Share

KABANATA 42

Ibinaba ni Isabella ang nakatuping papel sa mesang nasa pagitan nila ni Maximo. Kasalukuyan silang nasa loob pa rin ng opisina, magkaharap at hindi pa nagtatama ang mga mata magmula nang humiwalay ng yakap sa isa't isa.

" Galing ang sulat kay Tina, " ani Isabella habang nakatingin sa sulat na ipinatong niya sa ibabaw ng mesa. " Ibinigay niya kay Aling Rosal kaninang madaling araw bago siya umalis ng mansyon. "

Salubong ang kilay ni Maximo nang kuhanin ang papel at agad na binasa ang nilalaman ng sulat. " Sinasabi niya rito na wala siyang kasalanan, pero sa ginawa niyang pag-alis nang hindi man lang nakikipag-usap nang maayos, ano sa tingin mo ang iisipin ko? "

Mariing napalunok si Isabella. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang tanong ng asawa na batid niyang para kay Agustina.

" N-Nauunawaan ko naman si Tina..." Mahina ngunit sapat na para lumipat ang tingin ni Maximo kay Isabella. "...at naniniwala rin ako sa kaniya. "

Ibinaba ni Maximo ang hawak na sulat nang hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status