AGAD akong yumuko nang lumingon siya sa direksyon ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang kanyang hakbang patungong wishing well. Kinuha ko ang pagkakataong iyon makita kung sino siya.Bago siya tumalon sa well, nakangising tumingala siya sa bintana ng aking kwarto. Kahit nakasuot siyang kapa, hindi niya pa rin maitago ang suot niyang uniporme ng Aethelmagia. Mukhang kaedad ko palang siya sa panahong ito. Tumigil ang mundo ko nang makilala ito. I felt tears welling up in my eyes again because I finally got to know who is the culprit. Siya ang mitsa ng lahat ng masasalimuot na nangyari sa buhay ko. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang alisan ng kapangyarihan at gusto kong umiyak siya sa sakit ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatataguan. Animo'y namanhid ang aking katawan sa sobrang pagkamuhi sa kanya."Masaya akong makilala ka, Artemis," nakangising aniya saka tumalon na sa balon.Doon ko napagtanto na hinayaan ko lang siyang gawin ang mga ito sa buhay ko kaya't hindi ako nagd
"Sa tingin mo Artemis, magugustuhan kaya ito ng tiyuhin mong si Maestro?" nakangiting tanong sa akin ni Kriselle habang pinapakita sa akin ang isang sumbrerong dark blue. Napatulala naman ako sa kulay na ito. Bigla kong naaalala ang pangyayari no'ng nakaraang linggo, ang pagkikita namin ng taong naka-kapa."Makipaghiwalay ka kay Stalwart. Kapalit ang pagbawi ko sa bulong ng kamatayan sa iyong magulang. Kung hindi at sinabi mong ako ang taong naka-kapa kay Stalwart, gagamitin ko na ang aking huling alas, ang utusan silang magpakamatay at wala kayong magagawa upang pigilan iyon.""N-Nakaalis na ito... Buti na lang h-hindi niya nakuha ang Salamin ng Panahon.""Nakilala mo ba ito, Artemis?!" Maestra Markisha asked.Napaisip ako sa aking isasagot, kalauna'y napailing-iling ako. Awtomatikong niyakap ako ng mahigpit ni Maestra dahil doon."Salamat dahil ligtas kang nakabalik, Artemis..."Habang yakap ko si Maestra ay napatingin ako sa pintuan ng silid. Nakabukas ito na nagpapahiwatig na kani
"ILANG ARAW ka ng ganyan, Artemis! Pumapayat ka na nga oh, may malaki ka bang problemang kinakaharap?" nakangusong tanong sa akin ni Kriselle.I simply shrugged. "Wala! At dati na akong payat hindi tulad ninyong dalawa..." Kantyaw ko upang kurutin nila ako sa sobrang inis. Natawa na lang ako na parang hindi nasasaktan. Simula ng gabing iyon, nawalan na ako ng gana sa lahat. Unti-unting napapabayaan ko na ang aking sarili. Hindi rin ko nagkakaroon ng pagkakataon para harapin si Arabella. I'm not sure why, but it seems like she is prolonging my agony and remorse. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami agad sa gilid ng lawa ng Burks dahil dito magaganap ang pagsusulit sa asignaturang Duwelo, ang Codo Honoro. Nakasuot kami ng PE uniform Aethelmagia version. White cotton long sleeves on top and white oversized pants then slippers made of abaca. We look like the Engkantos who were chasing Mika in T2 movie. Samantala, sinalubong naman kami ni Janus. "Mukhang hindi ka handa, Artemis
"HALIKA rito, Artemis!" mabilis na aniya upang tumango sa kanya at mabilis na lumapit sa kanyang pwesto. Nakita ko sa kanyang likod si Maestra Markisha na binabantayan ang walang malay kong magulang at sa gilid ang napakaseryoso na si Maestro Estefanio.Walang pakundangan akong tumakbo papalapit kay Stalwart at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko na rin maiwasang umiyak dahil miss na miss ko na ang lalaking ito."Huwag ka nang umiyak, mahal kong Binibini, dahil nandito na ako," wika niya na nagpalambot sa aking puso."Magaling, Artemis! Ang lakas mo!" biglang hiyaw ni Maestra Markisha sa akin. Hinarap naman ako ni Stalwart. Nakangiti kaming dalawa sa isa't isa.Our plan had been successful. We deserve an Oscar award for this.Nagpaalam ako sa kanila na pupuntang cr kahit hindi naman. Dahan-dahan akong tumungo sa opisina ni Maestra Markisha. Nabigla ako nang tumatakbo rin siya patungo sa akin at namilog ang aking mata sa salubong niyang mahigpit na yakap. Medyo nahiya ako dahil naririto
"BAKIT ang lambot?" Wala sa sariling wika ko habang kinakapa ang higaan. Sabay bukas ng aking mga mata, doon ko rin napagtanto na nasa isa akong magarbong kwarto. Yung kwarto ng mga royalties na napapanood ko sa mga movies. W-wait. What the hell.Mabilis akong napabalikwas sa kama at hindi ako nagdalawang kumaripas papuntang pintuan."Buksan niyo ang pintong ito!"Sumisigaw man ngunit hindi ko mapigilan na maluha-luha. I noticed that my dress was still the one I wore on Maestro's birthday."Sandali..."Tinigil ko muna ang pagwawala upang alalahanin ang mga nangyari at kung paano ako napunta rito.Dumaan ako sa isang hagdan kung saan sina Jandel at Prinsipe Jensen tumungo. Nandito na naman sila sa mini library. Buti na lang na walang bantay silang kasama this time para malaya kong marinig ang kanilang usapan.Napangiti ako dahil rinig na rinig mula rito sa labas ang kanilang usapan. Hindi ko na kailangan silipin sila."Ang tigas tigas talaga ng ulo mo, Jandel! Hindi mo sinusunod an
"MAAARING kamukha ko si Tinay ngunit hindi pa rin magbabago ang katotohanan na hindi ako siya. Ako si Mising, mahal na Hari.""Wala akong balak na ilayo ka, Binibini, tulad ng sinabi ko kanina. Gusto ko lang maranasan na siputin ako ni Athena nang gabing iyon." Sa sinabi niyang iyon ay namilog ang aking mata sa gulat."I-Ibig sabihin ay totoo ngang niyaya mo siyang sumama sa'yo noon sa kabila ng kanyang pagiging asawa ng iba?"He slowly nodded. "Kung titignan, ako ang kanyang una sa lahat ng bagay, kasama na roon ang pag-ibig. Ngunit, biglang binitawan ko siya dahil sa aking tungkulin sa Salamanca. Mas pipiliin kong masaktan siya ng panandalian kaysa makamit niya ang marahas na kamatayan. Hindi karapat-dapat na mamatay siya nang dahil lang mahal niya ako. Kung kaya't sinaktan ko siya, ang inaakala niyang tagapaligtas ay hinayaan siyang malunod sa karagatan ng lungkot at paghihinagpis. Buti na lang ay naroon ang iyong Lolo, na siyang matalik kong kaibigan, na hindi nagdalawang isip na
"BAKIT kayo naghahalikan ni Sir Stalwart?!" sabay na sigaw nila sa akin.What the hell. Mababasag ang ear drums ko."A-Ano kasi... Nag-alala siya sa akin ng sobra kaya ganoon," nahihiyang sagot ko.Natawa naman si Kriselle. "Nag-alala rin kami sa'yo ah pero hindi ka naman namin hinalikan!"Sa sagot niyang iyon ay binatukan siya ni Moiselle."Tanga mo talaga, Kriselle! Ginawa nila iyon dahil may namamagitan sa kanila! Alam kong tama ako, Artemis!" sermon ni Moiselle para mapabuntong hininga ako saka tumango.They recoiled in disbelief.I stoop up. "Hindi lang ang salitang namamagitan ang dapat ilarawan sa amin, k-kasintahan si Stalwart. Pasensya na kung nilihim ko sa inyo iyon," nakangusong patuloy ko para manigas sila sa kanilang kinatatayuan."Kelan?!""Paano?!"Hence, I told them my love story with Stalwart in a metaphorical way. I described him as my savior who always overprotective and coming to rescue, and later on, eventually confessed. I was giggling while telling the story. It
"BAKIT IKAW pa, Janus Wrikleson?"All of my memories with him—from the first time we met in Kamiseta until now flooding in my mind. Especially the moments he showed me some hints that he is the son of the Prince. I realized it all make sense, small details really matters.Naalala ko yung panahon na nalaman kong paboritong pagkain ni Janus ay mga putaheng manok at ang kuwaderno na binigay niya sa akin na patungkol sa likido. Ang tinutukoy niya palang lola niya na may-ari nito ay si Reyna Mercedez na siyang tinaguriang pinakamagaling sa paggawa ng mga Likido sa buong Salamanca. "Talagang binasa mong maiigi yung kuwaderno na binigay ko," aniya habang kumakain ng roasted chicken."Oo naman, mas madaling unawain iyon kaysa sa libro ni Maestra. Ikaw ba ang sumulat ng kuwadernong iyon? Sandali—favorite mo ang manok? Palaging iyan ang kinakain mo ha!""Hindi, kay Lola ang kuwadernong iyon dahil gumagawa rin siya ng likidong lakas," sagot niya at napatango-tango ako."At teka, P-Peybor-rit? A