Share

Chapter Two (Part Two)

"Anong dadaanan natin?" tanong ko kay Theus na nag-da-drive. Bumaling siya sa akin at kumurap-kurap na para bang nag-iisip kung ano nga bang dadaanan namin.

Kay kuya sana ako sasabay kaso may pinuntahan pa si kuya kaya isinabay ako ni Theus (na 'yon naman talaga ang plano niya raw) patungong cemtery.

Kagabi, naitanong ko ulit kay kuya iyong about sa itinext ko sa kaniya at sa nasaksihan ko. Grabe ang pamumula ng mukha, leeg at tenga ni kuya. Umingos lang nga siya at ginulo lang ang buhok ko. Nang maitanong ko kung si Hani, cousin ni ate Resa, iyon ay nabilaukan si kuya sa sariling laway niya. Sigurado akong si Hani iyon, alangan namang iba, mag-jowa kaya sila ni kuya.

Ano ba iyan. Feeling ko kapag nakita ko si Hani, iyong ginawa nila ni kuya sa condo namin ang naiisip ko!

"I bought a bouquet of peonies for tita. I’m just gonna get it from the shop," aniya. Lumabi naman ako at napatango-tango nalang. Naalala niya pa rin pala iyong favorite flower ni mama.

Napasilip ako sa bintana ng sasakyan at tiningnan ang pamilyar na daan na tinatahak namin. Sa isang mamahaling flower cafe shop kami huminto. Napasinghap nalang ako.

"Ang mahal ng bulaklak dito, 'di ba?" pangungumpirma ko.

Mukha pa lang ng shop, mamahalin na. French door, wide rectangular-shaped windows, built-in garden pa yata ang nasa loob ng shop.

Mukhang garden na tinubuan ng shop!

"Stay here, 'kay?"

Tumango lang ako bilang tugon. Ilan kaya ang gastos niya sa bouquet?

Parang hindi pa yata ako nasanay. Lumaking marangya si Theus kaya dapat 'yong ganitong mga bagay ay hindi na ikinagugulat pa. Naalala ko nga na dati, nag-e-AirTaxi sila eh. 'Yon nga yata 'yong kadalasang transportation nila ate Ophelia.

Paglabas niya sa shop ay may dala na siyang malaking bouquet nga ng peonies. Malaki iyon kaysa sa nakasanayan kong nakikita na normal na bouquet. Mukhang ilang libo rin ang ginastos niya! Pero sabagay, hindi naman yata kawalan sa kaniya ang iilang libo.

Kumunot ang noo ko nang makita na sa kaliwang kamay niya ay may isa pang bouquet. Nagtagal ang tingin ko roon at napatitig.

Maliit lang iyon kumpara sa isa. At.... tulips ba ang laman niyon? Napalabi ako.

Tulips are my favorite flower.

Posible bang para sa akin iyon? Ngumuso ako sa naisip.

Ito talaga'yong magpapahamak sa akin. Napaka-assuming ko talaga. Pero wala namang masama sa sa paghahangad ng isang bagay, 'di ba?

Ngumiti ako kay Theus nang nakalapit na siya sa akin. Inalis ko ang tingin sa tulips na hawak niya at umayos ng upo.

"This is for you." Tama ako sa nahinuna dahil nang mailagay niya sa backseat ang para kay mama ay nilahad niya sa akin bouquet ng tulips.

Hindi ko na naitago ang pamumula ng mukha ko. "Salamat," malaking ngiti ang ginawad ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin nang marahan niya lang akong tiningnan at parang may hinahanap sa tingin ko. "Bakit may pabulaklak pa para sa akin?"

"That’s a freebie from the shop. It’s supposed to be roses but I remember that you love tulips so it’s not like a freebie at all 'cause I kinda bought it too," litong aniya.

Napakamot siya sa tenga niyang nagsisimula nang mamula. Nasobrahan yata sa pagkamot niya. Nag-iisip akong tumingin sa kaniya at kunot-noong ngumuso pero nag-iwas naman siya ng tingin sa akin.

Nagsimula na siyang mag-drive habang ako naman ay nakatitig sa bouquet ng tulips na nasa kandungan ko.

Ha? Ano 'yon? Freebie pero may bayad? Ha?

Ay, ewan. Basta para sa akin 'tong flowers, okay na 'ko.

Wala sa sarili akong napangiti.

PAGKARATING namin sa kung saan nakahimlay si mama ay wala pa sila ate. Mag-a-alas dos na ng hapon at maaraw pero hindi naman masakit sa balat.

Payapa ang sementeryo at halos iilan lang ang nakikita kong mga tao sa paligid na bumibisita rin siguro sa mga kamag-anak at mahal nila sa buhay na namayapa na.

"Hello, 'Ma, kamusta?" Umupo ako sa damuhan. Hindi naman marumi kaya ayos lang. Nilapag ni Theus ang dala niyang bouquet sa gilid ng lapida ni mama at bumati rin. Narinig ko ang pagbukas ng payong na dala niya. Naupo siya sa tabi ko at pinayungan ako.

Inilagay ko ang dalang kandila na nasa glass sa gilid ng lapida at sinindihan iyon. Nilabas ko ang dalang mga Tupperware na may lamang paboritong pagkain ni mama at nilapag iyon sa uluhan ng lapida.

"Dinalhan kita ng mga paborito mo, 'Ma. Bantayan mo, 'ma, ha? Baka may kumuha ng Tupperware mo. Nako, ang dami raw’ng gano’n dito. Multuhin mo nalang, 'Ma, kung mangyari 'yon sa 'yo, ah?" natatawang ani ko. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Theus sa tabi ko.

May mga insidente kasi na may nangunguha ng pagkain ng mga patay sa sementeryo kadalasan ay iyong mga pulubi raw.

Huminga ako ng malalim. Naiiyak ako pero sinubukan kong pigilan. Ayaw ni mama na umiiyak ako dahil alam kong maiiyak din si mama sa hindi malamang kadahilanan. At nagiging iyakin na talaga ako na noon ay madalas lang. Ngayon, mas napapadalas pa yata.

Isang taon na ang nakakalipas pero ang totoo, ang hirap pa ring tanggapin. Nangyari nalang kasi sa isang iglap.

Nakarinig kami ng mga yapak papalapit sa kinaroroonan namin. Sabay kaming napalingon ni Theus sa likuran namin at nakita si ate Dasha. Mag-isa lang siya.

"Hey, you two." Lumapit sa akin si ate at nauna akong niyapos at bineso. Bumaling naman siya kay Theus.

"Gosh, ang laki-laki mo na talaga, Theus! Hindi talaga ako makapaniwalang mas matangkad ka pa sa akin!" saad ni ate at magaan na niyakap si Theus pero kalaunan ay nanggigil siya habang yakap-yakap ito.

Tumingin si ate sa akin. Iba iyong tingin niya parang iyong emoji sa keyboard na mata, iyong may malisyang tingin. Napakamot ako sa batok ko nang maramdaman na parang nangati iyon. Grabe talaga 'tong mga tinginan ni ate.

"I miss you too, ate. Haven’t seen you in a month." Niyakap pabalik ni Theus si ate.

Bumaling naman si ate sa 'kin at tiningnan ako mula ulo at paa. "Ano ba! Look at you. We’re wearing the same dress but with different color! Thank goodness, I didn’t chose the white one ha." Napatingin din ako sa suot ko at sa suot ni ate.

Tama nga siya. Pareho kaming nakasuot ng isang squared-neck shirred A-line milkmaid dress. Ang kaibahan nga lang ay black ang kay ate at white naman ang sa akin. Naka-white sneakers naman ako at naka-black platform sandal si ate.

"Malay ko po bang gan'to rin ang susuotin mo," nakanguso kong depensa.

"Oh, so we have an angel and a demon here, huh?"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita si kuya Rino na may bitbit na bouquet. Naka-black denim jacket si kuya at black jeans tapos iyong Doc Martens niyang shoes. Nilapag niya ang dala-dalang bouquet sa tabi ng lapida ni mama.

"Magiging demon talaga ako sa mga pinagsasabi mo, Rino," singhal ni ate kay kuya. Tumawa lang si kuya at sinubukang halikan si ate sa noo pero umiwas ito. Lagot, ginalit niya 'ata.

"Tss, 'di ka naman mabiro, ate." Inirapan lang siya ni ate na naupo sa damuhan.

Nagsiupuan kami sa damuhan at nanatiling tahimik. Pero hindi naman nagtagal ay nagsimula si kuya na kausapin si mama na puro biro naman tungkol sa kung ano-ano na namang bagay at puro mga pang-aasar niya sa amin ni ate. Hindi naman kami masiyadong naging emosyonal dahil puro mga nakakatuwang bagay ang naging sentro ng usapan pero naputol ang kasiyahan na iyon nang dumating si papa at ang girlfriend niya.

Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. Nauna na akong tumayo at napahingang malalim. Napatingin ako kay Theus na pahapyaw na hinaplos ang likuran ko na para bang sinasabing magiging okay ang lahat.

"Anak." Tipid ang ngiting ibinigay ko kay papa at tinanggap ang yakap niya. Ramdam ko ang pagbigat ng awra sa paligid.

"Hello po," bati ko kay Tita Dina at kinamayan lang ito. Nginitian ako nito. Naramdaman ko ang pagkailang ni Tita Dina dahil sa tingin ng mga kasama ko. Pamilyar na sa akin ang kasama ni papa dahil napakilala na niya ito dati sa amin. Wala naman akong kaso kay tita Dina, napakabait niya nga eh.

"'Nak," pagtukoy ni papa kay ate na mataman na nakatingin sa kay papa at kasama nito.

"Seriously, 'Pa? Hindi naman kayo naawa kay Mama na namatay na malungkot dahil may iba ka na!" sigaw ni ate at nanginig sa galit.

"Ate," maingat kong sambit at inabot ang braso ni ate. Hinayaan niya lang ako at nag-aapoy niyang tiningnan sila papa.

"Pinagbigyan ka na nga ni mama no’ng nanghingi ka ng annulment para hindi na siya masaktan tapos dinala mo pa rito?" Tumingala si ate at huminga ng malalim na parang pinipigilang magwala.

Ibinuka ko ang bibig para magsalita pero agad ko ring namang itinikom nang wala akong masambit. Naramdaman ko nalang ang pag-iinit ng mga mata ko.

Naiiyak na ako. Bakit ba kasi nagkagan’to? Naramdaman ko ang kamay ni Theus sa likuran ko at parang pinapagaan ang kalooban ko.

"I’m so done with you, 'Pa. I hope you’re happy now. Pero sana hindi ka maging kasing saya tulad no’ng maayos pa kayo ni mama."

Napatanga ako sa sinabi ni ate.

Sobra naman 'ata 'yon. Pero siguro dala na rin ng galit ay nasabi nalang ni ate.

"I’m going," anuns'yo ni ate at nagmadali na sa pag-alis. Hindi ko na siya napigilan pa. Napatingin nalang ako sa papalayong bulto ni ate.

Natameme nalang ako sa pag-walkout ni ate. Malalim akong bumuntong hininga. Naramdaman ko ang paghagod ni Theus sa likuran ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at binigyan siya ng malungkot na ngiti.

"Wow, 'Pa, sinama mo pa talaga?" si kuya naman ngayon at hindi man lang tinapunan ng tingin ang kasama ni papa.

I suddenly felt bad. I was hoping that it wouldn’t turned out like this. I hoped too much, I guess. Kasalanan ko 'to.

"Rino," may pagbabanta sa boses ni papa. Pinigilan naman siya ni tita Dina. Tiningnan ako ni tita at binigyan ng isang mapagpasensiyang ngiti.

"I’m out here," utas ni kuya at hinaplos ang lapida ni mama at lumapit sa amin ni Theus.

"Kuya..."

"Mauna na 'ko. Take care of my sister, Theus."

Tumango lang si Theus bilang tugon. Wala ng lingon-lingon sa kanila papa at umalis na si kuya. Napasinok nalang ako para pigilan ang pag-iyak.

"I’m s-sorry, 'Pa," nanginig ang boses na sabi ko.

"Hindi anak. Ako dapat ang humingi ng pasensiya at naging ganito pa tayo." Mapaklang tumawa si papa.

Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng luha ko sa magkabila kong pisngi. Sininok na naman ulit ako dahil sa pagpigil kong umiiyak ng malakas.

Naramdaman ko ang paghawak ni Theus sa kanang kamay ko at isang beses na pinisil iyon. "You wanna go home?"

Mahina lang akong tumango at pinisil pabalik ang kamay niyang nakahawak sa 'kin. Tumingin siya sa papa ko at nagpaalam na.

"Mauna na po kami. Pasensiya na po."

Kapag sinabi kong masaya ako para kay papa at hindi nasasaktan, napaka-ipokrita ko kung gano’n. Oo, masaya ako na makita si papa na masaya pero hindi lang din naman iyon ang tangi kong naramdaman. Halo-halo at hindi ko na itatanggi, puro negatibo iyon.

Wala na kasi eh. Wala na 'yong dati na kompleto pa kami at masaya. Na kahit minsan ay may away sila ni mama madali lang din naman silang magkabati siguro dahil na rin ayaw nila kaming idamay pa, dati.

Ang sakit lang isipin na hindi na kami mabubuong muli. Ang dami ng nagbago sa nakalipas na taon. At... at ang hirap isuksok sa isipan ko na kailangan ko 'tong tanggapin dahil wala na. Wala na talagang pag-asa pa.

Seeing my father happy right now without my mom beside him, seeing my ate loathing him to death and my kuya being civil like he was like that since he first met our father were heartbreaking for me.

All I want was for us to be a happy family and also to be complete even though mom was gone now but seeing them now and all acting up differently means we can never be the same as we were before; Happy and complete as a family.

FlowerNamed

Hello! Sinong readers ko rito sa Wattpad? Hehe, Hindi ko matapos-tapos si Dasha huhu. Ang masasabi ko lang is ang daming changes na nangyari sa kaniya huhu kaya sorry sa future behavior ni Dasha 🤧

| Like
Comments (1)
goodnovel comment avatar
viambambam
wait lang huhu wala pa akong 29 na bunos......... 23 pa lang huhuhu locked na ch. 3 onwards. bukas ko na yata ma-a-unlock
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status