PINAGPATULOY ulit yung last scene ni Prinsipe Maxilion at Fauna sa kusina ng kaharian kung saan narinig niyang kumakanta na kasing pareho ng boses ng babaeng lumigtas sa kanya sa gubat."Sobrang pangit ko ba para agad mong makalimutan? O 'di kaya sobrang hindi ako ganoon kahalaga para hindi mo na maalala?" malungkot na tanong ni Fauna sa Prinsipe na ngayon ay nabibigla sa mga nangyayari.Namilog ang kanyang mga mata. "I-Ikaw iyon, F-Fauna. I-Kaw!" hindi makapaniwalang saad ng Prinsipe. Lumuhod siya sa harap ni Fauna na nagpahiyaw sa lahat."F-Fauna, patawad dahil dahil kinalimutan kita, patawad dahil hindi kita naalala, at patawad dahil ngayon lang kita nakita," mga sinabi ng Prinsipe upang maiyak si Fauna. They kept looking at each other while there was a sweet music on the background.Natigil ito nang may kalabog na umalingawngaw sa paligid. Nasaksihan ito ni Hermelina na ngayon ay matatalim ang mga tingin sa dalawa."Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ni Hermelina sa dalawa. Tumayo a
MINULAT ko ang aking mata nang tumama na ang init at sinag ng araw sa aking mukha. Umaga na pala. Napalingon-lingon ako sa paligid, narito ako sa aking kwarto at tinignan ko ang aking itsura.What in the world?Tanging ang kumot na lang ang tumatakip sa katawan kong suot lamang ay panty at bra!"What the hell?!" sigaw ko na nag-alingawngaw sa buong bahay. Nagkalat ang aking tea gown malapit sa pintuan. Pinulupot ko ang kumot sa aking katawan at dali-daling tumungo roon kaso may biglang bumukas ang pinto para mauntog ang aking ulo at matumba sa sahig."Artemis?! Anong nangyari—" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang makita ang itsura ko, napatingin ako sa aking sarili at napasigaw ako dahil naalis yung kumot sa katawan kong bra't panty lang ang suot. Awtomatikong tumalikod si Stalwart sa harap ko, agad ko naman binalik ang kumot sa aking katawan."Get out!" naiiritang sigaw ko sa kanya na agad niyang sinunodI let out a deep breath to calm myself. Bakit ganito lang ang suot
PUMASOK na ako sa klinika, binuksan ko ang unang kurtina at nakitang nagpapahinga si Janus. Umupo ako sa upuan na katabi ng kanyang kama."Janus..."He has a black eye in his left eye and a lump on his forehead. His right fist was bandaged and his uniform was a bit torn. Unti-unting minulat niya ang kanyang mata at ngumiti agad nang makita ako. "A-Artemis, nariyan ka pala, ang pangit ko na ba?" natatawang tanong niya para hampasin ko ang kanyang binti. Napa-aray naman siya dahil doon."Nagbibiro lang ako, kaya huwag mo na akong hampasin dahil mas lalong sasakit!" he mumbled.Nagsimula naman akong maluha-luha dahil doon.Napayuko ako sa sobrang guilt. "P-Patawad, Janus. Dahil sa akin, nag-away kayo at nagkagulo. Napagtanto ko na may mga bagay na hindi dapat pilitin kung hindi pa talaga pwede. Alam kong nag-aaway kayo pero pinilit ko pa ring kumain kayo sa isang mesa. Hindi ko man lang inintindi ang nararamdaman mo.""H-Huwag mong sisihin ang sarili mo. Desisyon kong magalit at desisyo
"DALA-DALA na ba ninyo ang pinadala kong mga sangkap sa paggawa ng likidong ganda?" Tumango naman ang lahat at mariing nakikinig kay Maestra Haykey tungkol sa paggawa ng likidong ganda. Nanatili lang akong nakatingin sa kuwaderno ni Janus. Medyo matamlay ang umaga ko, bukod sa wala akong kapartner ngayon, yung tungkol kay Jandel at sa aming dalawa ni Stalwart. Isama mo pa yung pag-uusap naming tatlo noong isang gabi tungkol sa pag-ibig. Since then, the ideas have kept me up at night and keep me from falling asleep. May nakita akong isang papel na nakaipit sa kuwaderno ni Janus. Isa na naman itong sulat. Patawad dahil mag-isa kang gagawa ng likido. Hindi kita masasamahan sa loob ng dalawang linggo dahil sa parusang natanggap ko ngunit huwag kang mag-aalala dahil palagi kitang gagabayan at tutulungan, nakatingin lang ako sa paligid. Napatingin naman ako sa paligid pero wala naman e. Aking pinagpatuloy ang pagbabasa ng sulat. Biro lang, dyok lang. Hahaha. Alam kong kaya mo 'yan Arte
HINDI ako nagdalawang isip na sampalin siya at hindi naman siya nagulat doon."Buong akala ni Kriselle, nagbago ka na at gusto mo siya ngunit si Moiselle pa rin pala ang mahal mo! Paano mo nagawang paglaruin ang damdamin ng kambal?!""Isang malaking palabas lang ang panliligaw ko kay Krisell—" hindi ko na siya pinatapos dahil tinulak ko siya ng malakas!Nabitawan ko na ang payong pati na rin ang dala kong balot. Wala na akong pakialam dahil ang tanging gusto ko lamang ay saktan ang lalaking 'to!Lahat ng inis sa katawan ko ay mukhang mailalabas ko ngayong araw."Isa kang napakalaking gago! Nararapat kang mamatay sa sobrang lamig!"Susuntukin ko sana siya nang may pumigil sa aking kamay.Napalingon ako sa humawak sa aking kamay, si Stalwart!"Anong nangyayari rito?!" nagtatakang tanong niya pero hindi ko ito pinansin at mabilis na binawi ang aking kamay.Lumapit muli ako kay Paris ngayon at hinayaan niya akong suntukin siya ng malakas sa mukha. My hand hurts but I don't care anymore be
WHEN SATURDAY came in, everyone went home. Nasa paligid pa rin ang mga Valkier ng Konseho at Armada ng Kaharian dahil wala pa ring balita kung anong nangyayari sa gyera ng Salamanca at Valhalla. The war zone is located in the most remote corner of Soliver, near to the very first Valhalla region. Both sides are on standby and it is not yet known who will attack first. On the other hand, there is a possibility that the two worlds will first engage in negotiations or arbitral discussions. To confirm if the war can still be avoided or not.Meanwhile, babalik na naman ako sa Earth sa pamamagitan ulit ni Maestro Estefanio na nagsermon muna sa akin bago ako umalis tungkol sa pagduwelo ni Janus at Jandel last week. Medyo stressed na naman ang lolo mo dahil doon.Nang nakauwi na ako, inasikaso ko ang aking pag-enroll sa isang college rito. Hindi ko alam pero habang naglilibot ako sa paaralang iyon at nakikita ang mga kapwang estudyante na excited makapag-enroll, I suddenly lost interest in goi
THE SUN was setting. Everyone has gone home from their jobs and is heading to Kalye-Aliwan to prepare to welcome Spring. Meanwhile, our carriage has stopped and we are here in front of the Konseho. I smiled at the twins who were now sitting on a bench outside.Ilang sandali pa, pumasok na kami ni Ginang Ponty kasama ang dalawang Valkier na hawak-hawak ang magnanakaw na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Napakayuko naman akong pumasok sa Konseho dahil baka makita ako ni Arabella o mas malala pa ay ni Stalwart.Pinapunta muna kami sa Paggamutan ng Konseho para i-gamot ang sugat na tinamo ni Ginang Ponty. Maliit lang daw sa akin kaya nilinisan na lang nila ito. Nang natapos ay diretso agad kami sa isang silid-interogasyon. Humiwalay naman sa amin ang isang Valkier na nakahawak sa magnanakaw. Mukhang ilalagay na niya ito sa kulungan. Habang ang isang Valkier naman ay sinamahan kami rito sa silid-interogasyon at pinaupo sa isang mahabang upuan.Nagsimula naman ang interrogation sa ami
DAHAN-DAHAN siyang lumapit sa akin. Napansin kong nagsimulang tumala ang mga ugat sa kanyang sentido, umiigting na ang kanyang panga at magkasalubong ang kanyang kilay sa sobrang inis."Saan ka galing?" sobrang lamig na tanong niya.I gulped. "N-Nanood kami ng parada...Sorry kung hindi ako nakapag-paa–""Alam mo bang hindi na kami napakali ni Maestro Estefanio sa kakahanap sa'yo? Hindi namin alam kung saan ka hahanapin dito sa Lowlands!"Napayuko naman sa sobrang hiya dahil nag-aalala na naman siya sa akin, pati na rin si Maestro Estefanio."Sorry talaga, ilang oras lang naman ako nawala e. P-Pero nandito na ako.""Oo! Ilang oras ka lang nawala ngunit ilang oras din kami hindi mapakali kung nasa mabuti kang kalagayan o 'di kaya'y napahamak ka na! Halos masiraan na ako ng ulo sa sobrang pag-aalala sa'yo!" sigaw niya na nag-alingawngaw sa buong bahay.Nagsimula namang uminit ang aking mata."Sino ka para sigawan mo siya ng ganiyan?"Napalingon kami sa nagsalita at namilog ang aking mata