Share

KABANATA 50

Halos kalahati ng sakahan ang tinupok ng apoy sa lupain ng Castellano. Mula sa pinaka una kung saan makikita ang mga bulaklak at halaman, umabot ito hanggang sa taniman ng mga kagulayan. Mabilis kumalat ang apoy, animo'y isang malaking ahas na sinisilaban ang bawat parte na kaniyang magapangan. Kinailangan ng maraming bombero mula sa iba't ibang lugar para sa mabilisang pag-apula ng apoy at hindi na madamay pa ang ilang parte ng malaking lupain ng Castellano.

" Wala ng apoy sa dulo, Señor. Tanging usok na lang po ang naroon pero nakaantabay pa rin po ang dalawang truck ng bombero, " hayag ng isa sa mga trabahador ni Maximo, basang-basa ito mula ulo hanggang paa dahil sa pagtulong rumisponde sa sunog na patuloy pa ring inaapula. Dalawang oras na ang nakalilipas, ngunit natatanaw pa rin mula sa labas ang apoy mula sa loob ng sakahan.

" Salamat, Mang Berto. Magpahinga muna po kayo rito sa labas, alam kong pagod na kayo. Hayaan niyo na ang mga bombero sa loob, " ani Maximo na sa kabila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status