Share

Chapter 52: Threatened

DUMAAN muna kami saglit sa bahay para kumain, pagkatapos ay naririto muli kami sa kalesa patungong Aethelmagia. Alas dyis pa ng umaga ang pasok namin kaya may dalawang oras pa akong matulog pagdating ko roon.

"I-explain mo nga sa akin ng mabuti kung paano mo nakausap sina Arabella at ang kanyang tatay sa pagliban mo sa kasunduang kasal? Just making sure!"

Napaisip naman siya.

"Dumiretso muna ako sa kanyang ama at nag-usap ng masinsinan. Si Sir Aliergo ay ang tumayong ama nang mag-isa akong namuhay rito sa Salamanca kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dumaan ang taon, nakikita niyang ako raw ang papalit sa kanya bilang Punong Konseho balang araw kaya't napagdesisyonan niyang maging anak ako sa papel bilang maging asawa ng kanyang anak na si Arabella na siya ring matalik kong kaibigan. Dati, pumayag ako sa kasunduang kasal dahil bukod sa personal na hiling ito ni Sir Aliergo, prayoridad ko rin na makakuha ng mataas na posisyon sa Konseho para makuha ang hustisya kay Lolo Ompong.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status