napasalampak na ako sa lupa.Pakiramdam ko huminto yata ng sandali ang mundo. Gasgas na 'yan pero iyon ang naramdaman ko.Pakiramdam ko nahulog ako... nahulog ng nahulog ng nahulog...Ano raw?He likes me?Nabibingi na talaga ako.Bakit... bakit naman ako? Ako, gusto niya?Totoo ba 'to? Hindi.... hindi ba 'to isa na naman sa mga panaginip ko?Pero bakit... bakit ganito ka-intense iyong nararamdaman ko kung panaginip ito?Gusto niya ako? As in like? Baka naman hindi talaga like 'like' kagaya ng iniisip ko.Hindi... hindi.... Nabingi lang talaga ako.Naka-move on na ba siya sa ex niyang si Angelique?Totoo ba talaga 'to?