Share

KABANATA 40

" Ako na ang magdadala niyan sa opisina niya. " Nakangiting inagaw ni Catriona mula sa isang kasambahay ang bandeha na may lamang baso at isang bote ng alak na gawa sa ubas. " Bumaba ka na. Pinatatawag ka ni Manang sa kusina. "

Nag-aalangan man ay sumunod na lamang ito sa sinabi ni Catriona na agad sumilay ang matagumpay na ngiti sa labi nang mawala sa paningin niya ang kasambahay na dapat ay magdadala ng alak sa opisina ni Maximo.

Nagpatuloy sa paglalakad si Catriona sa pasilyo. Nakapatay na ang malaking aranya (chandelier) at tanging maliliit na bumbilya na lamang ang mga nakabukas sa loob ng mansyon. Tahimik na ang paligid, mga yabag na lamang ng sapin sa paa ang tanging nadidinig ni Catriona hanggang sa siya'y tumigil sa harap ng silid at marahang kumatok rito bago buksan ang pinto.

" Señor... " Mahinang tinawag ni Catriona ang ngalan ng lalaki. Madilim ang silid, liwanag mula sa labas ng nakabukas na bintana at sa isang nakasinding pantalya ang nagsisilbing ilaw sa loob ng opisi
janeebee

Hello! Pasensya na po sa matagal na pag-update. Sobrang naging abala lang noong nakaraang buwan (September) kaya nawalan ng oras sa pagsusulat. Salamat po sa mga nagbabasa at patuloy na pagsuporta. Ngayong taon rin na ito ay tatapusin ko rin po ang nobelang ito kaya huwag po kayong bibitaw! Salamat!

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leni Isla
Maraming salamat po sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status